Chapter 7: [ Mission Impossible]

Magsimula sa umpisa
                                    

Myrttle's Point of View

MABILIS KO naman nang natapos ang pagnanaliksik ko sa report ko mamaya. I was not able to study my report yesterday dahil sa importanteng lakad ko kahapon. I met an important person na nagbigay sa'kin ng mga impormasyong kailangan ko Quarterly. Its a kind of business I never want to be known by someone lalo na sa eskwelahang ito.

Naglakad-lakad muna ako para sana magpahangin, hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa garden ng school. Mapuno, napakaraming bulaklak na nakaayos batay sa mga uri at kulay nito. Na kinalulugdan rin ng mga table stone. A perfect place to relax, study, and to—

"Hon, ano ba? H'wag kang maharot. Baka may makakita sa'tin dito!"

Nagpantig ang tainga ko sa narinig kong iyon. Bagay na agad kong ikinatakbo para makalayo sa dalawang pusang naglalampungan doon.

As in seriously?!

Panira ng lugar!

Nang makalayo naman na ako sa lugar ay hindi ko na ito inalala pa. May kalakihan ang Hardin. Tinungo ko ang mataas na bahagi ng hardin kung saan walang tao.

Hanggang sa mapangiti akong muli nang sumalubong sa'kin roon ang kabuuang tanawin ng University.

Hindi ko maitatanggi ang kagandahang mayroon ang paaralan. The buildings of every courses. The technology and the facility are the best among all those shit schools na tinakasan ko dati.

Pero mas ikinakinang ng mga mata ko nang makakita ako sa baba ng burol—kung nasaan ako— ng isang artificial na lawa at dahil sa linaw nito'y kitang-kita ko ang napakaraming isdang nakatira roon. Mabilis akong nakababa at nagtungo sa nagiisang may karikitang tulay na kahoy rito.

Pinagmasdan ko ang ibat-ibang uri ng isda sa lawa. Hanggang sa isang isda roon ang tila ikinainit ng ulo kong bigla. Tila ba walang gana itong nakatingin sa'kin na sadyang napakapamilyar.

Shit, Its crazy, pero nakikita ko sa isdang ito si Blaise.

Dahil sa inis ay sinamaan ko ng tingin ang isda para patulan ang hamon nitong titigan.

Eh, kung Ihawin kaya kita riyan?

"Alam mo, ang astig mo. First time lang may lumaban kay Blaise ng gano'n."

Napalingon naman ako nang isang lalaki ang bigla na lang sumulpot sa kabilang dulo ng tulay.

We are both alone in this spot kaya nakumpirma kong ako nga kinakausap nito.

Pero imbis na saguti'y walang gana ko lang itong iniwasan ng tingin at makipagtitigan muli sa isda.

Ramdam ko ang marahan nitong paglapit sa'kin na hindi ko na ikinaalerto pa. I can deal with this weaklings kung sakali.

"Blaise Harrison Blaire, the one who lead the new rulers for this University. Ginagalang ng lahat. At oo, siya ang batas sa school na ito. Kaya walang naglalakas-loob na kalabanin siya. Pero ikaw? Ang astig mo," manghang saad nito pero hindi ako nagpakita ng kahit anong interes.

Ano namang dahilan niya at sinasabi niya ngayon sa'kin ang tungkol sa isdang 'yon?

May pakialam ba ako?

Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga kasamahan ni Isda. Iyong nakasumbrerong natawa sa pagpapahiya ko sa may saltik na lalaking iyon.

"Anyway, I'm Landon Ace. One of the rulers, and I am here to recruit you to be one of us." He offered his hand with his deep genuine smile but I just stare at him without even thinking to accept it. Dahilan para mapangiwi ito sa'kin.

Sa kabilang banda'y hindi ko maiwasang hindi maiintriga sa sinasabi nitong Harrison Rulers na matagal ko nang naririg. Puwede naman sigurong magtanong, 'di ba?

"Harrison University Rulers. Who are they? What's their role" kaswal kong tanong. I saw how her face light up at tinitigan rin ang isdang kahawig ni Blaise.

"We, the Harrison University Rulers are the chosen student to rule the University. Bukod sa student council, nagpasya si Mr. Jackson Harrison—the University owner—na gumawa pa ng isang grupong hahawak sa buong school sa lahat ng aspetong mayro'n ito. Pamamalakad, pagkontrol, pagsasaayos ng school at maging ang pagprotekta rito. "

A higher form of Student council? Boring.

"In short, their dominant decision are more powerful than the CEO suggestion."

What he is saying is quite not bad, but there is something I want to asked him that keeps on bugging me all this time.

"That fountain? Those statues of personalities. Who are they?"

That kind of memorabilia must be something.

Nakita ko ang pagkagulat nito sa tanong ko. Bagay na agad ko ng isinawalang bahala kasama ang kasagutan doon.

Bakit ko ba kasi natanong pa? Why do I keep on fantasizing that woman with a bow and arrow?

But if this guy keeps on telling me about the rulers of this school. Hindi kaya...

"Are they the Rulers who's protecting this place?"

They must be, with those kind of weapons, they should be! Ugh. Nakakainis natanong ko pa rin.

I was about to pull back my question when he finally spoke as he blinked his eyes.

"Y-yes, they are the Legendary Rulers of Harrison University. But that was twenty years ago. Matagal na silang nabuwag at nagkawatak-watak."

Legendary. Why do they need to call them legendary and made such kind of memorabilia just for them? Para pagpantasyahan? Pakulo ng paaralan? No. Alam kong may dahilan kung bakit.

"What happened to them?" I asked for more, but instead of answering me, nakigaya lang itong tumitig sa artipisyal na lawa kagaya ko.

"No one knows what happen to twenty-years ago."

And thats it, this guy disappoints me. But I can tell how those eyes of him became sharp and grey.

"You're one of the rulers. You should know everything." I spoke as I made my way out.

I heard him screaming my name. But I just stopped and wave my hands.

"I'm sorry, but I don't want to be part of your team. Anyways...Nice try." pagpapatuloy ko sa pag-alis ko.

Kasabay ng paglingon ko sa gawi kung saan alam kong may nakamasid sa amin. And there was it, Ethan and the emotionless girl.

Legendary Rulers huh?

Why? Why do the Legendary Rulers must protect this university with those kind of weapons?

Ganoon ba kalala ang nangyari bago sila magkawatak-watak?

~ TO BE CONTINUED

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon