Chapter 23

3.3K 100 2
                                    

Mabilis akong sumakay sa motor ko at halos paliparin ko na 'to papunta sa school. Walang mangyayare kung magmumukmok ako sa bahay.

"Alex?" nakasalubong ko si Ken. Namula nanaman ang loko.

"Hm?"

"Nasa classroom nyo ang black 7 pati sina Carl at Dexter" babarahin ko sana eh. Hindi ko naman kasi tinatanong mga dude. Tinapik ko nalang sya sa balikat.

"Salamat" pinaglaruan ko ang susi ng motor ko sa mga daliri ko.

Ang totoo kinakabahan ako. Baka galit na ang mga gago sakin. Hinayaan ko ba naman sila na problemahin ang lahat at bigla nalang akong nawala. Muka tuloy akong duwag letche.

"Alex? Yow!" yayakapin sana ako ni Carl pero pinakita ko sa kanya ang nakakuyom kong kamao.

Nagkatinginan kami ni Kuya Kurt at napangiti sya. Alam nya sigurong bumalik na ako sa katinuan ko. Ano kaya ang magiging reaksyon nya kung ang babaeng kinababaliwan nya ang nakatulong sakin?

"Venus Dianne Wilson pala ha" sa pinakaunang pagkakataon namula si kuya Kurt. Letche ang lakas pala talaga ng tama nya.

"Venus? Goddess of beauty?" ngumisi ako kay Deo.

"Yeah. Such a Goddess" kay kuya Kurt pa rin ako nakatingin habang nakangisi.

Natahimik silang lahat. Tapos..

"Aray! Tangina nyo!" isa-isa ba naman nila akong batukan? Parang hindi ako babae ah.

Napasinghap ako ng may naramdaman akong pumulupot sa bewang ko. Hindi ko na kailangang humarap para makilala sya dahil amoy palang nya ay kilang kilala ko na.

Hindi ko tinaggal ang pagkakayakap nya sakin. Bakit parang nawala lahat ng stress ko? Bakit bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko.

"I miss you" nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan ko nang maramdaman ko ang hininga nya sa tenga ko.

Bakit ba hindi mawala wala ang epekto sakin ng lalakeng 'to? Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako kinikilig.

"Ehem!" hindi pa rin tinatanggal ni Prince ang mga braso nya sa bewang ko.

"Akala ko ba ayaw magpaligaw?" inirapan ko lang si Ian.

Sa wakas ay tinaggal din ni Prince ang mga braso nya sa bewang ko. Abnormal na ata ang heartbeat ko dahil sa mga pinaggagawa nya sakin.

"Kamusta ang bakasyon pandak?" sasagot palang ako nang may dumating na teacher.

Langya oras pa nga pala ng klase. Bakit pumunta agad ako dito? Tinatamad pa 'kong mag-aral eh. Tss

"Bumalik na kayo sa mga upuan nyo at kayong tatlo bumalik na kayo sa silid nyo" umalis na rin agad 'yung tatlo.

Aba. Tumapang ang teacher na 'to ah. Porket bumait kami eh. Para tuloy may gusto akong pagtripan ngayon. Wala ako sa mood maging dakilang estudyante ngayon.

Medyo nagulat pa silang lahat ng sa arm chair ako umupo. Tss para namang ngayon lang ako umupo dito ah.

"Miss Madrigal sit properly"

"Ayoko nga" tamad na tamad na sagot ko sa kanya.

Tinaasan nya 'ko ng kilay. Aba tinataasan nya na 'ko ng kilay ngayon? Akala ba nya bumait na talaga ako? Tinago ko lang naman ang sungay ko.

"Gusto mo bang makarating 'to sa parents mo?" ganito ba kalaki ang galit sakin ng matandang 'to? Umupo lang ako sa arm chair tawag parents agad? OA ha.

"Sige gusto nyong ihatid ko kayo sa kanila? Tara na ma'am?" mas lalong nagsalubong ang mga kilay nya.

Bakit nagtatanong lang naman ako ah. Ginagawan ko na nga sya ng pabor eh.

He's The Genius And She's The Brat GangsterWhere stories live. Discover now