Chapter 29

3.1K 77 0
                                    

Sabi nila lahat ng mga nangyayare may dahilan. Minsan ang hirap hanapin ng dahilan at minsan naman kapag nahanap mo na mapapatanong ka nalang na sapat ba ang dahilan na 'yun para mangyare 'yun? O kaya bakit sayo pa dapat mangyare 'yun.

Ang sarap siguro ng buhay na walang problemang iniisip pero mas masarap na dumaan ka sa malalaking problema at natapos mo 'yun ng hindi sumusuko.

"Xandra" ipinulupot ni Prince ang mga braso nya sa bewang ko habang nakahawak ako sa railings at tinatanaw ang sunrise.

"Hmm?"

"I love you" napangiti nanaman ako. Hindi ko alam kung anong nagawa kong maganda para mabiyayaan ako ng ganito. Magrereklamo pa ba ako?

Simula ng matapos ang lahat mas lalong naging sweet si Prince. Hindi na nailigtas si Justin. Binawian na agad sya ng buhay bago pa namin sya maisugod sa hospital. Si Michael naman ay nailigtas at nung isang araw lang sya nagising pero wala syang kinakausap at lagi syang tulala. Ang sabi ni daddy dala daw 'yun ng trauma kaya dinala sya sa states ng parents nya.

Going strong pa rin ang Emanon pero hindi na kami tumatanggap ng panibagong miyembro. Minsan naiisip ko na buwagin ang Emanon pero hindi ko pa pala kaya. Wala ng dahilan para ipagpatuloy 'to pero ang hirap bitawan ng grupong naging pangalawang pamilya ko na.

"Anong iniisip mo?" hinalikan nya ang buhok ko kaya panibagong ngiti nanaman ang sumilay sa labi ko.

"Masaya lang ako dahil tapos na ang lahat" hinawakan nya ang balikat ko at iniharap sa kanya.

"Oo nga eh pero hindi mo pa 'ko sinasagot" pabiro nyang sabi. Tumingin ako ng seryoso sa kanya.

"Gusto ko kapag sigurado na ko sa nararamdaman ko. Kapag nasabi ko na sayo na mahal rin kita ng walang pag-aalinlangan" ngumiti sya sakin at hinalikan ang noo ko.

"I'll wait. Let's go? Baka naghihintay na sila" dumiretso na kami sa coffee shop na napag-usapan. Bigla kasing nagkayayaan na gumala kami ngayon tutal may pasok naman na bukas.

"Aleeex!" sinalubong agad ako ng yakap ni Stephanie. Parang ang tagal na rin nung huling beses na nagkasama kami.

Umorder muna kami ng kape tapos nagkwentuhan. Binabalak nilang pumunta sa karaoke house mamaya. Magrerent ata sila ng VIP room. Paniguradong magkakalat nanaman sila tss.

"Jake please. Please gusto ko silang bigyan ng hustisya" napatingin kami sa kabilang table at laking gulat namin ng makita namin si Dianne na umiiyak.

"Si Dianne ba 'yan?" tanging tango lang ang naisagot ko kay Step. Tatayo sana sina Kurt at Deo pero pinigilan namin sila.

"Give them privacy"

"Tangina pinapaiyak nya si Dianne" gusto ko sanang humanga sa inaasal ni Deo ngayon pero wala sa tamang oras.

"Dianne ako naman ang mapapahamak eh" hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng kakaiba sa pinag-uusapan nila.

"Ako. Sasaluhin ko lahat. Pangako. Jake mas maraming mapapahamak kapag hindi sila napigilan" hindi naman ako chismosa pero sa oras na 'to gustong gusto kong malaman ang pinag-uusapan nila.

"Kailan mo ba iisipin ang sarili mo Dianne? Nasa peligro na ang buhay mo pero bakit iba pa rin ang iniisip mo? Dianne sarili mo muna ang iligtas mo bago ang ibang tao"

"Jake! Jake" umalis na rin agad ang kausap kanina ni Dianne habang sya ay nanatili sa kinauupuan nya at patuloy na umiiyak.

Lahat kami nakatingin sa kanya pero parang hindi nya napapansin. Natulala lang sya habang patuloy ang pagtulo ng mga luha nya.

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now