40TH ROSE || Timeline

Start from the beginning
                                    

Bahagya naman akong natawa. "Mang-i-istalk ka Joy?"

"Oo naman! Kaya dapat buksan mo 'yon mamaya."

"Oo na po~"

"Mukhang wala ng customer Michie, Julie. Mag-close na tayo? Inaantok na rin ako eh tsaka 9PM na," untag ni ate Joy sabay hikab. Sumang-ayon naman kaming dalawa ni Julie kaya agad naman kaming naglinis ng restaurant at sinara na iyon.


"Hay salamat~" nakangiting usal ko sabay higa sa aking kama. Sabi ng iba, ang pinakanakakapagod daw gawin sa mundo ay ang magtrabaho—kaya siguro ay maraming tamad. Pero ewan ko ba, ayokong matapos ang araw ko ng hindi nagtatrabaho at kapag nagtatrabaho ako, parang satisfied pa akong matulog sa gabi. Weird ba ang ganoong ugali?

Matutulog na sana ako nung bigla kong maalalang nangako pala ako kay ate Joy na bubuksan ko daw 'yung FB account ko. Kinapa ko naman ang side table dahil dun ko madalas nilalagay ang cellphone ko. Pagkakuha ko ay agad kong binuksan iyon at bumungad naman sa akin ang isang text message mula sa isang unknown number. Baka scam na naman ito na nanalo daw ako ng isang milyon. Prsh. Kung ganoon naman pala, sana na-claim ko na ang isang milyon na iyon at ibibigay kina Papang at Mamang at hindi na ako kailangang umalis ng Pagadian para lang mag-aral sa Maynila. Mga paasa talaga.

Kahit hindi ko feel buksan ang message ay binuksan ko na lamang iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kahit hindi ko feel buksan ang message ay binuksan ko na lamang iyon. Baka kasi importante.

 Baka kasi importante

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

From: +63***********

Hey, don't you dare take it off. I'll be watching you.


Kumunot naman ang noo ko matapos mabasa ang message. Agad naman akong nag-tipa ng reply.


Reply: Ha? Kinsa ka? Sino ka po?


Wala pang five seconds ay dumating na agad ang reply. Ang bilis naman ata mag-tipa ng isang 'to?


From: +63***********

Tric Marion Baek.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now