Chapter 12

4.5K 139 13
                                    

Alex


"Bagong miyembro ng Black 6?"

"Gago black 7 na nga"

"Ibigsabihin si Alex na ang leader?"

Napatingin sakin lahat. Kung sa lakas kasi ang pag-uusapan ako talaga ang dapat na maging leader kaya gumawa ako ng kasunduan na si kuya Kurt muna ang magiging leader.

Marami ang nagreklamo dahil alam nila ang kakayahan ko kaya sinama sa kasunduan na kapag may nakapasok sa black 6 na bago papayag akong mamuno. At tuluyan lang akong papayag kapag umabot na sa amin ni kuya Kurt ang bagong miyembro.

Pero hindi 'yun ang iniisip ko kundi ang pagsali ni Prince.

"Xandra" nawala ang ngiti nya ng mapansin nya na masama ang tingin ko sa kanya.

"Alex, natalo nya na sina Ian, Deo at Ivan. Si Josh na ang susunod" si kuya Kurt naman ang tinignan ko ng masama.

Bakit hindi nanaman nila sinabi sakin? Para nanaman akong tanga na walang kaalam alam.

"Kailan?"

"Ngayon din sana. Hinanap ka lang namin para kausapin"

Nabalot ng katahimikan lahat nang mabasag ang kapit kong baso dahil sa higpit ng kapit ko. May laman itong alak pero hindi ko ininda ang hapdi at sakit.

"Alex-"

"Wag kayong lalapit. Siguro nga mas magandang kunin ko na ang unang pwesto para hindi ako magmukang tanga na walang ka-alam alam sa nangyayare sarili kong gang"

"Alex-"

"Ken ihatid mo si Stephanie"

Pumunta ako sa harap ng kwarto na pinasukan nina Deo at buong lakas kong sinipa ang pinto.

"Ahhh" geez ang sakit ng irit nila.

"Deo ayusin mo ang sarili at sumunod ka sa EMansion"

Ang Emansion ang mansion na binigay sakin ni lolo na pwedeng tambayan ng Emanon lalo na ngayon at palaki ng palaki ang bilang namin.

"Xandra" hinawakan ako sa braso ni Prince pero sinamaan ko lang sya ng tingin.

Ganito ba ang magkaibigan? Hindi nya sinsabi sakin ang bagay na ganito lalo na at ako ang unang dapat nakakaalam nito.

Marami kaming naabutan na miyembro na Emanon sa EMansion. Lahat kami ay pumunta sa basement para sa gaganaping laban.

"Sisimulan na ba?"

"Hindi. Kami muna ni Kurt ang maglalaban" lahat sila ay napatingin sakin.

"Kung matatalo ni Prince si Josh malilito tayo sa susunod kaya mas maganda kung malaman natin kung sino na ba ang mas malakas sa amin ni Kurt"

"Pero Alex-"

"Labanan mo ko ng patas. Kapag nakaramdam ako na hindi mo binibigay lahat, magkalimutan na tayo" napalunok lahat sa sinabi ko.

Galit pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit nga ba ako nagagalit sa pagsali ni Prince. Siguro dahil alam kong delikado ang pinasok nya.

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now