40TH ROSE || Timeline

20.7K 636 87
                                    

40TH ROSE || Timeline

- MICHELLE SUMASTRE -

"Eto na po ang order n'yong two grilled chicken leg with rice and with drinks," nakangiting untag ko sa customer matapos kong ihatid ang order nila. Pagkatapos nilang magpasalamat ay agad naman akong pumunta sa counter at binigay ang walang laman na tray kay Joy.

"Uy, mukhang good mood si Mars Michie ko ngayon ah? Ano'ng meron? Share naman~ dahil ba sa surprise party mo kagabi?" tanong agad ni Joy habang nagpupunas ng mga tray. Naikwento ko kasi sa kanya lahat dahil hindi pala s'ya umuwi sa bahay nila kagabi nung 'kidnapin' daw ako kuno ni Quia. Hinintay pa talaga n'ya akong umuwi. Hahaha. Kaloka 'tong si ate Joy.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Maliban do'n, masaya ako dahil tinawagan na rin ako sa wakas nina Mamang at Papang kagabi. Bumati sila ng happy birthday sa akin tas sinabi rin nila sa akin ang magandang balita."

"Ano naman ang good news na iyon?"

"May trabaho ng nakuha si Papang. Isa na s'ya sa delivery personnel ng JRS Express. Delivery boy or man or kung ano pang tawag sa kanila kumbaga. Hindi naman kalakihan ang sweldo pero laking pasasalamat ko rin sa Diyos at nakakuha na rin ng trabaho si Papang kaya hindi na s'ya makakapag-abroad. Si Mamang naman, nagsisimula na raw s'yang magnegosyo ng banana-cue, camote-cue at barbeque. Nakakatuwa nga eh kasi dininig ng Diyos ang panalangin ko na sana hindi mahirapan sina Mamang at Papang doon sa'min dahil wala ako do'n para tulungan sila," nakangiting tugon ko.

"Grabe, Mars. Ang bata-bata mo pa pero dinaig mo na ang auntie ko dahil mas matanda ka pang mag-isip sa kanya. At talagang kapakanan muna ng mga magulang mo bago ang sarili mo ang iniisip mo. Ikaw na talaga ang napakabait na anak," sabi ni Joy sabay lipat ng imaginary crown daw kuno n'ya sa ulo ko. "Sa'yo na talaga ang korona."

Natawa na lang ako sa komento n'ya. "Hindi naman. Natural lang talaga sa isang anak ang gustong mapabuti ang kalagayan ng kanyang pamilya habang malayo s'ya sa mga ito."

Umismid naman si Joy. "Hindi rin Mars. 'Yung ibang mga anak d'yan parang nasa langit na kapag wala na sila sa puder ng mga magulang nila kasi nagagawa na nila ang mga gusto nila kasi nga wala ang mga magulang nila, wala nang sasaway sa kanila."

"Magsisisi rin sila sa bandang huli dahil gano'n ang iniisip nila. Pero kahit gano'n, kung hindi na sila tanggap ng mga kaibigan nila at ng buong mundo, wala silang ibang matatakbuhan kundi ang mga magulang nila. Kasi, kahit pagbalik-baliktarin man nila ang buong mundo, walang hihigit pa sa pamilya na tanggap ang buong pagkatao n'ya at handang dumamay sa kanya kapag kinamuhian na s'ya ng buong mundo," sabi ko.

"Wow, hugot 'yun Mars ah? Ang lalim 'di ko abot!" natawa naman kaming pareho sa sinabi ni Joy.

Dagli naman akong natigilan nung biglang sumingit sa isip ko ang eksena sa pagitan nina Raven at ng kanyang ama na si Senador Delos Reyes.

Hindi ko rin maiwasang mapaisip kung bakit may ibang mga magulang na tila kinamumuhian ang kanilang mga anak? Ang sabi ni Mamang sa akin, ang mga anak ay isang regalo mula sa Diyos pero bakit gano'n? May mga nag-e-exist na mga magulang na parang ayaw nilang mabuhay ang kanilang mga anak at kung mabuhay man ay hindi nila ito kayang mahalin nang taos-puso. Hay...

"Oy Michie, bakit hindi ka pa nag-o-online?" tanong n'ya.

Kumunot naman ang noo ko. "Ha? Online? Saan?"

"Sa Facebook! 'Di ba binigay ko na sa'yo ang e-mail at password mo? Don't tell me, hindi mo pa binubuksan iyon?"

Napakamot naman ako ng ulo. "Oo... hindi ko pa nga nabubuksan iyon."

"Hay naku ikaw talaga. May wi-fi dito sa restaurant at sa bahay ni Mama Rona hindi ka naman nag-o-online? Buksan mo mamaya ang FB mo ah? Kailangan makita kong may profile picture at cover photo na iyon at dapat may post ka rin do'n. I'll be watching you," sabi n'ya.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now