Chapter 10

4.7K 135 5
                                    

Alex

"Ako ang magdadrive" nabingi ba 'ko?

Sya daw ang magdadrive?

Hinila ko sya papalayo sa mga makakalaban namin para makausap ko sya ng ayos.

"Nasisiraan ka na ba? Baka hindi mo alam kung gaano ka-delikado 'yan. Bakit kasi nandito ka!?"

Don't get me wrong ha. Hindi ako concern sa kanya. Nag-aalala ako sa pera ko at sa motor na gagamitin namin. Dun lang at hindi sa kanya.

"Just trust me" napasabunot nalang ako sa buhok ko nang wala na 'kong magawa.

Pwede nya na 'kong talunin sa patigasan ng ulo.

"Kapag tayo natalo magtago-tago ka na" babala ko sa kanya habang sinusuot namin ang mga helmet namin.

"Just trust me with this" yeah whatever.

Hindi ako makapaniwala sa nangyare. Nanalo kami. Hindi ko akalain na ganun sya kabilis magmaneho ng motor. Sino ba naman kasing mag-aakala na marunong pala makipagkarera ang isang Prince Tristan Roswell.

"Woah. He's cool" puri ni Deo habang kinukuha namin ang pera.

Hindi nalang ako umimik. Wala naman kasi akong sasabihin.

Marapos ang karera ay umuwi na rin kami. Ang kotse na dala ko ang ginamit namin dahil nag-taxi lang daw sya.

Hindi sya umimik at seryoso lang na nakatingin sa harap. Hindi ko man mabasa ang nasa isip nya, alam kong hindi sya natutuwa sa ginawa ko.

"Hindi pa tuluyang magaling ang mga binti mo pero nagawa mo ng sumali sa karerang 'yun? What the hell are you thing Xandra? Illegal pa 'yun at delikado ang location"

"Teka nga Prince ano bang pakialam mo? Sino ka ba sa akala mo para pakialaman ang buhay ko? Hindi kita pinilit na sundan ako at hindi naman ikaw ang mapapahamak. You are just my fucking tutor. We're not even friends!"

Natigilan sya sa sinabi ko at pati rin ako. Heto nanaman ang walang pigil kong bunganga.

Tinigil ko muna ang kotse sa gilid ng kalsada para makausap ko sya ng ayos.

"Ang ibig kong sabihin-"

"We're not even friends... Maybe you're right. Sino nga ba ako? Pero sana isipin mo rin na may mga taong nag-aalala sayo"

Bumaba sya ng kotse matapos nyang sabihin 'yun. Hindi ko sya pinigilan o tinawag manlang.

Totoo naman di ba? Hindi kami magkaibigan at dapat hindi nya 'ko pinapakialaman.

Pero bakit parang nagi-guilty ako?

~*~

"Bakit tulala ka dyan?" tinapik ni kuya Kurt ang balikat ko at tinabihan ako.

Sa pinakadulo sa pinakalikod kasi ako umupo at pinagbawalan ko sila na umupo sa last row. Wala lang feel ko lang maging loner ngayon.

"Wala" sagot ko. Pano ko ba sasabihin na ginugulo ni Prince ang utak ko?

"Alex kilala kita. Pero kung ayaw mong sabihin okay lang" tumango lang ako habang nakahalumbaba pa rin ako.

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now