Chapter 9: [ Unexpected Guest]

Start from the beginning
                                    

"Long time no see!" Gigil nitong gulo sa buhok nito.

I can't belive na nagawang i-brainwash ng Tandang Harrison na ito si Mr. Romsay para hikayating sumali sa kabaliwan niya.

Kapatid ni Ethan si Linzy Valdez sa ama, bagay na hindi ko naman kinakikitaan ng problema kahit lumaki si Linzy sa Mommy nito.

Kumpara kay Ethan ay maypagkasingkit ang mga mata ni Linzy. Their height are the same maging ang natural na mapulang labi nila. Ang nagsstand out lang dito ay ang sobra nitong kaputian, unlike my pale skin color.

"Please introduce yourself, ladies," utos ni Mr. Harrison sa kanila at umupo na sa upuan nitong nakapwesto sa harapan.

Naunang mag-react si Linzy nang mabilis nitong pagkaway.

"I am Linzy Valdez. Ethan's Sister. Eighteen years old." Ngiti nito sa amin pero hindi ko magawang hindi mapatingin kay Landon dahil sa tulala nitong ekspresyon kay Linzy.

Just what the hell is that face? Don't tell me...

Ngunit ikinagulat naming lahat nang agaw eksenang bumukas ang pinto at niluwa nito si Blaise. Kunot-noo siyang sinundan ng tingin ni Mr. Harrison, ngunit siya ay lulukso-lukso pang tumungo sa kanyang upuan.

Woah, mukhang good mood si itlog, ah!

Myrttle's Point of View

Mas mabigat pa sa angkla ng barko kong nilagay ang daan patungong Restricted Area. Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin magawang maging excited sa ka-corny-han ng mga tao rito.

Sinubukan ko namang hingin ang opinyon ni Shenny at Xander, pero badtrip! Magkaiba rin sila!

Xander is giving me many reason para hindi sumali, pero kinukontra iyong lahat ni Linzy.

Ang akala kong malaking tulong, wala rin pala!

"Where do you think you're going?"

Buong irita akong napalingon nang may magsalita sa likuran ko. At ngayon pa lang ay alam na alam ko nang masisira ang araw ko!

It was him again. Isdang nangigil na akong ihawin!

Di ko ginustong patulan ito kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"What the..."

What the-what the ka pa. Psh.

Thats right Myrttle, save your day! Act like you never seen that fish! Pero agad akong napaatras nang may humarang sa'king malaking lalake.

"ID." usal nito sa malaki niyong boses.

Teka, wala akong I.D.

Tsk! Eh, wala rin namang sinabi si Kiera na kailangan ng I.D!

"Miss Ki—"

Sasabihin ko na sanang si Kiera ang nagpapunta sa'kin nito nang maglabas ng isang Golden I.D ang katabi ko. And yes, nasa tabi ko na ang isdang ito. Bilis kumilos, palibhasa crush ako.

"Psh! Asa ka namang makapasok ka sa teritoryo ko," maangas nitong pagpaparinig kasama ang nakamot-yamot nitong ngisi.

Tanungin niya kaya muna kung may pakialam ako? Napaka-paepal! Gusto na niya kayang mamatay?

At hindi pa ito nakuntento! Walang pakundangan pa ako nitong binangga na ikinayanig ko ng husto.

Nak nang! Siya rin kaya 'yong bumangga sa'kin noong isang araw?! Tama! Ganyang-ganyan ang likod ng siraulong bumangga sa'kin!

Humanda ka talaga sa'king isda ka! Iihawin kita at ipapakain sa kauri mong isda!

If I know, janitor ka lang sa lugar na 'yan. I am sure about that.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now