43RD ROSE || Will You Take Me? (데려다줄래?)

22.8K 631 175
                                    

43RD ROSE || Will You Take Me? (데려다줄래?)

- THE ROSE WHO LOVES TO STORYTELL -

"Michelle, langga! Halika nga rito saglit!" agad namang binaba ni Michelle ang hawak na tray at direstong pumunta kay Mama Rona.

"Bakit po?" tanong ni Michelle nung makarating na s'ya sa counter.

"Mag-day off ka muna ngayon bby. May iuutos kasi ako sa'yo," sagot naman ni Mama Rona.

"Ano po iyon?"

Agad namang binigay ni Mama Rona ang notepad. "'Yan 'yung listahan ng mga kakailanganin natin sa bahay. Paubos na kasi ang naka-stock nating groceries tapos kailangan na rin nating bumili ng bagong kurtina para sa salon. Nandyan na ang sample picture ng kurtinang gusto ko dinikit ko na d'yan. Ikaw nalang ang bumili ah? Busing-busy itong tiyahin mong maganda sa salon kaya ikaw nalang ang gumora sa mall. Okay lang ba bby?"

Ngumiti naman si Michelle sa kanya. "Oo naman Mama Rona. Sige po gagawin ko na po ito."

Agad naman s'yang tumungo sa locker room at nagbihis. Dinala naman n'ya ang kanyang mini backpack dahil tutungo rin s'ya sa National Bookstore para bumili ng libro. Naka-red checkered polo s'ya, black jeans at nakasuot rin s'ya ng white converse shoes nung lumabas s'ya ng locker room. Nagpaalam naman s'ya kay Joy at Mama Rona bago tuluyang umalis ng restaurant.


Isang masayang buntong-hininga ang pinakawalan ni Michelle nung tinatali n'ya ang isang karton ng groceries at isang karton din ng kurtina sa pink and white na scooter ni Mama Rona. Marunong naman s'yang mag-drive niyon dahil 'yun ang gamit ng kanyang binabaeng tiyuhin kapag bumibili ito ng mga supplies. Tsaka eto talaga ang gagamitin n'ya dahil hindi kakayanin ng bisikleta n'ya ang pinapabili ni Mama Rona.

Kinuha n'ya ang helmet at sinimulang suotin iyon. Napatingin naman s'ya do'n sa lalaking naka-white polo at black slacks na may dalang maraming groceries na nakasunod sa kanya paglabas kanina—at mukhang puro snacks iyon at marahang nilagay sa compartment ng sasakyan. May lumabas ring lalaki sa nasabing puting kotse at tinulungan s'yang ayusin ang mga groceries sa compartment. Kumunot naman ang noo ni Michelle dahil mukhang pamilyar sa kanya ang lalaking kakalabas lang ng driver's seat.

"Gwaenchanseumnikka, jeolmeun ju-in? Na hante jom deo eumsiggwa gansig-eul saju gil wonhae?" tanong ng driver habang sinusundan ang amo n'ya na tumungo sa passenger seat. [TRANS: Is everything okay, young master? Do you want me to buy some additional food and snacks?]

Natigilan naman sa paglalakad ang lalaki at hinarap nito ang kanyang driver. "Deo amugeosdo. Naneun eumsiggwa seunag-eul wanjeonhi gu-ibhaetda. Urineun danji keikeu man pilyohae," sagot naman nito habang nakahawak ito sa sariling baba. [TRANS: No, nothing. I completely bought the food and snacks. We only need the cake.]

"Tric?" wala sa sarili n'yang nausal nung maaninag n'ya kung sino 'yung lalaking naka-white polo.

Napatingin naman sila pareho at napatitig naman sa kanya si Tric. Oh, that stare again.

"Sumastre?" kumunot naman ang noo ni Tric. "Why are you here?"

Bahagya namang tinuro ni Michelle ang dalawang karton na nakatali sa scooter. "Bumili ng supplies para sa bahay at salon ni Mama Rona," dumako naman ang tingin ni Michelle sa mga pinamili ni Tric. "Mukhang marami-rami kang pinamili ah? Para saan ba 'yan?"

"Umm..." nagdadalawang-isip si Tric na sagutin si Michelle ngunit nakapagdesisyon s'yang 'wag nalang sabihin sa dalaga kung saan n'ya dadalhin ang mga pagkain ngunit ang madaldal n'yang driver ay sinagot ang katanungan ni Michelle.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now