Chapter 11: [ Revelation ]

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi pa man nito natatapos ang kanyang sinasabi'y pinatayan ko na ito't napatayo.

'Eh, sino iyong nasa baba?!

Dahil sa kaba ay mabilis pa sa kidlat kong hinarap si Nay Julie na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit ko.

"Nay Julie, dito lang kayo h'wag kayong lalabas!"

Nagulat ito sa inakto ko. Pero wala na akong oras! Mabilis ko siyang kinandado sa loob at lumabas.

Damn it!

Bakit ba hindi ko siya nasabihang huwag magpapapasok ng mga hindi niya kilalang tao?!

Ngunit napakunot agad ako ng noo nang bumungad sa'kin ang mga nilalang na prenteng nakaupo sa sofa ko!

Wala akong bisita, Nay Julie. Dahil bwisita ang mga tao ngayon sa bahay ko.

What the hell are they doing inside my house?!

"Good morning Myrttle!" ganadong bati ni Ethan Romsay pero inismiran ko lang ito.

Linzy loudly gigled. "I like red messy hair!"

"You're awake, finally," inip namang sabi ni Kiera.

Tss, sino ba kasi may sabing maghintay sila?

Lalo namang nag-init ang ulo ko nang tangkang hahawakan ni tanda ang paintings ko. Of course, this old fart are also here.

"Do not touch anything! Who told you to come here?" mabilis kong hawi sa kamay nito. Nandito ang lahat ng Rulers, maliban sa isdang iyon.

"Nice traits, Iha. You and your mother are really in common. " ngiti nitong puri sa'kin na agad kong sinimangutan.

Inaasar ba talaga ako nito?

"I don't freaking care!" sigaw ko pero ikinangiti niya lang. Ugh!

"They are here for you, Myrttle. Rulers must be seen going to school together," ngiti nito sa'kin na lubos ko na talagang ikinainis.

Walang buhay ko lang na tinitigan ang mga ito nang makita kong hinihintay nilang lahat ang pagsangayon ko. Bagay na binawi ko rin naman ng isang irap at umakyat na muli ng tuluyan sa'king kwarto.

Ilang oras akong nagayus sa pinakamabagal kong pagkilos. Matapos ang lahat ay bumaba na ako at dire-diretsong tinungo ang pinto. Plinano kong paasahin ang mga ito. Ang akala ba nila sasama ako sa kanila?! Dream on!

Mabilis na akong pumasok sa sasakyan ko't binuksan ang makina nito.

Sinubukan ni Landon na habulin ako pero pinagbuksan ko lang ito ng bintana.

"Ang akala ko ba sasabay ka na sa amin? " Hingal na hingal nitong tanong. Pero inirapan ko lang ito't sinamaan ng tingin.

"Why would I?"

Tuluyan ko nang minaniobra ang sasakya't umalis sa kanilang harapan.

Sinubukan kong tanawin si Landon sa Side Mirror. Pero ipinagtakha ko ang tila gulat na gulat nitong itsura, habang nakaturo sa'kin.

"Mga bwisit! Mga walang magawa! Mga walang kwentang nilalang"

Pagwawala ko habang nagmamaneho.

"Ang akala ba nila sasabayan ko sila sa kalokohan nila?! Never! I would rather eat broccoli kesa magpa-under sa isdang iyon!"

"Wait what?! Sinong isda?! " At talaga namang napaapak ako sa preno dahil sa boses na iyon sa likuran ko!

B-Blaise?!

"Fvck! Be careful!"

"Anong ginawa mo rito? Baba!"

Pinakamalakas kong sigaw na ikinatakip nito ng tenga.

Paano siyang nakapasok dito?! Paanong hindi ko siya makita?! At ano sa tingin niya ang ginagawa niya!

"Ano ba! H'wag ka ngang sumigaw! " Lakas pang angal ng makapal na mukhang ito.

Dahil sa gigil ay ako na mismo ang bumaba sa sasakyan para kaladkarin ito pababa. Pero hindi ko naman alam na mali ang desisyong iyon.

"Ayaw mong bumaba, ah! Ako magpapababa sa'yo!"

Marahas kong binuksan ang backseat na ikinaputla nito sa gulat. Ikinatuwa ko pa iyon dahil parang takot na takot siya sa'kin.

"Oh, anong gagawin mo?" nauutal nitong atras.

"Palalabasin ka!" Sigaw ko.

"Kung kaya mo!" Lakas nitong hamon at humalukipkip pa! Anak nang!

Marahas ko itong hinila sa braso. Maarte itong umangal sa pagkakalukot ng pula niyang polo. Pero hindi ako nagpatinag!

"Umalis ka na kasi!"

Dahil sa pagkaubos ng pasensya'y nagpumilit na akong pumasok sa backseat, pilit na inabot ang seatbelt at hindi pa inisip ang pwesto naming dalawa.

"O-oy! Anong gagawin mo?!" Pilit niya akong itinataboy pero hindi ako nagpatinag. Huli na nang maramdaman kong sobrang lapit ko na pala sa kaniya. Ikinagulat ko ang libo-libong bultahe ng kuryente dumaloy sa katawan ko sa hininga nito sa'king tainga. Bagay na agad ko rin namang ikinalingon sa kanya...

But that even make things worst.

Lubdub.

Isang hibla, isang hiblang buhok lang ang pagitan naming dalawa. Bagay na ikinalakas ng kabog ng aking dibdib at ikinalunod sa hindi ko mawaring pakiramdam.

Ilan pang sandali bago parehas na namilog ang aming mga mata. Gusto kong kumilos ng agaran para layuan si Blaise. Pero ni ang makagalaw ay hindi ko magawa! Wh-What the hell is happening to me?!

Until I realized one thing upon staring at those deep brown eyes...

I-Ive seen it before.

Ang mangilang pagkurap naming dalawa ang nakapagpabalik sa'kin sa ulirat. Bagay na agad kong sinunggaban para siya'y diring-diring layuan. Mabilis na akong sumakay at mas binilisan pa ang pagmamaneho.

I never allow him to talk. Ni ayokong alalahanin pang muli ang lahat! Ayoko, dahil panganib lang ang maidudulot ng pakiramdam na iyon.

And Damn it! Bakit sa kanya pa?!

Mabilis kaming nakarating sa University dahil sa nangyari. Pero katulad ko'y ni hindi ito makapagsalita.

"Baba," Pantay-tono kong utos.

Walang angal naman na itong bumaba, kaya punaandar ko lang muli ang makina ko.

Pero isang katok sa bintana ko ang agad kong ikinalingon. I slide it open as I narrowly looked at Blaise.

"Saan ka pupunta?" Inis na tanong nito.

"Hindi ako papasok!"

Hindi na kung 'yang pagmumukha mo lang rin ang nakikita!

"What?! Hindi pwede! Sumama ka na sa amin!" He yelled as if may utang na loon ako dito.

Like hell!

"Never." Tuluyan kong sarado at pinaharurot muli ang sasakyan.

Don't even think about it!

~ to be continued

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon