Chapter 2

6.8K 215 14
                                    

Alex

Tulad ng nakasanayan, naka-all black ako. Wala naman kasi akong damit na hindi black. Maging ang buong kwarto ko ay black.  Sinabit ko sa balikat ko ang leather jacket ng Emanon at bumaba na.

"Ma'am andyan po ang mommy at daddy nyo. Sumabay na daw po kayo sa kanila kumain" wow bago 'yun ah. Andito sila pareho.

Nagkibit balikat lang ako. Hindi naman kasi ako kumakain ng umagahan at isa pa wala ako sa mood para sumabay sa kanila. Two months na ata ang nakakalipas nong huling beses na nakasabay ko sila sa lamesa.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang may nagsalita.

"Hanggang ngayon ang tigas pa rin ng ulo ng apo ko" oh my Emanon. Boses ng paboritong tao ko 'yun!

"Lolo!" nabitawan ko na ang bag ko at tumakbo para yakapin si lolo.

"Ako ba walang yakap sa paborito kong apo?"

"lola naman. Ako lang naman po ang apo nyo eh" nag-iisa nilang anak ang dad ko at ako naman ay nag-iisang anak ng dad ko kaya ako lang talaga ang apo nila kaya sobrang spoiled ko sa kanila.

Lalo na si lolo. Lagi kong kakampi 'yan kahit sa kalokohan. Sya ang bumili ng motorbike ko kahit ayaw na ayaw ni dad. Sya rin ang dahilan kung bakit walang magawa ang school sa gang namin. Sya ang nagturo sakin ng mga martial arts pati ang paggamit ng baril.

Marunong akong gumalang at kung may gagalangin man ako? Unang-una na ang grandparents ko.

"You still remember your request? I bought you a new sports car. Latest model. And a new motorbike"

"Talaga lolo? Teka asan po?" tatakbuhin ko sana ang garahe namin pero napigilan agad ako ni lolo.

"Hija hindi 'yun mawawala. Sabayan mo muna kaming kumain" tumango ako at pinulupot ko ang mga braso ko sa braso nina lolo at lola. Sa kanila lang ako ganito.

"Good morning anak" tumango lang ako kina mommy at daddy at binalik ko na ang pansin ko kay lolo.

"I heard what happened apo" napasimangot naman ako sa narinig ko. Ang bilis naman ng balita.

"Eh kasi naman po sinugod nila kami tapos kung makatingin pa sakin ang mga panget na 'yun parang hinuhubaran na 'ko! Staka 'yung teacher na reliever lolo alam nyo ba na ako agad ang unang pinag-initan? Tapos wagas akong pagalitan dahil naka-zero ako sa quizz nya eh lo hindi lang naman ako ang naka-zero eh! Kaya ayun binully ko" natatawang ginulo ni lolo ang buhok ko samantalang sila mommy ay nakatitig sakin na hindi pa rin makapaniwala na nagsalita ako ng ganung kahaba.

"Ikaw talaga apo. Apo nga nga kita"

"Pa kinukunsinti nyo nanaman ang kalokohan ng apo nyo"

"Bakit Alexander? May oras ka pa ba para ituwid ang mga kalokohan ng apo ko?" natahimik ang lahat dahil sa tensyon.

"Pero hindi po tama ang ginawa ni Alex. Staka para sa kanya rin naman ang gi-"

"Natanong nyo na ba ang anak nyo kung 'yun ang gusto nya?" hindi na umimik si dad. Alam naman nya kung saan patungo ang usapan na 'to.

"Uhmm lo iniinom nyo po ba ang gamot nyo?" wala na 'kong maisip na iba para mabaling ang usapan sa iba.

"'yang lolo mo apo ang tigas ng ulo. Hindi umiinom ng gamot at ang hilig pang kumain ng bawal sa kanya" napakunot ang noo ko.

"Lo naman"

"Alexandra ha. 'wag mo 'kong pagilitan. Nagmana lang ako ng tigas ng ulo sayo" nagtawanan kami ni lolo dahil sa sagot nya. May pinagmanahan nga ako.

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now