Chapter 6

5.7K 161 15
                                    

Alex

"Sexy ni pandak oh" bwiset na Ivan 'to talagang hindi ako titigilan sa pang-aasar. Kapag ako talaga tumangkad hu u ka sakin.

Nakalabas na 'ko ng hospital kaninang tanghali pero hindi muna ako pinayagang pumasok which is pabor sakin. Ako pa ba ang aangal? Sipag ko kayang pumasok.

Kaya lang naiinis ako sa suot ko. Naka-short kasi ako dahil nga sa mga paepal na nakalagay sa binti ko.

"Ano bang ginagawa nyo dito? Aba may balak ba kayong ubusin ang laman ng ref namin?"

Feel at home na feel at home ang mga lintek. Nakaupo pa sa sofa na parang kanila. Okay lang sana sina Josh at kuya Kurt pero 'yung tatlong unggoy? Si Ivan may hawak na bowl na punong-puno ng chips. Si Ian may hawak na isang buong cake. As in isang buo talaga at syempre padadaig ba si Deo? Puro chocolates ang nasa hita nya at lahat pa ay mamahalin na galing pa sa ibang bansa at hawak hawak nya 'yung salad na pinagawa ko sa maid kanina.

"OA mo naman. Nag-short ka lang naging madamot ka na. Para namang hindi kayo ang may-ari ng Madrigal Hospital. Pero uy sexy mo ha" pagkalapit na pagkalapit ko binatukan ko kaagad si Deo. Manyakin ba naman ako? Siraulo to eh.

Kahit na malaki ang sofa napagtripan kong itulak si Ivan kaya natapon ang ibang chips sa cake na hawak ni Ian.

"Pandak naman eehh!! Ang laki laki ng sofa nyo" alam mo 'yung feeling na ang sarap sipain ng lalakeng nag-iisip bata?

"Tumahimik ka" nagkunwari pa itong zinipper ang bibig. Tss.

"Alex may boobs ka pala" bigla nag-init ang ulo ko sa kamanyakan ni Deo kaya kinuha ko ang cake na hawak ni Ian at binato ko kay Deo. Sapul sa muka.

Hindi ko alam kung saan ako maiinis. Kung dahil ba sa dibdib ko sya nakatingin o dahil ngayon nya lang napansin na may boobs ako. Kahit ganito ako babae pa rin ako.

"Tigilan nyo na si Alex/Tama na yan" nanahimik ang tatlo dahil sila Josh at kuya Kurt na ang nagsalita at seryosong seryoso ang dalawa. Buti nalang may kakampi ako.

"Bakit ba kayo pumunta dito?"

"Bibisi-"

"Wag nyong sasabihin na binibisita nyo ko dahil andito din kayo kaninang tanghali" nag-pout si Ian dahil pinutol ko 'yung sasabihin nya. Tss magsama sila ni Ivan bwiset!

Biglang naging seryoso ang mga muka nila ang nagkatinginan pa. May tinatago sila.

"Spill it" ayoko ng pinaglilihiman ako lalo na kung tungkol sa grupo namin 'to.

Seryoso akong tinignan ni kuya Kurt at sa binti ko. Parang nag-aalangan syang sabihin dahil sa kalagayan ko.

"Tatanggap pa ba tayo ng ibang miyembro?" dun na napakunot ang noo ko.

Parang nagdadalawang isip pa 'ko kung maniniwala ako na 'yun nga ang gusto nilang sabihin sakin.

"Sino ba ang leader satin?"

Kay kuya Kurt ako nakatingin pero lahat sila ay pinagmamasdan ko ng palihim. May problema kaya sa gang? May lumusob nanaman ba sa school?

"Pero sayo sila takot at ikaw ang sinusunod ng lahat" kung may iba pang dahilan, masasabi kong magaling magtago si kuya Kurt.

"At bakit hindi? Sino ba 'tong tinutukoy mo na gustong sumali at bakit kailangan pang ipaalam sakin?"

"Schoolmate natin. Same year level pero nasa highest section sila"

Sila? Bakit parang bigla akong kinabahan na kasama sya? Napahawak ako sa dibdib ko. Parang hindi naging normal ang paghinga ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

He's The Genius And She's The Brat GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon