Chapter 17

4K 132 3
                                    

Kung alam ko lang na ito ang gagawin dito sana nagpaiwan nalang ako sa camp site namin. Bakit hindi manlang sinabi sa amin na magsu-zumba kami?


Hindi ko maimagine na sumasayaw ako ng ganun. Kung hiphop sana ayos pa eh pero sumba?

Hindi ako sumasayaw. Hindi lang naman ako eh. Pati ang mga ka-gang ko hindi sumasayaw. Nagkatinginan kami ni Deo. Parang may binabalak syang hindi maganda. Nakita kong nagkatinginan sila ni Ivan at Ian at pare-pareho silang ngumiti.

Tatanungin ko pa sana sila kung saan pupunta pero nakaalis agad sila. Maya-maya biglang tumigil ang music kaya tumigil din sila sa pagsayaw.

Napatakip ako ng tenga dahil sa nakakadiring tunog na yun. Parang may nanonood ng porn na naka speaker. Pupusta ako, phone ni Deo ang gamit nilang phone.

Nagbago bago ang tunog na parang natataranta ang nagpapatugtog. Maya maya ay naging maayos ang music. Naging pang hip hop kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa tenga ko.

Laking gulat ko ng makita ko na nasa stage na sina Stephanie, Kuya Kurt, Josh, Dexter, Carl at Prince. Sumasayaw na sila.

Infairness magaling din pala sumayaw si Prince. Saan ba sya hindi magaling?

Nakita ko na yung tatlo. Sina Deo, Ivan at Ian na nakatingin sakin. Teka... hindi maganda ang kutob ko dito.

Tumakbo na ko papalayo pero naabutan agad nila ako.

"Put me down! Pucha isa!"

"Dalawa tatlo" pang aasar ni Ian.

Binuhat nila ako na parang ang gaan gaan ko. Hindi na ba sila nahihiya? Pinagtitinginan na kami at bakit walang umaawat?

Dinala nila ako sa stage. Lahat sila sumasayaw na ako nalang ang hindi. Pati ang teachers gumagaya sa step nila kahit mukang nahihirapan sila. Nasabi ko ba na mga dancers ang mga kaibigan ko? Dati kaming kasali sa dance club.

"Alex sayaw na. Alam mo naman ang step na to" hindi talaga ako makapaniwala na ang pinakatahimik sa amin ang magsasabi non.

"Ayoko" sagot ko kay Josh.

"Ganun ba. Ikaw din baka madulas ako at maikwento ko sa kanila ang lovestory natin" nanlaki ang mga mata ko.

Totoo ba 'to? Blinablack mail ako ni Josh? Sumimangot nalang ako at sumabay sa pagsayaw nila.

Yung simangot naging ngiti. Namiss ko din palang sumayaw at mas masaya ako ngayon dahil mas marami na kami. Dumagdag si Step, Carl, Dexter at syempre si Prince.

Puro kami pawisan nang matapos sumayaw. Limang kanta rin ang sinayaw namin. Pagkatapos ng mga kung ano-anong kaartehan ay naghiwalay na ang crew para gawin ang mga activities. Niyakap pa ko ni Stephanie bago kami maghiwalay.

Pumunta kami sa tabi ng dagat. May kasama kaming crew galing sa ibang unit. Ang nakakainis kanina pa sila nakatingin sakin.

Napansin kong may binulong si Prince sa SCL nila kaya sinaway nya ang mga ito at umiwas ng tingin sakin.

"Scout sa ngayon tuturuan namin kayo ng iba't-ibang knots. Bakit nga ba mahalaga ang knots? Ang mga knots ay pwede nating gamitin sa pagtali ng sugat, sa nabalian, pwede rin gamitin sa panghuli ng hayop kung tayo'y natrap sa gubat" sabi ng naka-assign sa knots ngayon.

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now