Chapter 33

3.1K 96 0
                                    

"Mom! Nakita nyo ba ang susi ng motor ko?" sigaw ko habang kinakalkal ko ang bag ko hoping na makikita ko ang susi ng motor ko.

Saan ko nga ba nilagay 'yun?

"Uhm dinala ata ng lolo mo nung pumunta sya dito kanina"

"What?" ano namang gagawin ng lolo ko sa motor ko? Sya pa nga ang nagbigay sa akin ng motor ko.

"Oo apo. Kinuha ko"

"Lo! Why did you do that? Wala na ang sports car ko!" reklamo ko. Alam ko naman na hindi ako matitiis ni lolo eh. Favorite granddaughter kaya ako nyan kahit ako lang naman talaga ang apo nya.

"Baka nakakalimutan mo hija ang usapan natin" usapan? What  agreement is he talking about?

"Lo ano po yun?" staka bakit ang seryoso naman ata ni lolo ngayon. Simula ng ipakilala ko si Prince bilang boyfriend ko nagbago na si lolo. Naging pormal na sya sakin. Akala ko ba paborito nya 'kong apo?

"No boyfriend hangga't hindi ka pa nagdedebut. Remember? Binigay ko lahat ng luho sayo. Tutal may nobyo ka na sa kanya mo nalang hingin ang mga luho mo" iniwan ako ni lolong tulala.

Is he freaking serious? I can't recall that agreement. Anong gagawin ko? Motor na nga lang ang natira sakin. Sigurado namang hindi ako bibilhan ng sasakyan ng parents ko. After the accident? I'm positive they won't buy me any kind of bicycle. For sure they are celebrating right now.

"Mom"

"Ang dad mo ang kausapin mo" see? I bet ang sasabihin ni dad kay mom ko sabihin hanggang sa sabihin nila na kay lolo ako humingi. Grrr!

"Ma-ma'am Alex, a-andyan n-na po si s-sir Tristan" nakakatakot ba ko ngayon para mamutla at mangatal ng ganun ang maid namin? Ugh! I really hate this day. Malapit naman na ang debut ko bakit hindi pa ko pinagbigyan?

Hindi ko alam kung anong nangyare sakin. Bigla nalang akong tumakbo at yumakap sa kanya.

"I heard what happened. Do you want me to buy yo-"

"No! Boyfriend kita at hindi sugar daddy. Ihahatid at sundo mo naman ako diba?"

Tumango sya kaya napangiti ako. Noon, hindi ko atang kayang mabuhay ng walang motor. OA na kung OA pero motor ang malimit kong ginagamit lalo na pag traffic.

Pero iba na ngayon. Langya tuluyan na ata talaga akong lumalambot.

"I'm sorry about your lolo. Naging mabilis ata ako"

"Is that you Prince? Naga-apologize ka?" biro ko. Hindi ko pa sya naririnig humingi ng sorry sa iba.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan habang nakatingin pa rin sya sa daan.

"I am more willing to do everything for you Xandra even it's against my ego" nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Shit! Nakakabaklang aminin na kinikilig ko. Leche hindi ako to eh.

Hindi ko alam na pwede akong maging ganitong kasaya sa mga gestures nya lang.

Nabitawan ko ang kamay nya dahil sa pagring ng cellphone ko. Si Ivan.

("Alex...") kumunot ang noo ko sa tono ng boses nya.

"Bakit?" napatingin sakin si Prince at kumunot din ang noo.

("Ang sumusunod sa amin...at ang nagpapa-imbestiga ay iisa. Nandito sa Emansion. Nahuli na namin") is this a good news? Dahil finally nahuli na nila kung sino man yun or a bad news. Dahil ibigsahin lang nito ay hindi pa tapos ang mga problema.

"Pupunta na kami" I ended the call.

"Who's that?"

"Si Ivan. Sa Emansion tayo Prince. Nahuli na daw ang sumusunod at nagpapa-imbestiga satin"

Mas lalo lang akong kinakabahan dahil sa tono ng pananalita ni Ivan kanina. Mukang naapektuhan sya masyado at yun ang hindi ko maintindihan. Kalimitan kasi kapag may ganitong pangyayari ang una nyang gagwin ay magyabang dahil isa sya sa mga nakahuli. Pero kanina... Parang sya ang nahuli.

"We're here" hinawakan agad ni Prince ang kamay ko. Pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko sa bawat paghakbang ko.

"FUCK! NO! Nagkamali lang kayo! Shit! That's not true! SHUT UP!" sigaw yun ni Kuya Kurt. Ilang beses na kong bumuntong hininga. Hindi ko maintindihan ang nangyayare. Sa boses ni kuya Kurt halatang galit na galit sya na ngayon lang nangyare.

"TANGINA WAG KAYONG MAGKAKAMALI! MAGKAKAMATAYAN TAYO!" anong...nangyayare kina kuya Kurt at Deo? Bakit sila sumisigaw?

Nagkakagulong mga Emanon members ang nadatnan namin. Nakikita ko ang likod nina Carl at Dexter na halatang natataranta na rin. Ilang mga tumbang sofa at basag na bote ang nakita ko.

Nasagot lahat ng katanungan ko nang makita ko ang taong nakatali sa upuan. Kahit nakayuko sya kilalang kilala ko sya.

"Dianne?"

Kaya pala ganito nalang ang reaksyon nina Deo at kuya Kurt. Dianne was involved. Kaya para silang leon na nagwawala.

"FUCK LET HER GO!" hindi ko na mabilang kung ilang tao ang pumipigil kina kuya Kurt at Deo ngayon. Ngayon ko lang silang nakitang galit na galit.

"Bakit ikaw? Bakit ikaw pa Dianne?" bukod sa epekto nya sa pinsan at kaibigan ko ay tinuturing ko na syang kaibigan.

"Dalhin sya sa guest room. Dun nyo sya ikulong" utos ko kay Carl. Hindi pumalag si Dianne kaya hindi na nahirapan si Carl. Pero ako... Nahihirapan na ko sa mga nangyayare.

Naramdaman kong may brasong pumulupot sa bewang ko. Mabuti nalang nandito si Prince kung hindi baka kanina pa ko nagbreak down.

"Kuya Kurt! Deo! Kapag hindi kayo tumigil si Dianne ang papahirapan ko" sa isang iglap ay tumigil sila sa pagwawala pero nanlilisik ang mga tingin nila sakin.

Napabuntong hininga nalang ako. Sobra na silang baliw kay Dianne. Hindi ko alam kung maganda ba 'yun o masama pero sa mga ganitong sitwasyon hindi makakabuti yun.

Sumenyas ako sa iba na iwan muna kami kaya natira ang Black 7. Sina Carl at Dexter naman ay nasa guest room na. Binabantayan si Dianne.

"She's innocent! I'm sure she is. She saved us. She helped us. There's no reason for her to deceive us" nagtutubig na ang mga mata ni Deo na ngayon lang nangyare. Para syang nahihirapang ipagtanggol sa amin si Dianne dahil nahuli mismo sa akto si Dianne.

Kahit ako ay hindi makapaniwala sa nangyayare o talagang ayoko lang paniwalaan?

"Alex let her go. Wala syang kinalaman sa atin" nahihirapang sabi ni kuya Kurt.
Hindi ako umimik at naglakad nalang papunta sa guest room. I need to hear her explanation. I need to know her side.

"Let me go! No! Don't touch me! Ayoko na!" tinakbo na nina Deo at kuya Kurt ang papunta sa guest room nang marinig nila ang sigaw ni Dianne. Hindi na namin sila napigilan kaya nakitakbo na rin kami.

Naabutan namin si Dianne na sinisiksik ang sarili sa dulo ng kama habang hinaharangan ang sarili. Nakatulala naman sina Dexter at Carl na halatang naguguluhan sa nangyayare.

"ANONG GINAWA NYO SA KANYA?" sabay na sigaw nina kuya Kurt at Deo. Kung hindi lang namin sila napigilan baka tuluyan na nilang binugbog sina Carl at Dexter.

"Walang kaming ginagawa. Pinapakalma lang namin sya"

"No... Please pakawalan nyo na ko" umiiyak sa Dianne habang nakahawak sya sa ulo nya. Parang...parang may naaalala sya.

"Dianne" sinubukan syang hawakan ni Deo pero nalaglag ito sa kama dahil sa pagkabigla at tumakbo sa pinakasulok ng kwarto.

"Tantanan mo na ko. Ayoko na. Joaquin help me. Help me" natigilan kaming lahat sa narinig namin.

"Joaquin? Dianne ano ba ang sinasabi mo? Kami 'to" lumapit ako sa kanya at pilit syang niyakap. Nagpumiglas sya nung una pero kalaunan ay bumigay din sya.

"Joaquin... Tulungan mo ko... Ilayo mo ko kay Jed"

He's The Genius And She's The Brat GangsterKde žijí příběhy. Začni objevovat