Chapter 13

4.6K 141 12
                                    

Alex


"Hindi mo na dapat ginawa 'yun Alex" paulit-ulit nalang na 'yan ang lumalabas sa bibig ni Stephanie.

Pagkatapos kasi ng klase sa English ay pinuntahan ko sya sa clinic. Pinaalis ko na rin ang dalawang gang na nagbabantay.

"Totoo naman kasi na kabit ang nanay ko. Hindi ko nga alam kung bakit pumayag ka na maging kaibigan ko"

"Step nakakarindi na ang bibig mo"

"Pero kasi-"

"Hindi ako magaling magpagaan ng loob kaya tigilan mo ko sa drama ng buhay mo" yumuko ito.

Taena naman oh. Hindi ko naman sya inaaway ah. Geez ano bang gagawin ko dito?

"Si Deo isang dakilang playboy, womanizer, casanova o kung ano pa ang pwedeng itawag sa kalandian nya. Papalit palit ng mga babae. Kita mo naman sa party di ba? Dalawang babae ang pinagsabay. Si Josh hindi makabasag pinggan. Minsan nakakainis na dahil nagkakagulo na kayo tapos sya tahimik lang sa isang tabi. Si Ivan ang tito nya ay nakulong dahil napatunayan na isa itong drug lord. Kaliwa't kanan din ang mga kabit ng tatay nya. Si Ian dinaig pa ang 5 years old sa kakulitan. Sa aming lahat aya ang pinaka-slow at malimit panira ng moment. Si Kuya Kurt sya ang pinakamalihim sakin. Kung nabalitaan mo sinuntok ko sya noon sa cafeteria. At ang panghuli sa Prince. Matigas ang ulo nya at ang bilis magdesisyon. Mapride pang tao"

Tahimik syang nakikinig pero nakakunot ang noo nya.

"Bakit sinasabi m sakin yan lahat ng yan?"

"Para ipamuka sayo na ang pagkakaibigan ay hindi binubuo ng mga perpekto at malilinis na tao. May kakulangan ang mga tao na natutugunan ng iba pero hindi ko sinasabi na kaibiganin mo sila dahil kailangan mo sila. Kung natanggap ka ng iba, pag-aralan mo na ring tanggapin ang sarili mo. Hindi laging solusyon sa problema ay ang pagbabago. Minsan kailangan mo lang talagang tanggapin ang sitwasyon. Step hindi ka talaga sasaya kung mabubuhay ka ayon sa sinasabi ng iba. Aaminin ko mahirap talagang balewalain pero wala ka namang magagawa eh. Kahit anong gawin mo may masasabi pa rin silang masama sayo. Kung hindi mo man mapatunayan ang sarili mo sa kanila, patunayan mo nalang sa sarili mo na mali ang inaakala nila. Nahihirapan ka dahil ikaw mismo, hinuhusgahan mo ang sarili mo at nililimitahan mo ang mga ginagawa mo"

Nakatingin lang ako sa pader at nakasandal sa pinto habang sinasabi ko ang mga 'yun. Minsan may lumalabas din talaga na tama sa bibig ko hindi puro mura lang.

Hindi sya nagsasalita kaya napatingin ako sa kanya. Nakayuko sya at natatakluban ng mahaba nyang buhok ang muka nya pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga luhang tumutulo sa kamay nya.

"Letche naman Step matapos kong magsalita ng mahaba iiyakan mo lang ako? Anak ng tokwa tumahan ka nga baka sabihin nila pinapaiyak kita" tumayo ito at niyakap ako.

Ang sarap sigurong magkapatid no?

'yung masasampal mo kapag nagmura o kaya ang ingay.

'yung mababatukan mo kapag patanga tanga

'yung masusuntok mo kapag gago

'yung matatadyakan mo kapag hindi ka sinusunod.

In short....

Ang sarap ng may mabubugbog pero syempre joke lang. Baka isipin nyo na barumbada ako.

"Promise hindi ko na iisipin ang mga sasabihin nila. But you know what bagay kayo ni kuya Tristan" naitulak ko sya ng wala sa oras.

"At saan naman nanggaling 'yun?"

"Sa heart ko hihi" Tss. Bagay? Ulol hindi kaya.

Ay teka nagpapasama nga pala ang ugok na 'yun bakit ba nakalimutan ko?

He's The Genius And She's The Brat GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon