Chapter 10: [Identity]

Start from the beginning
                                    

"Stop lying, Takashi, I saw you! You we're staring at Aimi's Photograph! Tell me! Nagkikita ba kayo?! Nagsasama pa rin ba kayo?! Matagal ninyo na ba akong niloloko?!"

Galit na galit si Mom noon, kitang-kita ko ang sakit sa mga mata nito. At hanggang ngayo'y ikinanghihina ko.

"Sagutin mo ang mga tanong, Takashi!"

"Do not call me Takashi, Naomi! I am Edward! Edward Blaire! And don't ever call me with that stupid name again! I'm not Takashi at sobrang nagsisisi ako na maging si Takashi!" tanging sagot ni Dad na hindi ko maintindihan.

Katulad ni Mom, sumasalamin sa mga mata nito kung gaano siya kagalit. I never seen my Dad got mad, he's jolly and always calm. Att hindi ko inasahang makita ito sa ganitong sitwasyon.

"Tatawagin kita sa pangalang gusto ko! Bakit, hindi ba't dapat maging masaya ka dahil iyan ang tawag sa 'yo ng kabit mo?!"

Kabit...

Salitang agad ikinaguho ng inakala kong perpektong mundo. He's having his mistress, pinagpalit kami ng pinakapaborito kong tao sa mundo.

Ngunit ang lungkot at hapdi na naramdaman ko nang araw na iyon ay tila ba napalitan ng galit nang makita ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Dad sa braso ng Mommy ko. Bagay na hindi ko inaasahang makita sa Daddy ko.

"Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako! Bakit masakit bang tanggapin na ang taong mahal mo ay kabit mo na lang ngayon?!"

Nanatili akong nanginginig na nakasilip sa siwang ng pintuan. Nakikinig, nasasaktan, at unti-unting nilalamon ng katotohanan.

"Huwag mong tatawaging kabit si Aimi, Naomi! Dahil alam mo kung sino talaga ang mahal ko!"

"Kabit mo sya, Takashi. Kabit mo si Aimi! Tandaan mong ako ang pinakasalan mo. Ako ang pinakasalan mo dahil ako ang mahal mo!"

Hanggang sa marinig ko bangungot na pumapaulit-ulit sa utak ko magpahanggang ngayon.

"Hindi kita mahal."

Salitang ikinadurog ng puso ko. Bagay na dahilan upang itapon ko ang isang plakeng nakuha ko dahil sa pagkakapanalo ko sa isang patimpalak noon. Araw na akala ko ay ikakasaya ko pero araw din palang makapagpapatigil sa ikot ng masayang mundong kinagihasnan ko.

Ngunit halos tumigil ang tibok ng puso ko sa malakas na sampal ni Mom kay Dad.

"Eh bakit mo ako pinakasalan kung hindi mo ako mahal? Imposible, Takashi! Imposible! May anak tayo! Tapos sasabihin mong hindi mo ako mahal?!"

I want to take my mom away from the pain he is giving her. But I don't know what to do that time. Wala akong nagawa para protektahan ang Mommy ko.

"Anak?! H'wag kang magsinungaling, Naomi. Alam ko na ang lahat! Ilang taon, Naomi. Ilang taong kang nagsinungaling sa'kin! Ilang taon akong nakulong sa'yo! Na hindi man lang pinaglaban ang babaeng pinakamamahal ko! Tapos ano? Malalaman ko ang lahat ng 'to? Tama na, Naomi! Alam ko na ang lahat."

Huling mga katagang ni hindi ko hanggang ngayon. Hindi ko maintindihan, at ayoko nang intindihan pa.

Iyon ang araw kung kailan nag-iba na ang pakikitungo sa'kin ni Mom. Its like I have a kind of virus na kada makikita niya'y nagagalit siya at nagpapakalasing. I never often seen Dad since then, bagay na pabor dahil sa sakit lang na naidudulot nito sa'kin. Alam ko rin naman kung nasaan siya. Nasa kabit niya. Sa taong higit pa sa amin ni Mom kaya nagawa niya kaming ipagpalit.

Dad is my everything when I was a kid. I never imagine na magagawa niya akong iwanan sa ere sa ganoong kasakit na paraan. Ang taong pinakasasandalan ko'y para na lang akong itinapon sa basurahan, para lang sa babaeng iyon.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now