Chapter 27

3.1K 85 3
                                    

"We'll buy this all" inabot ni mommy ang mga napili namin sa cashier. Pabalik balik na ang driver namin sa kotse kakalagay ng mga pinamili namin.

"Sa salon na tayo. Let's go" tuwang tuwa talaga si mommy. Ngayon ko lang ata sya natuwa ng ganyan dahil sakin.

Ngayon ko lang na-realize na lumayo na pala ako kay mommy kaya siguro konting yaya ko tuwang tuwa na sya.

"Papicture po! Mrs. Wilson at Ms. Dianne" naagaw ng atensyon namin ang pinagkukumpulan ng mga tao.

Nang umalis na ang mga nagpapapicture nakilala ko kaagad kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Si Dianne at may kasama syang magandang babae na kahawig nya. Ate nya ata pero wala na syang ibang kapatid na babae di ba? Nakakatandang pinsan?

"Veronica?" nagulat ako dahil kilala ni mommy ang kasama ni Dianne. Pati si Dianne nagulat.

"Venice. Ito na ba si Alex?"

"Oo. Anyway Alex si Veronica Wilson. Malapit kong kaibigan at ang napakagandang dalaga na kasama nya ay ang anak nya. Si Dianne" nanlaki ang mga mata ko.

You must be kidding me. Mommy ni Dianne 'yan? Bakit ang bata naman ata? Maaga ba syang nagbuntis?

"Mommy maaga po ba syang nagbuntis?" bulong ko pero narinig din nila. Pinagtawanan nila akong tatlo.

"No hija kaedad ko sya. Muka lang talaga syang bata. Dating Ms. Universe yan" napayuko ako.

Nakakahiya narinig nila. Baka sabihin nila judgemental ako masyado. Half true naman pero muka naman talaga syang bata eh! Kaya naman pala ang ganda ni Dianne may pinagmanahan pero mas maganda sa kanya si Dianne.

"San ba kayo pupunta? Nagba-bonding nanaman kayong mag-ina" napatingin ako kina Dianne. Oo nga nakayakap si Dianne sa mommy nya. Mommy's girl ata.

"Oo eh. Sa Salon sana kami"

"Sabay na tayo?" lumapit si mommy sa mommy ni Dianne at yumakap sa braso nya. And guess what they did? They left me.

Nakalimutan ata nilang may kasama silang anak. Nagkatinginan kami ni Dianne at pareho kaming tumawa. Lumapit din sya sakin at yumakap sa braso ko. Sumunod na kami sa mga mommy namin na tawanan ng tawanan.

"Kinalimutan na ako ni mommy" nakasimangot na sabi ni Dianne. Tinawanan ko nalang sya.

"Who are these gorgeous ladies?"

"Mga anak namin yan. Kayo na bahala ha" pinaupo kami ng stylist. Medyo kinakabahan pa ko sa gagawin nila sa buhok ko. Shit kapag hindi yan maayos susunugin ko talaga ang Salon na 'to.

Nagkwentuhan nalang kami ni Dianne tutal hindi naman kami pinapansin ng mga nanay namin.

Minsan bumabalik sa isip ko ang mga narinig ko. Imposible naman na kilala nya si Jed at mas lalong imposible na magkasabwat sila dahil kung magkasabwat nga sila at may plano man silang masama sana ginawa na ni Dianne habang natutulog ako. Hindi ko naman sya magawang tanungin kung kilala nya si Jed. Ano nalang ang sasabihin kong dahilan kung bakit ko naitanong?

"Done" finally.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi naman nalalayo sa dati kong itsura pero nagbago. Mas gumanda. Kinulayan at kinulot nila ang dulo. Nilagyan rin nila ako ng side bangs.

"Mas gumanda ka anak" ngumiti ako kay mommy. Masarap rin pala mapuri basta marunong ka maka-appreciate.

Hindi ko naman kasi pinapansin kung anong itsura ko noon. Wala naman kasi akong pakialam. Mapapatingin lang ako sa salamin kapag naramdaman kung may pasa.

"Hindi mo na kailangan purihin. Araw araw ka ng busog sa mga compliments" biro ng mommy ni Dianne sa kanya. Natawa nalang kaming tatlo sa pagsimangot ni Dianne.

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now