Chapter 11: [ Revelation ]

Magsimula sa umpisa
                                    

The way he smile are really insulting! May nakakatuwa ba sa nangyayari?

"Kagayang-kagaya mo siya, Iha," natatawang komento nito na hindi ko ikinatuwa.

"The twelve chairs and their crystals, symbolizes the twelve legendary rulers. They own those chairs. And you are seat-"

I cut him.

"Just go straight to the point Mr. Harrison!" utos ko.

Bastusan na kung bastusan! Wala akong pakialam.

Hanggang sa matigilan ako nang isang litrato ng babae ang mag flashed sa screen.

"You're Myldred Medinas' daughter, also known as, Aimi the Phoenix. She's the strongest, and she owned the chair you are seating after Blaise Father, Takashi. For she became the strongest member of the Rulers. "

Her eyes look so bright, the bright version of mine. Her red silky hair, that suits her as much as I do. Pero isang bagay ang ikinaguho ng husto ng lahat. When I saw the mark on her left cheek.

N-No....

Mr. Harrison was about to say something, pero tinalikuran ko ito at nagtungo na sa pintuan papalabas ng impyernong lugar na ito.

Ayoko... Ayokong marinig pa ang mga susunod na sasabihin niya.

"Hindi ako naniniwala sa'yo," bulong ko sa hangin bago ko ibalibag pasarado ang pinto.

Hindi, wala siyang alam. Mali ang lahat ng sinasabi niya. Ayoko... Ayoko pakinggan!

Ang marahan kong mga hakbang papalabas ng gusali'y tila ikinasisikip ng husto ng dibdib ko. Hindi ako makahinga! Ayoko na dito!

Hanggang ang marahan na paglakad ay naging patakbo. Pagtakbong kinaaugasan na ng mga luha sa pisngi ko.

W-Why am I crying.

At hindi ko na namalayan pang narating ko na ang golden Gate.

I want to go home.

Pinilit kong huwag ng alalahanin, pinilit kong kalimutan ang lahat ng narinig ko. Pero paulit-ulit itong umaatingaw sa utak ko.

Paulit-ulit, paulit-ulit na mas ikinadudurog ng puso ko.

No. That's not true. Lolo can't lie to me. He can't do this to me....never.

I was my way out of the University. Wala ng katao-tao dahil kalagitnaan ng klase. Pero napatigil ako nang maramdaman ko na namang may nakamasid akin. Sinubukan ko itong hanapin pero wala akong nakita kung hindi ang malawak na kawalan.

* * *

Nagising ako sa kalabit ni Nay Julie sa 'kin. "Iha gising ka na."

Pero hindi ako kumilos. Napuyat ako kakahanap sa pagkakakilanlan ng Aimi o Myldred na sinasabi ng matandang iyon. I even called Xander just to find her but nothing found. That's weird! May alas pa sana ako kung sinong pwede kong hingan ng tulong pero debale na. Ayokong ipatrabaho sa kanya ang bagay na ito.

"Iha, gumising ka na't may naghihintay sayo sa baba," dugtong pa ni Nay Julie.

"Nay," I frowned. "Ayoko pa gumising, mamaya na."

Ayokong pumasok, ayokong gumalaw. Dapat pala'y nasabi ko na kila Shenny kagabi na wala akong balak pumasok ngayon.

Ngunit napabalikwas ako ng maramdaman kong mag-vibrate ang phone sa ilalim ng unan ko.

"Hello,"

Ngunit isang tili ang bumungad sa'kin, "Myrttle hindi ka namin masusundo ni Xander ngayon ah? Paano na-late ako gumising kaya mauna ka na."

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon