Chapter 19

3.5K 124 9
                                    

Author: Hi! Sana po basahin nyo rin ang isa kong story. It's complicated by LayTheMay. Thanks!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng puson ko. Lumabas ako ng tent dala dala ang napkin na dala ko. Mabuti nalang pala naisipan kong magdala nito.

Pagkatapos kong magpalit bumalik agad ako sa tent. Mag-aalis tres palang ng madaling araw. Ito pala ang dahilan kung bakit hindi maganda ang pakiramdam ko kagabi.

Sobrang pamamaluktot ang ginawa ko dahil sa tindi ng sakit. Isang buong araw ang pinakamaikling panahon na nararanasan ko 'to at tatlong araw ang pinakamatagal.

Shit! Ang sakit talaga. Sinong nagsabing hindi mahirap maging babae ha!? Sisipain ko ngayon din.

Oras na ang lumipas pero hindi ako makatulog dahil sa sakit. Isa-isa na ring nagigising ang mga scouts. Narinig ko na rin ang mga boses nina kuya Kurt at mukang kami nalang ni Stephanie ang nasa loob ng tent.

"Gisingin nyo na si Stephanie. Magdahan dahan kayo at baka magising si Alex. Pagpahingahin muna natin" boses ni sir yun.

"Ako na ang gigising" inayos ko ang pagkakahiga ko at nagkunwari akong tulog.

Naramdaman kong kinumutan ako ng ayos ni kuya Kurt. Hinipo nya rin ang noo at leeg ko. Iniisip nya siguro na may sakit ako.

"Stephanie, gising na" halatang nag-iingat sya para hindi ako magising.

Please Step magising ka na. Ang hirap magpanggap dito na wala akong nararamdaman. Mas lalong sumasakit eh.

"Oh Kurt-"

"Shh baka magising si Alex. Labas na dyan" tahimik silang lumabas ng tent at sinara ito.

Bumalik na ulit ako sa pamamaluktot. Kinakapa ko ang cellphone ko. Gusto ko sanang tawagin si Mommy or daddy pero naisip ko baka nagpapahinga sila o kaya busy sa trabaho.

Nasabi ko na ata lahat ng mura na alam ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit buwan buwan ko 'tong nararanasan. Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin.

Sa tuwing mararanasan ko kasi 'to ay wala akong sinasabihan. Umiinom nalang ako ng pills para makatulog pero ngayon ay wala akong dala na sleeping pills at ang sabi ni dad delikado ang malimit gumagamit non.

"Kuya Tristan para kanino yan?"

"Kay Xandra. Tatakpan at ilalagay ko nalang sa lamesa para nagutom sya mamaya"

Gusto ko sanang kiligin pero tangina ang sakit talaga eh. Nasira na ang punda ng unan ko dahil sa higpit ng kapit ko. Mas pipiliin ko atang ma-broken heart kesa dito eh.

Narinig ko si sir Alvin na may sinasabi sa kanila. May misa pala ngayong umaga at pagsasama-samahin na lahat ng activities. Mamaya na rin iaannounce ang champion.

"Alex!?" ay shit. Hindi ko namalayan na nabuksan na pala ni Stephanie ang tent.

"S-Step-" sasabihin ko pa lang na wag sabihin ang nakita nya pero huli na.

"Bakit anong nangyare kay Alex?"

"Okay lang ba sya?"

"Tignan nga natin" nakita na nila ako na namamaluktot sa sakit.

Umalis na ang scouts pero nagpaiwan ang silang siyam. Hindi ko naman magawang magsalita ng ayos.

"Anong nangyayare sayo Alex? Pucha tumawag na tayo ng ambulansya"-Ivan

"w-wag. O-"

"Anong wag? Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon!?" langya pati si kuya Kurt sigaw na. Pasalamat ka talaga.

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now