Chapter 7

5.4K 164 8
                                    

Alex

Ginagalaw galaw ko ang binti ko. Konti nalang ang sakit. Effective talaga ang mga gamot galing sa parents ko.

Pangatlong araw ko na 'to dito. Ang unang dalawang araw ay nagkulong lang ako sa kwarto. Ewan ko ba kung bakit hindi ako mapakali kapag nakikita ko sya kaya minabuti ko nalang na magkulong kesa makita sya at mataranta.

"Señorita" ilang katok pa ang narinig ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit señorita ang tawag nila sakin. Hindi ba sa mga hacienda 'yun?

"Come in" pumasok ang isang nakayukong maid.

"Magandang umaga po. Hinihintay na po kayo ni señorito Tristan sa baba. Magbihis daw po kayo at bababa kayo ng bayan"

Wala akong magawa kundi tumango. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng kabog nito. Kinakabahan ata ako.

Naligo na 'ko at nagbihis ng black v-neck at maong short. Puro short ang dala ko dahil hindi ko naman akalain na mas mabilis akong gagaling.

"Bakit tayo bababa ng bayan?"

Hindi ako nito sinagot. Sumenyas lang sya na sumunod. Tss konti nalang talaga at makakatikim na sakin 'to.

Sya lang ang ganyan sakin.Kahit nga si kuya Kurt na leader namin ay sumusunod sakin eh.

"Woah! Ako magdadrive!"

Masyado akong naexcite sa motor na nakita ko. Hindi sya kagaya ng mga motorbike ko na pwedeng pang-race dahil mas maliit ito at simple pero kahit na! Ang tagal ko na kayang hindi gumagamit ng motor.

"Hindi pa tuluyang magaling ang mga binti mo. You can't force to use it. I'll drive and sit at my back"

Napairap nalang ako sa kawalan. Sigurado namang hindi ako mananalo dyan. Kapag ako napuno sa likod mismo nya 'ko sasakay. Sit at my back daw eh pwede namang sabihing umangkas. Tss arte talaga.

"Humawak ka. Pababa ang daan"

Pinagkrus ko lang ang mga braso ko. Naiinis pa rin kasi ako sa kanya. Simpleng request lang naman pero hindi nya 'ko pinagbigyan. Ang damot damot nya.

"AAAHHH! FUCK YOU ROSWELL" tinawanan lang ako ng gago.

Napayakap ako sa kanya. Nasabi nya naman na pababa ang daan diba? Eh malay ko ba na sobrang pababa pala at ang bilis nyang magpatakbo. Wala naman sa itsura nya ang magpatakbo ng mabilis.

"Don't worry, I won't let you fall but If you fall, I'll fall with you. I hope you'll do the same thing"

I'll fall with you...

I'll fall with you...

Bigla akong kinabahan sa linya nyang 'yan. Ewan ko ba. Alam ko naman ang ibig nyang sabihin pero parang may iniisip pa 'kong ibang meaning. Aish virus talaga ang unggoy na 'to sa utak ko.

"Public market?" seriously? Si Prince Tristan Roswell dinala ako sa palengke?

Anong pang pakinabang nya sa sandamakmak na katulong sa resthouse nila? Pinagtitripan ba talaga ako ng hayop na 'to? Bakit hindi nalang nya ko inawan dun?

"This is actually my first time. I just want to try and to know what it feels like"

"Eh gago ka pala bakit sinabi ko bang gusto ko din? Ihampas kaya kita sa motor na ginamit natin? Ang galing mong magya- tangina 'wag mo 'kong hilahin!"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya tumahimik na 'ko. Akala ko kasi pinagtitinginan kami dahil sa bunganga ko pero hindi pala. Lahat ng tao napapalingon at napapatingin sa amin. May lalake pa na kumindat sakin. Bwiset dukutin ko mata nya eh.

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now