Chapter 21

3.6K 99 2
                                    

Author: hi guys! Lol shoutout po sa mga magagaling gumawa ng cover. Pagawa naman oh hindi kasi talaga ako magaling. Babatiin ko kayo sa lahat ng chapter hahaha chos pero seryoso yun

***********************

Niyakap ko kaagad si kuya Kurt pagkakita ko pa lang sa kanya. Hindi na 'ko nagdalawang isip na sabihin sa kanya lahat.

Alam kong kung may makakaintindi man sakin ay sya 'yun. Sya ang nakakaalam ng nangyare at alam kong iintindihin nya ang side ko kahit alam ko namang gustong gusto nyang magkagusto ako sa Tristan na 'yun.

"Anong balak mo ngayon? Alex unfair naman kung bigla mo syang iiwasan at hindi mo rin sya pwedeng iwasan. Baka nakakalimutan mo na pareho na kayong leader ng Emanon"

Hindi muna ako sumagot. Sisindihan ko sana ang sigarilyo na nakuha ko sa lamesa pero sa huli ay tinapon ko nalang. Naalala ko nanaman sya bwiset.

"Then what should I do? Let the past repeat itself? Kuya I can't. Hindi ko alam kung kaya kong makita syang nakaratay sa kama, half dead" bumuntong hininga sya at nilagok ang alak sa baso nya.

"Don't underestimate him Alex. Sa mga nakita ko hindi mangyayare sa kanya 'yun"

"Who knows? For sure nagpalakas si Jed. That fucking bastard. Kung hindi natin sya mahanap hanap it only means one thing. Malakas na talaga sya"

"You know what Alex, I still can't understand kung bakit ganun na lang ang galit sayo ni Jed. Maybe you're the reason why his brother commited suicide pero parang ang babaw naman ata non. Hindi mo kasalanan 'yun"

Isa rin 'yun sa mga iniisip ko. Parang may mali sa pagkamatay ni Joaquin but I still can't figure it out. They are too careful at isa pa pagkatapos nilang gawin 'yun noon ay hindi na ulit sila nagparamdam.

"Maybe he loved his brother that much? Urgh I don't know. Ang daming problema bwiset" ini-straight ko ang alak sa baso ko.

Mababaliw na ata ako kakaisip. Bakit nga ba ang gulo ng buhay ko?

"Ikaw kailan mo ipapakilala sa amin ang babaeng kinahuhumalingan mo" i saw him smirked.

Parang nagningning pa ang mga mata nya. Putcha tinamaan nga ata ang gago.

"Paano ko gagawin 'yun eh hindi ko nga alam ang pangalan nya" naibuga ko ang iniinom kong alak.

Anak ng tipaklong. Si kuya Kurt tinamaan sa babaeng hindi nya kilala? Nakakagago 'to ah

"Tatlong beses ko pa lang syang nakikita. Iwas sya eh lalo na sa mga lalake. Wala akong magawa kundi kunan sya ng picture" pinakita nya sakin ang picture nung babae.

Putcha ang ganda lintek. Ngayon lang ata ako nakaramdan ng inggit sa isang babae eh.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw nyang ipakita sa mga kaibigan namin. That girl is such a Goddess.

"Galing mamili ah. Sige na alis na ko" baka hindi pa ko makapag drive kapag uminom pa ko.

Lasing ako pero alam kong may mga matang nagmamatyag sakin. Kanina ko pa napapansin yun kahit kanina na nasa loob pa kami ng bar ni kuya Kurt. Kanina pa nya ko sinusundan.

"Kamusta Alex?"

"Jed" sino bang mag-aakala na ang mahigit tatlong taon na naming hinahanap ay magpapakita ngayon sakin?

"Naaalala mo pa pala ako" naikuyom ko ang mga kamao ko.

Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nila kina Ivan, Deo, Ian at lalong lalo na kay Josh. Pati sina Diego, Roby, Justin at Michael ay dinamay nila pati ang ibang mga naunang Emanon.

He's The Genius And She's The Brat GangsterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang