Chapter 20

3.7K 118 7
                                    

Sa buong buhay ko ngayon lang ako kinabahang pumasok sa school.

Paano ko haharapin ngayon si Prince? Mabuti na nga lang kahapon dumating si kuya Kurt dahil wala talaga akong alam na maisasagot kay Prince.

Hindi ko itatanggi na natutuwa ako. Natutuwa ako na gusto nya rin ako pero hindi pwede, hindi pa pwede lalo na ngayon na wala pa akong alam kina Jed at sa dati nyang grupo. Binigay na sakin nina Diego, Roby, Justin at Michael ang nakuha nilang impormasyon pero wala namang makakatulong.

Alam kong malakas si Prince pero hindi maiialis sakin na kabahan. Pinuro ni Jed noon si Josh dahil alam nya na may pagtingin ako kay Josh.

Yun ang hindi ko alam kung paano nya nalaman. Ng mga panahon na 'yun ay kaming tatlo palang nila kuya Kurt ang nakakaalam at balak palang naming sabihin.

"Good morning" hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako sanay na lagi kong naabutan ang parents ko tuwing umaga.

Humalik ako sa pisngi nila bago umupo. Muka pati rin ata sila hindi sanay sa 'mabait' kong ugali ngayon.

"Kamusta ang camp nyo Alex"

"Okay lang po dad. Masaya, exciting at memorable" sobra

Hindi ko inakala na magiging ganung kasaya 'yun at memorable. First time kong sumakay sa tricycle, first time kong mamalengke, nagmuka akong 4 years old dahil sa mga gulay na hindi ko alam. Daig pa nga ata ako ng 4 years old eh. Baka nga alam nila ang pechay.

At dun ko rin inamin sa sarili ko ang nararamdaman ko kay Prince.

"Good to hear that. Anyway anak napag-isipan mo na ba kung anong course ang kukunin mo?"

"Actually dad elementary palang alam ko na"

"What is it?"

"Kukuha po ako ng medicine" naibuga ni dad ang kinakain nya.

Hindi ko na napigilan ang matawa. Ang isa sa pinakahinahangaan at pinakamagaling na doctor na si Alexander Madrigal naibuga ang kinakain nya.

"Ta-talaga anak?" gulat na gulat nyang tanong at bigla nalang syang namula. Ngayon parang alam ko na kung saan ako nagmana kung bakit ang bilis mamula ng mga pisngi ko.

"Opo. Actually dad.... kasi... may mga libro akong nakukuha sa library nyo" nakayuko kong sabi.

Nahihiya kasi akong manghiram ng libro tapos madalas pa na hindi ko sya maabutan. Tumawa ng malakas si dad.

"Kaya pala maraming nawawalang libro sa library ko. It's okay hija kahit kunin mo pa lahat" nakakapanibago ata na hindi nagalit si dad. Isa ang mga libro nya sa pinakamahalaga sa kanya eh.

"Suportado ka namin ng mommy mo lalo na at medicine pa ang kukunin mong kurso" parang nahiya ako bigla sa sarili ko. Ngayon ko lang kasi narealize na ang daming sakit ang inaral ko pero simpleng pagsakit ng puson hindi ko alam kung paano mawala.

"Alis na po ako"

"Ingat ka. Sasabihin ko kaagad kay dad 'to" halatang excited na excited si dad sa gusto kong.course.

Ngayon lang ata ako may nagawa na sobrang nagustuhan ni dad.

Nagpalate ako ng mahigit isang oras para lang masigurado ko na hindi ko makakasalubong si Prince. Baka may magawa pa 'kong katangahan eh.

"Oh Alex ko. Akala namin nagdedate kayo ni Tristan eh" kumunot ang noo ko. Ano nanamang saltik ang pumasok sa ulo ni Ian?

"Hindi rin kasi pumasok si Tristan pandak tapos medyo, MEDYO late ka pa kaya inisip namin na baka magkasama kayo" binaba ko na ang bag ko.

He's The Genius And She's The Brat GangsterWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu