Chapter 34

3.7K 90 0
                                    

Joaquin.... Jed....

"Alex" hindi ako lumingon kay Carl. Nanatili pa rin akong nakatitig kay Dianne na payapang natutulog.

"Anong nalaman nyo?" rinig kong tanong ni Prince.

Inutusan namin si Carl at Ivan na imbestigahan si Dianne. Medyo nahirapan pa kami dahil nagpumilit sina kuya Kurt at Deo na sila na ang mag-iimbestiga kay Dianne na hindi ko sinang-ayunan.

"Venus Dianne Wilson. Anak ng may-ari ng mga restaurants na Wilson's. May sarili rin silang kompanya na pinapatakbo na ama nya. Star player sya ng volle-"

"Alam mo ang gusto naming marinig" madiin kong sabi kay Carl. Huminga sya ng malalim.

"Wala kaming nalaman na koneksyon nya kay Jed bukod sa patay na patay sa kanya si Jed, naging bestfriend nya si Joaquin. Ayon sa nalaman namin ay pinahahanap ng pamilya ni Dianne si Jed at ang gang nito. Wala na kaming makita kung bakit"

Napapikit ako ng ilang segundo para pigilan ang inis na nararamdaman ko. Naguguluhan na rin ako.

Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito at gusto ko na ding makakuha ng mga kasagutan. Mababaliw na ata ako sa kakaisip.

"Diego, wala ka bang nakuhang impormasyon?"

"May lead na kami kung nasaan talaga ang may pakana ng lahat ng ito" kinuha ko ang leather jacket ko at agad na sinuot.

"Samahan nyo ko, Diego, Roby"

"Sasama ako"

"Kami nalang. Prince hindi pwedeng pareho tayong umalis. Hindi pa naman kami gagawa ng hakbang. Diego, Roby tara na"

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mangyayare pero kailangang may gawin kami.

Ivan's PoV

Ampotek. Bakit ba hindi nalang ako sumama kay Alex? Tangina naman oh. Kinikilabutan na ako sa kwartong ito.

Si Deo at Kurt na wala ng ginawa kundi titigan si Dianne na natutulog na parang babalian nila ng buto lahat ng hahawak dito, Si Tristan na madilim ang aura dahil wala syang nagawa sa pag-alis ni Alex, si Josh na mapapanis na ata ang laway at ang gagong si Ian na natutulog sa sofa habang tumutulo ang laway.

Langya. Mas pipiliin ko pa atang makipag-away kesa magtagal sa kwartong ito na punong-puno ng gago. Buti pa ako walang pinoproblema bukod sa kagwapuhan ko.

"Hmm" medyo nataranta kami nang unti-unting magmulat si Dianne ng mata. Anak naman ng ano oh. Para kaming naghihintay na magising ang isang comatose.

"D-Dianne! Ayos ka na ba?" langya si Kurt oh. Kung makaasta akala mo boyfriend. Mabuti nalang talaga hindi ako ganyan.

Tinignan ni Dianne ang paligid na parang may hinahanap sya.

"Si Alex? Where is she?" nagpapanic na tanong nya. Teka nga. Naguguluhan na talaga ako. Akala ko ba traydor sya? Bakit nag-aalala sya kay Alex?

"Kasama sya ni Diego at Roby. Pupuntahan nila ang pinaghihinalaang kuta ng kalaban"

"No! Bakit nyo sya hinayaan? Her life would be in danger! You should... You should stopped her" nagkatinginan kaming lahat. Kahit ang gagong si Ian ay nagising ang diwa.

"Anong ibig mong sabihin? Bakit ka namin paniniwalaan? Ano bang koneksyon mo kina Joaquin at Jed? Anong kailangan mo sa amin?" lintek. Pakiramdam ko ang talino ko sa mga sinabi ko.

Huminga sya ng malalim.

"Una kong nakilala si Joaquin. He was depressed when I met him because Alex broke his heart. That time, wala akong intensyon na mapalapit sa kanya but when I witnessed the scene that he tried to kill his own self, hindi ko na sya nilubayan. Hanggang sa lumipat sya sa school namin. Tinulungan ko syang makamove-on kay Alex. He confessed na he built a group, a gang. Kaya paglipas ng panahon naging maugong ang balita na lumipat sa school namin ang mga ka-gang nya, including his brother. Si Jed. He introduced me to his brother and since that day, nagpakita na sakin ng interes si Jed. Isinawalang bahala ko because I thought, it was just a simple admiration pero lumala na. Malimit ko syang nahuhuli na sinusundan o pinapasundan ako. Lagi na rin syang may iniiwang na kung ano-ano sa locker ko at nakita ko rin ang kwarto nya na punong-puno ng mga pictures ko. Then one day, pinatawag ako ng teacher ko. May kung ano syang pinaamoy sa akin hanggang sa makatulog ako. Nagising nalang ako na nasa office nya na. Si...si...sinubukan nya ak..akong pagsamantalahan pero nakatakas ako until I saw Jed and his gang. I thought I was safe but I was wrong. Kinidnap nila ako. And he...he...he also tried to... to rape me... But because of Joaquin, nakaligtas ako. Hindi nagpakamatay si Joaquin. Bago pa sya mamatay, inamin nya sakin na gustong kunin ni Jed ang posisyon nya sa grupo. Gusto ni Jed bumuo ng grupo na pamumunuan nya at unti-unting gagawing sindikato. Mas lalo ding nagalit si Jed dahil sa pagligtas nito sa akin. Pinalabas nya na si Alex ang may kasalanan para mas lalong mapabilog ang utak ng mga kasamahan nya"

He's The Genius And She's The Brat GangsterOnde as histórias ganham vida. Descobre agora