Chapter 22

3.4K 99 0
                                    

Pangatlong araw na 'to na hindi ako pumapasok. Hindi naman sa tinatamad ako. Ayoko talaga muna silang makita.

Naguguluhan na 'ko sa mga nangyayare. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Gusto kong aminin ang nararamdaman ko kay Prince. Gusto ko rin maranasan na ligawan nya at gusto kong alamin kung ano pang hahantungan ng nararamdaman ko kung hindi ko pipigilan.

Pero natatakot ako. Paano kung maulit ang nangyare noon at mas lumala pa. Sa nakita ko kay Jed hindi malabong mas lumakas pa sya. Kung nagawan nya kong tutukan ng baril hindi malabong patayin nya ko sa susunod.

Hindi ako natatakot para sa sarili dahil bago ko pa pasukin ang mga pinasok ko ay handa na ko sa lahat ng pwedeng mangyare sakin pero hindi ibigsabihin non ay wala na 'kong pakialam sa mga taong nasa paligid ko.

Alam ni Jed na 'yun kahinaan ko. Alam nya na wala lang sakin kahit ako ang bugbugin nya kaya laging ang mga taong mahal ko ang pinupuntirya nya.

Hanggang ngayon hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang laki ng galit nya sakin.

"Apo? Masama ba ang pakiramdam mo?" napaupo ako bigla.

Ugali na talaga ni lolo ang hindi kumatok. Umupo sya sa kama at hinaplos ang buhok ko.

"May problema ba ang paborito kong apo?"

"Wala po lo. Tinatamad lang talaga akong pumasok" mukang binabasa nya pa ang muka ko kung nagsasabi ako ng totoo.

Kilalang kilala ako ni lolo pero sabi nga nila, mahirap akong basahin.

"Ngayon ka nalang ata ulit tinamad ah. Nabalitaan ko nga pala ang pagtaas ng grades mo. May gusto ka bang hilingin?" nakangiti nyang tanong.

Yung matuwa lang si lolo ayos lang. Alam ko naman kasing hindi ko kailangan na magmagaling sa mata ni lolo para ibigay nya sakin ang gusto ko.

"Wag na po lo. Salamat nalang po"

"O sige. May bisita ka nga pala. Sina Diego" tumango nalang ako.

Naghintay lang ako ng ilang minuto bago bumaba. Alam kong hindi nila kasama sina kuya Kurt. Sinabi ko kasing 'wag muna silang pumunta dito.

"Naligaw ata kayo?" kumpleto silang apat ah. Si Diego, Justin, Roby at Michael. Andito rin sina Jude at Ken pero mukang iba ang pakay nila sa pakay nila Diego.

"Sila muna. Dumalaw lang naman kaming apat" sina Ken ang tinutukoy ni Roby.

Tinaasan ko ng kilay si Ken. Para kasi syang naestatwa nang makita nya ko at pinamulahan pa sya ng muka. Ano bang problema ng lalakeng ito at lagi nalang namumula kapag nakikita ako?

"May nakakita noong isang gabi kay Jed" nakuha ni Jude lahat ng atensyon ko.

Talagang umiinit nanaman ang pangalan ni Jed.

"Tignan mo 'to" may inabot sakin si Ken na envelope.

Hindi ko alam kung may kalalagyan pa ang galit ko ngayon sa nakikita ko. Hindi ko kilala ang mga ito pero nakasuot sila ng jacket ng Emanon kaya isa lang ang ibigsabihin nito..

"Nakita ang isa sa kanila kahapon ng umaga sa isang eskinita. Ang dalawa naman ay sa kanal. Nasa hospital pa rin silang tatlo. Nagpapagaling na ang dalawa pero 'yung isa ay naputulan ng binti. At isa lang ang tinuturo nilang may gawa nyan..."

"Si Jed" hindi na kailangang ituloy pa ni Ken ang sinasabi nya.

Tangina nyang hayop sya! Bakit ba napakaduwag ng lalakeng 'yun at hindi kami ang harapin?

"Alam na ba ng black 7 'to?"

"Oo. Pinaiimbistigahan rin nila 'yan. Hindi lang 'yun Alex dahil sunod-sunod na ang pagbugbog sa mga bagong miyembro ng Emanon. Bigla bigla na ring nag-aalisan ang iba" hindi ko na rin sila masisisi.

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now