Epilogue

6.7K 166 23
                                    

"Alex. Kumalma ka nga" saway ni Step. Paano ako kakalma!? Two weeks ago nagpaalam si Prince na aalis DAW sya at isang buwan sya mamalagi sa Barcelona. Pumayag naman ako. Tatlong araw ng hindi nya ko kinakausap tapos nakita daw sya ni Dianne kanina na may kasamang babae!

"Stephanie is right Alex. Calm down. Baka hindi si Prince Tristan ang nakita ko" gusto kong maniwala pero malakas ang loob ko na nasa Pilipinas lang si Prince eh.

Ang sabi ni mommy nakita nya daw si Prince sa tapat ng hospital at parang nakita ko rin sya sa tapat ng bahay namin.

"Aish! Yang kapatid mo Stephanie!!! Hihiwalayan ko talaga yan kapag pinagloloko lang ako nyan!" nanggigigil na sabi ko. Ayoko sang mag-isip ng mag-isip dahil ang sabi sakin ni lolo ay wag kong i-stress ang sarili ko.

3 weeks na ng makalabas ako sa hospital. Nabugbog masyado ang katawan ko. Marami ring nabugbog na kasamahan namin pero maraming namatay sa mga kasamahan ni Jed kabilang na sya. May mga kasama palang pulis sina Prince.

"Alex" tumayo si Dianne at inakbayan ako. Mas naramdaman ko tuloy na ang liit ko. Matangkad kasi ang babaeng 'to.

"Let's have fun para hindi kung ano-ano ang iniisip mo" wala akong gana pero mukang tama sila kaya sumama na 'ko.

"Salon?" seryoso ba sila? Wala ng kalagyan ang ganda ni Dianne tapos magpapaganda pa sya?

"Yeah. Tara" excited nila akong hinila. Mukang nakapag pareserve na sila dahil hinihintay na kami.

Mahigit pitong oras kaming nasa salon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagpalagay pa sila ng make-up at dinamay pa ko. Nakisakay nalang ako.

"Anong gagawin natin dyan?" walang sumagot sa kanila kaya wala din akong nagawa kundi sundan sila sa shop na pinasok nila.

"Here. Suotin mo lahat yan"

"Huh? Teka-" pumasok sila pareho sa magkaibang dressing room. Wala nanaman akong nagawa kundi sundin ang sinabi nila.

Isang black fitted tube dress na hanggang gitna lang ng hita ko. Feeling ko makikita na ang singit ko dito kapag tumuwad ako kahit kaunti.

"Ano ba 'to? Bakit ganito ang mga suot natin?"

Nakasuot si Stephanie ng cocktail dress na nagpalitaw ng kaputian at ganda nito. Muka syang anghel sa suot at ayos ng muka at buhok nya.

Nakafitted dress naman si Dianne na medyo backless na kulay dark red kaya kitang kita ang kurba ng katawan nya. She looks so hot wearing dark lipstick with messy hair. Patay nanaman si kuya Kurt at Deo nito.

"Tara na!!" excited nila akong hinila. Kung makalakad sila parang hindi 6 inches ang suot naming mga sapatos.

Nasa thirdfloor kami ng mall kaya maraming tao ang nakakita sa amin. Lahat ng madaanan namin tumititig o kaya lumilingon. Bukod sa mga ayos namin, may kasama pa kami ni Stephanie na sikat na volleyball player.

"San ba talaga tayo papunta?" hindi nanaman nila ako sinagot. Tinulak nila ako papasok sa limousine na tumigil sa harap namin.

"Hoy ano t-"

"Enjoy!!" sinarhan agad nila ang pinto at walang pasabing umandar ang limousine.

Wala nanaman akong nagawa kundi ang tumahimik.

Huminto ang lugar sa hindi pamilyar na lugar. Muka itong garden. Isang napakagandang garden.

May umalalay sakin pagbaba ko at may dalawang babae ang lumapit. Yung isa ay inayos ang buhok at niretouch ako. Yung isa naman ay may tinakid sa bewang ko kaya nagmukang gown ang suot ko.

"Happy 18th birthday ma'am" saka ko narealized lahat. May pumapasok ng idea sa utak ko pero hindi ko pa gaanong ma-digest dahil sa sobrang pagkabigla.

Debut ko nga pala

Inalalayan nila akong bumaba ng hagdan na may red carpet. Isang malakas na palakpakan ang narinig ko. Palakpakan ng mga tao na mahahalaga sa akin.

Andun na si Stephanie na ngiting ngiti sakin habang yakap ang braso ng british boyfriend nya kaya hindi maipinta ang muka ni Ian.

Si Dianne na hindi maipinta ang muka na napapagitnaan nina kuya Kurt at Deo. Nasa balikat nya ang coat ni Deo at nasa hita naman nya ang coat ni Kuya Kurt.

Kasama sa table nila sina Ian, Ivan, Josh, Ken at Jude.

At nasa dulo ng hagdan...si Prince na nakangiti sakin.

"Happy Birthday" hinampas ko sya sa braso.

"Loko ka. Plinano mo 'to lahat no?" ngumiti sya sakin at hinila ang bewang ko papalapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang halikan nya ko sa labi.

"Hoy wag mong lapain ang apo ko" nagtawanan ang mga tao sa sigaw ni lolo.

Inalalayan nya ko hanggang sa gitna. Pinulupot nya ang mga braso ko sa leeg nya at pinulupot naman nya ang braso nya sa bewang ko.

"Hindi ka ba nagsisisi? Kahit konti?" mahinang tanong ko kahit malayo naman kami sa mga tao.

"Why would I?"

"Kasi....ito lang ako. A brat gangster and you're a genius. An ideal man. Prince-"

"Sshh. I...love...you"

"I love you too"



Author's Note: Alam ko pong bitin. Ieedit ko 'to sa bakasyon at siguradong maraming mababago o madadagdag lalo na sa Epilogue at baka magkaroon pa ng Special chapter (s)

He's The Genius And She's The Brat GangsterМесто, где живут истории. Откройте их для себя