Chapter 15

4.7K 106 14
                                    

Josh


Hindi pa rin sya dumadating pero nandito na ang gamit nya. Pinadala nya sa driver nila. Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Nitong mga nakaraang araw napakatahimik ni Alex.  Wala syang kinakausap. Kahit asarin pa sya ng mga kabarkada namin hindi nya pinapatulan.

Friday na ngayon at paalis na kami para sa camp. Kung hindi naman sya sasama hindi naman talaga ako sasama.

Hindi ganun kadaling kalimutan ang nararamdaman ko sayo Alex. Dahil habang tumatagal ay mas lalo akong nahuhulog.

"Hindi pa ba tayo aalis?" kanina pa sila tanong ng tanong.

Dapat kasi alas otso ay umalis na kami pero hindi pumayag si Tristan. Ang sabi nya baka daw may hahabol pa. Alam ko naman kung sino ang hinihintay nya.

"Ano ba talaga sayo si Alex ha? Hindi ka sasali sa Emanon dahil lang sa wala. Mabuti lang itigil mo na kung may nararamdaman ka sa kanya"

"Si Alex nga ang dahilan ng pagsali ko. Sinubukan ko Josh. Sinubukan kong pigilan pero mahirap. Gusto ko sya. Nahirapan lang akong aminin sa sarili ko pero ayoko ng pigilan... kahit anong mangyari"

Naikuyom ko ang kamao ko. Tahimik ako pero sa loob loob ko nasasaktan ako. Kung hindi nangyare yun baka kami na ngayon at masaya na siguro kami. Wala sanang Tristan.

Akala ko mga babae lang ang mahilig sa bad boy pero bakit mas marami atang lalake ang nahuhulog sa bad girl?

Fuck! Kung hindi ko lang hinayaan na mangyari yun! Bakit ba ang hina ko noon?

Bakit ba hindi kita pinaglaban?

Bakit sumuko ako agad?

Alex

Epal ng mga guards dito. Papapasukin din naman ako pinatagal pa. Kailangan ko pang sabihin at patunayan na ako si Alexandra Madrigal. Ngayon lang ata ako nagpapasalamat na maimpluwensya ang pamilya ko.

Nasa isa akong University. May dadalawin lang akong ibang Emanon dito. Sina Diego, Roby, Justin at Michael. Sila ang unang apat na nakasali sa grupo namin. Mga second year college sila ngayon.

Malaki rin pala ang University na to. San ko sila hahanapin? Langya alas otso na. Ngayon pa naman ang alis namin. Mabuti nalang naipadala ko na ang gamit ko para kung maiwan man ako ay susunod nalang ako.

"Si Alex 'to. Ipasa mo sakin ang number ni Diego" hindi ko na hinintay sumagot si Jude dahil pinatay ko na agad ang tawag.

Wala pa atang isang minuto natanggap ko na ang number ni Diego.

("Hello? Poging Diego speaking how may I help you babe? ) puta kasing landi nga pala to ni Deo. Boyfriend din to ng bayan.

"Kung gusto mo pang sikatan ng araw ayusin mo ang pagsasalita mo"

("Ay shit. Alex")

"Minumura mo ba ko Diego?"

("Hindi po-I mean hindi. Napatawag ka? May reresbakan ba tayo?")

"Muka ba kong mahina Diego?" narinig ko ang paglunok nya ng sunod sunod.

Hindi pa rin nagbabago. Mas matanda nga sakin takot naman.

("Hindi ah! Promise hindi talaga. Mamatay man sina Deo") napangiti ako. Namiss ko rin ang kalokohan ng gagong to.

"Nasa school nyo ko. Hanapin mo sina Justin, Roby at Michael. Kapag hindi nyo ko napuntahan sa kinatatayuan ko sa loob ng sampung minuto patay kayong apat sakin"

("Asan ka-") I ended the call.

Malay ko ba kung saang bahagi ng University nila ako naroroon. Hindi naman ako tagadito staka binibiro ko lang sya.

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now