Chapter 18

4K 131 12
                                    

Pumila ulit ang crew namin para pumunta sa susunod na activity. Nasa pinakaunahan si Dexter dahil sya ang flag bearer kasunod si Prince.

Ewan ko ba sa lalaking to kung bakit hindi sa kabilang crew sumama. Si Stephanie nalang sana ang binantayan nya.

"Scouts, our next activity would be human chair" hindi ko alam kung bakit nagsigawan ang mga kasama kong dati ng scout.

Human chair? Ano yun? Upuan ng tao? Teka may upuan ba ang hayop?

"Para sa mga bago ganito yan. Pipili kayo ng walo sa inyong crew ang walong yun ay mahahati sa dalawang grupo. Uupo kayo sa mga upuang to. Hihiga kayo sa hita ng scout na nasa likod nyo at hihiga naman sa hita nyo ang scout na nasa gilid nyo. Kapag nagsignal na ang SCL nyo na okay na, unti-unting tatanggaling ang mga upuan.May kakantahin kayo. Patagalan to so technically speaking patatagan to. Kapag may bumagsak sa lupa kahit isa sa inyo, time out na"

"Wag ka ng sumali Alex/Xandra" sabay na sabi ni kuya Kurt at Prince.

Ang KJ naman ng dalawang 'to. Muka kayang exciting kaya gusto kong sumali staka bakit ba ayaw nila akong pasalihin?

"Sasali ako" madiin kong sabi.

Nagsimula na yung kalaban naming crew habang kami heto, nagtatalo kung sasali ba ako o hindi.

"Alex-"

"Kuya, Prince please naman. Minsan lang 'to okay? Wag nga kayong KJ" wala na rin silang nagawa.

Kami ang huli. Ang kasama ko ay si Prince, Kuya Kurt at Dexter. Hindi sumali sina Ivan at Deo. Si Ivan ang nagbabantay ng paper bag na may laman ng gagamitin namin sa activities at meryenda. Si Deo naman ang may hawak ng flag.

Bawat crew kasi ay may flag. Kapag naiwan yun o nabitawan kung saan, may parusa sa buong crew na may ari ng flag.

"Sure ka ba talaga dito Alex? Ikaw nalang kaya ang humawak ng flag" hindi talaga sumusuko si kuya Kurt sa pagpigil sakin kahit nakaupo na kami sa upuan.

"Oo naman"

Si kuya Kurt ang humiga sa hita ko. Nakahiga ako sa hita ni Prince, Si Prince kay Dexter at si Dexter kay kuya Kurt.

"Scout Inos igop?" (Binaliktad na sinong pogi) sigaw ni Prince.

"Imak imak" (Binaliktad na kami) ganting sigaw nila. Alangan namang sumagot ako di ba?

"Ready? Tanggalin nyo na"

Sa una madali. Pero habang patagal ng patagal medyo mahirap. Ang hirap kasing humanap ng magandang pwesto. Tapos pinapakanta pa kami ng kung ano-ano.

"Xandra ayos ka pa ba?"

"Yeah" simpleng sagot ko. Medyo nasasanay na kasi ako. Hindi rin gaanong nagpapabigat si kuya Kurt.

"Kuya Kurt humiga ka ng ayos. Nahihirapan ka"

"Gago mabibigatan ka" aray. Ako pa yung nagago ako na nga yung concern.

"Pucha wag kang maarte humiga ka ng ayos o ibabagsak kita?" muka natakot kaya humiga din sya ng ayos.

"Tagal ah. Daig kayo ng babae" sabi ni Sir Zamora.

"Alex wag malikot. May nagagalit kay Tristan" hindi ko magets ang sinabi ni Deo pero kilala ko si Deo. For sure bastos yun.

"Okay last song. Bahay kubo"

"Bahay kahit munti- tangina Dexter ayusin mo baka mabaog ako! ang halaman doon" -kuya Kurt

"Ay sari sari. Singkamas at mani pucha tama ba yung kanta ko? Sigarilyas at... at letche anong sunod. Nangangati na singit ko mga boi"-Dexter

He's The Genius And She's The Brat GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon