Chapter 30

3.1K 91 0
                                    

"Nasa Madrigal Hospital" tumakbo agad kami. Sumabay ako kay kuya Kurt papunta sa hospital.

Hindi na ko mapakali habang nasa byahe kami. Hindi ko alam kung kakayanin ko kapag may hindi magandang nangyare sa kanya.

Prince please. Hold on. Wag ngayon. Wag ngayon lalo na marami akong narealized na bagay.

Bumaba agad ako ng kotse ni kuya Kurt kahit umaandar pa ito ng mabagal. Tumakbo agad ako papasok sa hospital. Kasunod ko ang mga kaibigan namin ni Prince kasama si Stephanie.

"Prince Tristan Roswell" walang pumansin sakin. Busy sila sa mga ginagawa nila.

"TANGINA! PAPANSININ NYO BA KO O MAWAWALAN KAYONG LAHAT NG TRABAHO" natigilan ang lahat ng nakaparinig sakin. Kahit ang mga umiiyak kanina ay tumigil.

"Ma'am Alex sorry po. Ano pong kailangan nyo?"

"Prince Tristan Roswell. Bilis!" hindi na sila magkaugaga sa paghahanap.

"Nasa emergency room po ma'am" tinapunan ko muna sila ng masamang tingin bago ako nagmadaling sumakay sa elevator.

Papasok sana ako sa emergency room pero pinigilan lang ako ng nurse. Nung una hindi nila ako kinaya pero ang mga kaibigan ko na rin ang pumigil sakin.

"Sino ang doctor na assign?"

"Si Doctor Zamora po"

"No. Call Dr. Alexander Madrigal and Dra. Sandra Madrigal. I want them to take care of him" nanlaki ang mga mata ng nurse na kausap ko ngayon. Sa nakikita ko mukang hindi nya ko kilala.

"Miss magaling po si Dr. Zamora staka hindi po basta basta si-"

"Susundin mo ba ko o mawawalan ka ng trabaho?" ilang tao na ba ang tinakot kong tatanggalan ng trabaho ngayong araw?

"Pero ma-"

"Alex?" lumapit sakin sina mommy at daddy na mukang kagagaling lang sa operasyon.

"Mom, dad. Save him please. Save him" hindi ko alam kung saan sila nagulat. Kung sa pagmamakaawa ko ba o sa pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko at kahit ako mismo ay hindi makapaniwala na umiiyak ako sa harap ng maraming tao.

"Alex..."

"Dad. You're the best doctor right? Dad, mom please. Save him"

Nakita ko ang si Prince kanina nang subukan kong pumasok sa emergency room kanina. Halos hindi ko sya makilala nang makita ko sya sa dami ng dugo sa katawan nya.

"Oo anak" hinalikan muna ako nina mommy at daddy bago pumasok sa ER. Sumandal nalang ako sa pader.

"Everything will be alright Alex" sana nga Ian. Sana nga.

Umalis muna sina Carl, Ivan at Dexter para alamin kung anong nangyare. Si kuya Kurt, Deo at Ian naman ay bumili ng makakain dahil ilang oras na kaming naghihintay dito. Kung pwede lang na pasukin ang Emergency room ay kanina ko na ginawa.

"He's strong. He'll survive" ngayon ko nalang ulit narinig ang boses ni Josh.

Hindi ako umimik. Kanina ko pa sinasabi sa sarili ko na magiging maayos ang lahat pero natatakot pa rin ako.

"He must be so important to you. Ngayon lang kita nakitang umiyak. At ngayon mo lang pinaglaban ang isang tao dahil gusto mo sya" dito na ko napatingin kay Josh. Hindi ko alam kung tama ba ako o talagang may halong pagtatanong ang boses nya.

"Josh..."

"I know this is not the right time but maybe closure is all I need. It's been years but I keep on asking myself. Ano bang ginawa nya sayo na hindi ko ginawa? Am I that weak for you to think that I can't protect myself so you chose to let me go? Alex ginawa ko lahat. Nagpalakas ako hoping na one day you'll have strength to fight for me, for us but I'm late. Too late. Ako lang pala ang umaasa"

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now