Chapter 25

3.6K 90 20
                                    

Natahimik lahat matapos kong ikwento lahat. Pati ang mga text at pagpapakita ni Jed sa akin ay sinabi ko na rin sa kanila.

"Bakit ngayon mo lang sinabi!?" napapikit ako ng sipain ni Deo ang upuan na malapit sa amin.

"Deo kumalma ka"

"Kumalma!? Tangina naman! Kapag sya ang paglilihiman galit na galit sya pero kapag sya ang maglilihim iintindihin natin!? Putcha naman!?" ngayon ko lang nakitang ganito si Deo.

"Tama si Deo. Hindi dapat nilihim satin 'yun. Ilang beses tayong nagtanong kung bakit nila tayo sinugod di ba?" mahinahon ang pagkakasabi ni Ivan pero alam kong may sama sya ng loob.

"Walang mangyayare kung mag-aaway away tayo. Alam kong wala kami nila Carl at Prince don pero hindi makakabuti kung ngayon pa kayo magsisisihan"

Wala akong masabi. Kasalanan ko 'tong lahat kung sinabi ko sana ng mas maaga. Kung sana hindi ako naglihim. Tama nga naman si Deo. Ang galing kong magalit kapag naglilihim sila sakin pero ang lakas naman ng loob ko na maglihim sa kanila. I'm not fair.

"Katulad nalang nyang pagpapakita sayo ni Jed at pagtutok sayo ng baril. Paano kung tinuluyan ka nya?Alex nag-aalala kami"

Mali ako. Hindi galit si Deo, hindi sila galit dahil naglihim ako. Nag-aalala lang sila. Ano bang kabutihan ang nagawa ko at nabiyayaan ako ng mga ganitong kaibigan?

"So hindi kayo galit?"

"Nainis pero mawawala 'to basta bigyan mo lang ako ng limang babae-aray putcha bakit kayo nambabatok?" napangiti nalang ako sa kalokohan nila.

"Magbabago na nga ako. Mapasagot ko lang talaga si Ms. Sunget" napakunot ang noo naming lahat. Miss Sunget? Kailan pa nya naging type ang masungit? Ang alam kong hilig nya 'yung mga madikit.

"Ikaw magbabago? Guguho na ba ang mundo?" panay ang batukan nina Ivan at Deo. Parang hindi nagmurahan kanina eh.

"Anong gagawin natin?" biglang tanong ni Carl. Natahimik ulit kaming lahat.

"Wala" simpleng sagot ni Josh.

"Mabugbog tanga" yun lang ang huli nilang sinabi bago sila isa-isang umalis.

Seryoso ba sila? Wala kaming gagawin? Ginagago ba nila ako?

Napasapo nalang ako sa noo. Hindi ba sila natatakot sa pwedeng mangyare sa kanila? That's not a joke. Pero kunsabagay tanga nga ang magpapabugbog. Sa ngayon dapat ko nalang siguro silang pagkatiwalaan.

"Yun ba ang dahilan?" kami nalang ni Prince ang naiwan.

"Anong dahilan?"

"Kung bakit ayaw mong magpaligaw?" umiwas ako ng tingin. You just hit the home.

"Tama nga ako. Tell me Xandra... Do you...like...me?" I remain silent. I don't know what to say. Should I deny it? Or it is the right time to confess?

"Xandra" mas lalo pa syang lumapit sakin. Hinawakan nya ang baba ko at iniharap sa kanya. Darn this feeling! Why does it have to be feel so good?

"Oo... I do like you" nabigla sya nung una pero napalitan ito ng ngiti.

"At natatakot ako na baka mangyare sayo ang nangyare kay Josh" biglang umasim ang muka nya at nabitawan nya ang baba ko.

May nasabi ba kong mali? Hindi ba nya nagets na nag-aalala lang ako sa kanya

"Did you had relationship with Josh before?"

"Hindi ka nakikinig kanina? Hindi naging kami. Masyado pa kaming bata at hindi naman ganun kalalim ang naramdaman ko sa kanya"

Nabalot kami ng katahimikan. Para kaming tanga na titingin sa isa't-isa tapos iiwas ng tingin. So ganito nalang? Tutunganga nalang kami dito?

He's The Genius And She's The Brat GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon