Chapter 31

3.2K 101 1
                                    

"Where do you think you are going?" sumubsob sa harap ko si Grace dahil sa pagkakatapilok nya.

Tatlong araw na. Tatlong araw na pero hindi pa rin gumigising si Prince at tatlong araw ko na ring ginagawang impyerno ang buhay ni Grace. Walang nangahas ang mangialam dahil alam nila ang kahahantungan nila kapag pinakialaman nila ako.

"Please. I'm begging you tama na. Hindi ko na kaya. Ayoko na" dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinigit ko ang buhok nya para makita nya ko.

"Too late. Someone is still unconcious because of you. Hindi pa ko nagalit ng ganito sa buong buhay ko at ikaw palang ang ginawan ko ng ganito. Enjoy!" sinenyasan ko sina Jude at Ken para ibuhos ang natunaw na yelo kay Grace.

Hindi ako ganito noon. Hindi ako nambully ng ganito. Siguro totoo nga ang sinasabi nila na maraming magbabago sayo kapag natuto kang magmahal.

"Ta...ma na" gusto ko syang sipain, sikmuraan at bugbugin hanggang sa sya naman ang macomatose. Hanggang sa magkapasa sya sa buo nyang katawan pero hindi ko pa rin magawa.

"Bibigyan kita ng limang segundo para umalis sa harap ko. Isa" kahit na nilalamig na sya ay pinilit pa rin nya ang tumakbo.

Sinamaan ko ng tingin ang mga nanunuod kaya isa-isa silang umalis. Lumapit naman sa akin ang mga kaibigan ko.

"That freak! Good for her!" I witnessed how much Stephanie loves her step brother. Kung hindi sya napipigilan nina Carl ay malamang nakalbo nya na si Grace. Ilang araw na rin syang puyat dahil sa kalagayan ni Prince.

"Mukang tinatalaban ka pa rin ng konsensya" pang-aalaska sa akin ni Ian. Umismid lang ako sa kanya.

"Babalik na ko sa hospital"

"Teka Alex! Alam mo na ba?" kumunot ang noo ko sa tanong ni Ivan. Nang mapansin nya na hindi ko alam ang sinasabi nya ay nagsalita na ulit sya.

"May nagpapaimbestiga sa gang natin. Ilan din sa mga miyembro natin ay napapansin na may sumusunod sa kanila. Kahit kami ni Ian ay nakakaramdam din" mas lalong kumunot ang noo ko.

Nagpapa-imbestiga? Sumusunod? At sino naman? Wala na ang grupo nina Jed at wala na rin si Justin.

"Kayo lang ba ang sinusundan sa black 7?"

"Ang alam ko pati si Josh. Ewan ko lang kina Deo at Kurt. Hindi namin makausap ng matino eh"

Hinilot ko ang sentido ko. Wala na bang katapusang problema ito? Una si Prince. Hindi pa rin sya gumigising. Sunod sina kuya Kurt at Deo. Laging wala silang sarili simula ng layuan sila ni Dianne at ngayon naman ay may nagpapa-imbestiga-wait.

"Paano nyo nalaman na may nagpapa embistiga?"

"Nahuli namin ang isang private investigator pero hindi sya nagsasalita" huminga ako ng malalim.

"Saka na natin yan problemahin" dumiretso na ko sa parking lot. Pinaharurot ko na ulit ang motor ko papunta sa hospital.

"Ate Alex!" binuhat ko kaagad si Shawn. Laging sya ang sumasalubong sa akin sa tuwing pupunta ako sa hospital. Dahil sa kanya nababawasan ang lungkot ko.

"Hija hindi ka ba napapagod? Laging dito ang diretso mo pag labas at bago ka pumasok sa school. Baka naman ikaw na ang magkasakit" sa tatlong araw na nasa hospital ako ay mas napalapit ako kay tita Bernadette. Madalas nya kong kwentuhan tungkol kay Prince.

"Okay lang po tita. Ito lang naman po ang magagawa ko ngayon" lumapit sya sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"Salamat hija. Pasaway kasi itong si Tristan. Hindi pa gumigising" ngumiti lang ako kay tita Bernadette. Alam kong pinapagaan nya lang ang loob ko.

He's The Genius And She's The Brat GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon