Chapter 28

3.1K 94 0
                                    

They say one of the most painful things you can experience is that your own friend deceives you because they are one of those you trust.In my life I will not be afraid to be beat, shoot, stab or die because before I enter the life I have now I prepare myself for all the things I can but not in this situation. Absolutely not.

"Ano nahanap nyo na ba sila?" sabay na umiling si Carl at Dexter. Umiling din si Ivan para ipaalam na wala syang nakuhang magandang balita.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluhod.

"Natatakot ako" sa buong buhay ko ngayon ko lang ito sinabi sa harap nila.

Natatakot ako sa pwedeng mangyare sa kanila. Ayokong makita sila sa mga hospital bed.

"Xandra" inalalayan ako ni Prince.

Mag-iisang linggo na simula ng mawala sina kuya Kurt, Josh at Deo. Walang nakakaalam kahit isa sa amin kung saan sila nagpunta hanggang sa makatanggap kami ng mga litrato kanina na nakagapos silang tatlo at may mga pasa sa muka.

"Alex gagawin natin ang lahat para mahanap sila"

Paano? Ginawa na namin ang lahat pero kahit katiting ng impormasyon ay wala kaming nakuha. Parang naulit nanaman ang nangyare noon, may nangyayare nanaman na wala kaming kaalam alam.

"Alex may naghahanap sayo" lumabas ako ng classroom at nakita ko na nakatayo si Dianne sa corridor habang nakatanaw sa field.

Pumasok na sa isip ko na may kinalaman sya sa nangyare dahil sa mga kakaibang kinilos nya pero kahit kaunti ay hindi ako makaramdam ng hindi maganda sa kanya. Dahil ba sa itsura nya?

"Anong kailangan mo?" lumingon sya sakin na may pag-aalalang muka. Mukang nagaalinlangan pa sya.

"Nakipagkita sakin si Kurt kagabi" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Tumingin ako sa paligid at hinila ko sya sa braso papasok sa classroom namin.

Pinalabas ko ang mga kaklase ko. Ako, si Dianne, Prince, Ian, Carl, Dexter, Diego at Roby ang mga naiwan. Pinaupo ko si Dianne para makausap namin sya ng ayos. Halata sa muka nya ang takot dahil sa inaasal ko.

"Mag-iisang linggo na syang wala! Paano mo nasabi na nakipagkita sya sayo!?" kinapitan ako ni Prince para mapakalma.

Hindi ko kayang kumalma. Ang mga kaibigan at ang pinsan ko na tinuturing kong kapatid ang pinag-uusapan dito. Hindi ako mag-aalinlangan na pumatay para sa kanya, para sa kanila.

"W-what? Kahit pumunta tayo sa school ko para ipakita sa inyo ang CCTV na pinuntahan nila ako sa school! Wag mo 'kong pagtataasan ng boses dahil nasa inyo ang lahat ng pabor ng pagpunta ko dito!" napaatras ako dahil sa biglaan nyang pagtaas ng boses.

"Sila? Kasama ba nya sina Deo at Josh?" kumunot ang noo nya. Napakilala ko na sa kanya ang mga kaibigan ko. Kung nakalimutan man nya si Josh alam kong kilala nya si Deo.

"Hindi. Iba ang kasama nya but they are all wearing same jacket as yours" itinuro nya ang jacket na suot ko. Nanginginig kong naikuyom ang kamay ko.

Isa lang ang ibigsabihin nito...may traydor.

"Hindi ko kayong pipiliting maniwala sakin. Hindi ko iniwan ang laro namin para lang sa wala. Aalis na ko"

"Wait" hinawakan ko agad ang kamay nya.

"I'm sorry" ako ang nagkamali. Tama naman ang sinabi nya na nasa amin ang lahat ng pabor kaya hindi ko dapat ginawa 'yun. Nadala lang ako ng emosyon.

"Anong pinag-usapan nyo?" tanong ni Diego. Kung wala lang siguro kami sa ganitong sitwasyon baka kanina pa aya natulala sa ganda ni Dianne.

"Hindi sila nagtagal at panay ang tingin ng kasama nya sa paligid pero pinaaabot nya 'to"

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now