Chapter 24

3.2K 86 2
                                    

Author: Ito 'yung past. Medyo maikli lang 'to

Kanina ko pa tinititigan ang leather jacket ng Emanon. Mas maganda na ito ngayon kumpara noon.

Hindi pa rin ako makapaniwala na isa na ang Emanon sa pinakamalalakas na gang ngayon. Parang dati isa lang kaming barkada hanggang sa lumaki na ng lumaki ang bilang namin.

Sinuot ko na ang leather jacket ko at lumabas ng bahay. Napansin ko ang isang lalakeng nakatayo sa hindi kalayuan sa gate namin.

"Joaquin?" lumapit sya sakin ng nakangiti.

Magkaiba kami ng school ni Joaquin. Nagkakilala lang kami dahil miyembro din sya isang gang. Kung hindi ako nagkakamali ay Cobra ang pangalan ng gang nila na pinamumunuan nila ng kapatid nyang si Jed.

Bukod dun ay nanligaw din ito sakin dahilan para iwasan ko sya. Mahigit dalawang buwan na rin simula ng huli kaming mag-usap at 'yun yung araw na ni-reject ko sya at sinabi ko na may iba akong gusto.

"Hi" hindi ko alam ang sasabihin ko. Should I say hi too or should I keep silent?

"Hindi ako nandito para manggulo. I'm here to apologize" my forehead creased.

"Sorry for what?"

"Sa panggugulo ko? Sa pangungulit ko nung nanliligaw ako? I actually don't know. Pakiramdam ko rin magkakaroon ng gulo because of what I did. At sa tingin ko madadamay kayo"

Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya. Nakulitan ako sa kanya pero mabait syang tao.

"You did what? Joaquin what are you saying?"

"Sorry kung nagustuhan kita. I know they will blame you. Nagmahal ulit ako. I just saved her and I won't regret it. Pero parang wala na 'kong magagawa. Protect her please. Protect her from- I have to go Alex"

Naiwan akong tulala dahil sa mga sinabi nya. What was that? Is this a prank or what?

Ano ba 'yung mga sinasabi nya? Sino 'yung tinutukoy nyang babaeng mahal nya? Sino 'yung gusto nyang protektahan ko? Bakit?

Shit ka Joaquin! Ang dami mong iniwang tanong sakin. Pinilit ko nalang ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko para kahit papano mawala ang mga tanong sa utak ko.

"Hoy bakit tulala ka?" nakaramdam nalang ako ng mabigat na mga braso sa balikat ko. Isa lang naman ang mahilig umakbay sakin.

"Sige lang Diego ipamuka mo pa sakin ang height ko" sabay irap ko. Ang tangkad kaya ng gagong 'to.

Hinampas ko ang kamay ni Michael dahil ginawa nanaman nya ang paborito nyang gawin sakin. Ang guluhin ang buhok ko.

"Tangina mo Michael tamad na nga magsuklay" tinawanan lang ako ng dalawang gago bago humiwalay sakin ng daan. Magkaiba kasi kami ng building dahil mga senior na sila. Medyo malayo ang building ng grade 9 sa senior high.

Hindi pa nakakalayo ng makarinig ako ng ukelele na pinapatugtog ni Justin habang sinasabayan ng kanta ni Roby. Ayos ah para lang silang nasa Hawai.

Kasama nila sina kuya Kurt Ian, Ivan, Deo at Josh. Hindi ako makatingin kay Josh. Nakatingin kasi si kuya Kurt. Nakakainis kasi eh nalaman nya na may gusto ako kay Josh.

"Mukang mainit ang ulo natin ah" sinamaan ko ng tingin si kuya Kurt. Para namang hindi nya alam na sya ang dahilan. Magdamag ba naman akong asarin? Nag-overnight kasi yan sa amin.

Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Joaquin. Napagpasyahan ko nalang na wag ng sabihin sa kanila. Hindi rin naman nila alam na nanligaw sakin si Joaquin.

He's The Genius And She's The Brat GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon