Chapter 16

4.3K 126 7
                                    


Alex

Tumambay lang ako sa tent hanggang sumapit ang gabi. Alam ko kasing nasa labas sila, sya. Hindi kasi talaga ako komportable eh ano bang magagawa ko?

"Alex kain na daw tayo. Tatawagin tayo mamaya para sa Scout got talent. Kailangan na rin nating maghanda"

Tuwang tuwa talaga si Stephanie sa camp na to. Bakit ako parang hindi nag-eenjoy?

Sumunod ako sa kanya sa labas. Nakaupo na silang lahat pati si sir Alvin at mukang ako nalang ang hinihintay. Muka tuloy akong paimportante.

"Alex ko bakit ngayon ka lang?" sinamaan ko ng tingin si Ian. Ayan nanaman sya sa Alex ko.

Umupo nalang ako at hindi na umimik. Nakatingin silang lahat sakin kahit yung ibang scouts na hindi ko naman kilala. Ano bang problema ng mga 'to?

"Makakaroon ng Scout got talent mamaya. Sinong magiging representative nyo? Pwedeng isa or duo o kahit grupo" panimula ni Sir Alvin.

Ayokong sumali sa pag-uusap nila. Ano namang alam ko sa talent talent na yan? Wala ata akong ibang talent kundi mangwasak ng muka.

Nagsimula na kong kumain. Medyo hindi ako komportable dahil nararamdaman ko ang titig ni Prince. Ano bang problema ng mokong na to?

"Alex at Josh. Di ba pareho kayong magaling kumanta? Nagdu duet kayo noon di ba?" nagkatinginan kami ni Josh.

Ayoko talagang kumanta kasama ang sino man. Pumayag lang ako noon dahil... dahil gusto ko si Josh. Kapag pumayag ako parang sinasabi ko na rin na gusto ko pa rin sya.

"Ayoko/Hindi pwede" naptitig ulit kami ni Josh sa mata ng isa't-isa.

Pareho lang kami ng dahilan kung bakit kumakanta kami noon kasama ang isa't-isa. Ayaw rin naman kasi ni Josh noon ang kumanta.

"Teka anong meron sa inyong dalawa?" naguguluhang tanong ni Carl.

Kami naman ang nagkatinginan ni kuya Kurt.

"Wala" malamig kong sabi.

Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Prince na nakatingin din sakin ngayon kaya nagkatitigan kami.

Pakiramdam ko gusto ko syang yayaing kumanta. Aish!

"Alex bakit hindi nalang ikaw? Maganda naman talaga ang boses mo"

Hindi naman ako informed na pagkanta lang pala ang talent sa mundo.

"Ayoko sabi eh" naiirita kong sabi na nagpatahimik sa kanilang lahat.

Bakit kasi kailangan nila akong pilitin? Sinabi ng ayoko eh.

Wala na rin silang nagawa. Napag-usapan na si Kuya Kurt nalang ang kakanta, si Ivan sa beat box, si Deo sa gitara, si Ian ang magsesecond voice at si Prince ang magpa-piano. Ang sabi nila marunong din daw kumanta sa Prince pero tumanggi ito.

Pagkatapos naming kumain ay pinapila na kami. Totoo nga ang sabi nila. Kami lang ni Step ang babae dito.

"Buti pa sa kanila may mga chicks"

He's The Genius And She's The Brat GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon