Chapter 32

3.3K 102 3
                                    

"We'll talk baby" uh-oh. Usap daw oh. Langya sinong baby? Si Shawn?

"Tristan wag mo munang lambingin si Alex. Kagigising mo-sabi ko nga mananahimik na ko" nakagat ko ang labi ko.

Mukang seryoso talaga si Prince na gusto nya 'kong kausapin. Tungkol kaya 'to sa pag-I love you too ko sa kanya?

"Uhm Prince...binabantayan ko pa kasi si Shawn" mukang nakisama naman si Shawn at niyakap nya ko.

Hindi naman sa gusto kong umiwas. Hindi ko lang alam kung handa na ba kong kausapin si Prince tungkol sa nararamdaman ko. Hindi kaya maging awkward?

"Are you avoiding me?"

"No! I mean-ugh! Fine! Step, pakibantayan naman si Shawn" sabi ko sabay hila kay Prince palabas ng hospital.

Ayokong marinig nila ang mapapag-usapan namin ni Prince. Siguradong aasarin lang nila ako.

Hinila ko sya hanggang sa rooftop ng hospital. May mga bench dito kaya magandang tumambay.

"A..nong pag-uusapan natin?" tanong ko. Umupo ako sa isang bench habang nakatingin sa malayo.

"You love me" that's not a question. It's a statement.

Iniwas ko ang tingin ko. Damn! I'm not good at confessions. This is not my thing. I prefered punching someone's face.

"Yeah..." nakatayo lang sya habang nakasandal sa railings habang nakatitig sakin. Sa unang pagkakataon naconcious ako sa itsura ko.

Nabigla ako nang bigla nya kong hinigit hanggang sa naramdaman ko nalang ang labi nya sa labi ko.

This is not ouf first kiss but it felt like it is. It was soft and passionate. Pakiramdam ko I'll be addicted to his kisses.

"Finally..." he said in between our kisses.

Sinandal nya ko sa railings at pinagdikit nya ang mga noo namin. Sa lapit naming dalawa pakiramdam ko maririnig nya na ang lakas na tibok ng puso ko pero wala na kong pakialam.

From now on ayoko ng matakot na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Ayoko ng matakot sumugal. I am now ready to face any consequence just to be with him.

"I love you so damn much Xandra...so damn much"

"I-I love you too Prince and please... Take care of my heart"

"I will. But now before I kiss you again and again. I want you to be officially mine. Alexandra Madrigal.. Will you be my girl?"

Who wouldn't like to be? He's Prince Tristan Roswell for pete's sake! Whoever you are you can't avoid to fall for him. He's not just smart, God-looking, and rich. He's something else I can't explain. May mga negatibo sa kanya pero kahit ang mga 'yun ay mamahalin mo.

"Who am I to refuse to be you girl? Yes Prince" nakita ko nanaman ang napakaganda nyang ngiti. Akala ko ay hahalikan nya ulit ako. Hinalikan nya nga ako pero sa noo.

Naglakad sya sa malapit na bench habang hawak hawak pa rin ang mga kamay ko. Uupo sana ako sa tabi nya pero hinila nya ko kaya napaupo ako sa hita nya. I was about to stand but it's too late. He already wrapped his arms around my waist and rested his chin in my shoulder.

"I can't believe it that you are now mine. Parang noon lang tinititigan lang kita mula sa malayo" ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Hindi ko lang alam kung dahil ba nakayakap sya sakin ngayon o dahil sa mga sinasabi nya. Alam mo 'yung pakiramdan na wala naman talagang nakakakilig sa mga sinsabi nya pero para akong nakikiliti.

"Lagi ko nalang dinideny na wala lang ang nararamdaman hanggang sa mabingi na siguro ako dahil sa lakas ng pagsigaw ng puso ko sa pangalan mo"

Damn! Bakit ako kinikilig? Kung ako ang dating Alex baka nasuka na ko ngayon o kaya babarahin ko sya but look what I am doing right now. Blushing like a teenager. Kunsabagay I'm just 17.

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now