Chapter 14

4.6K 126 25
                                    

Alex

"Puchang bakla 'yun! Sarap bangasan"

"Oo nga. Hayop talaga. Iniwanan pa 'ko ng mga marka"

"Hindi ako makapambabae ngayon. Letche talaga"


Wala na 'kong ibang narinig dito sa limang 'to kundi mga reklamo. Wala ng 'kong maitatawa dahil kanina pa 'ko tumatawa dahil sa naging itsura nila. Muka silang nirape ng mga baliw.

Kasalakuyan kaming nasa pinakamalaking garden ng school. Ang Black 7 at  sina Carl at Dexter. Umalis kanina si Stephanie eh kaya ako nanaman ang nag-iisang babae.

"Aleeeeex!" speaking of the devil.

Lumapit sakin si Stephanie at niyugyog ako. Shit nakalog utak ko. Wait meron ba ko non?

"Sama tayo sa camporee ng boyscout dali! Pwede na daw sumali ang girls!"

Wtf? Boyscout? Ano kami elementary? At ano namang gagawin namin dun? Gagawa ng apoy gamit ang kahoy o bato? Oh please.

"ayoko" sumandal ako sa puno at pumikit pero niyugyog nya nanaman ako.

Shit naman oh. Puyat kaya ako! Nag-review pa 'ko at sinimulan ko na ang research paper ko. Epal kasi yung research teacher namin akala mo sya ang nahihirapan eh. Kung makapagbigay ng deadline eh. Atat ang puta.

Kung hindi ko lang gusto makagraduate. Gusto ko lang grumaduate nang hindi dahil sa impluwensya ng pamilya ko. Gusto ko naman kahit papano maging proud sila sakin. Shet ang buti ko talagang bata.

"Dali naaa. 3 days ang 2 nights lang naman yun. Andun si kuya Tristan" napamulat ako ng wala sa oras.

Napatingin ako kay Prince na nakatingin din sakin. Hindi ko na talaga mapigilan.

"Hahaha puta. Prince? Boyscout ka? Tangina hahaha" ang naiimagine ko kasi na uniform ng boyscout ay naka-short na brown, white na damit na may yellow neckerchief. Ganun naman di ba ang uniform non?

"Tss senior scout ang tawag sa mga highschool" nakapoker face na sya.

Hahaha hindi ko talaga mapigilan. Gusto kong makita si Prince na naka uniform ng pang boyscout. Geez kinikilabutan ako shet.

"Sige sige kelan ba yun?" pinipigilan ko pa rin ang tawa ko. Halata kasing galit na si Prince.

"Friday ng morning ang alis. Excuse na tayo sa friday class tapos saturday ng hapon ang balik natin" hindi naman sya excited ng lagay na yan?

Gusto ko lang talagang makita si Prince na naka uniform eh. Wag nyo ng asahan na mag uuniform din ako ng pang boyscout dahil for sure naka black or dark color nanaman ako.

"Hindi kayo makakasali basta basta lalo na't babae kayo. Madami pa kayong aasikasuhin staka papakuhanin pa kayo ng test. Kapag pumasa kayo saka lang kayo papayagan. Kalimitan tungkol sa history ng senior scout, mga knots at salute na senior scout ang kasama sa test"

Eh? Parang nawindang ako sa sinabi ni Dexter. Pucha naman bakit may history pa? Ang mga bagay na nasa past dapat kinakalimutan na. Lol joke lang. Kawawa naman sina Jose Rizal.

"Si kuya Tristan na bahala dun. Sya naman ang SCL at president eh. Di ba kuya Tristan? Isali mo na kami"

Hindi ko alam kung wala ba 'to sa mood o napilitan lang dahil basta nalang tong tumango.

"Sure ka ba Alex na sasali ka?" napatingin sakin yung tatlong unggoy pati sina kuya Kurt at Josh.

Oo nga no? Parang ang boring naman kung ako lang.

He's The Genius And She's The Brat GangsterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora