29TH ROSE || Hernandez's Challenge to Baek

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagpahuli ako kina Quia na pumunta sa classroom dahil dadaan pa ako sa faculty office para ibigay sa teacher namin sa English ang book reports namin. Pagkatapos kong maibigay ay nag-usap kami ng kaunti bago umalis sa opisina nila.

Tahimik akong naglalakad sa lobby nung mapansin kong may nakasilip na babae sa music room at mukhang may kumakanta rin sa loob. At dahil sagana ako sa vitamin curiosity sa katawan ay agad akong lumapit doon para sumilip rin. Hindi ko rin masyadong maaninag sa loob kasi nakabara sa paningin ko ang babae.

"Ano'ng meron?" tanong ko sa kanya.

Naramdaman kong napa-igtad s'ya at agad na napatingin sa akin na parang gulat na gulat.

Bahagya naman akong kumurap. "May problema ba?"

Nagpapanic s'yang tumingin sa paligid at sinenyasan ako na tumahimik. "Shh!"

"Eh?" agad naman s'yang umalis sa kinatatayuan ko. "Oy, sa'n ka pupunta?"

"O, class pres ikaw pala!" napalingon naman ako kay Errol na nakadukwang sa pintuan mula sa loob. "What brings you here and... sino'ng kausap mo?"

"Ha?" napatingin ako sa papalayong bulto ng babae at lumipat naman ang tingin ko kay Errol. "Wala. Wala naman."

Ngumiti naman nang malapad si Errol. "Come inside. Tyrone's jamming with us," hindi pa man n'ya naririnig ang sagot ko ay agad n'ya akong hinila sa loob at bumungad sa akin si Tyrone na nakaupo sa malaking soundbox at may hawak s'yang gitara at kasama rin nila sina Nolan at Price. Si Nolan ay nakatayo at si Price naman ay nakaupo sa upuan. Pormang sumasayaw ng kung ano si Nolan. Lihim akong napangiti. Sabi ko na nga ba magkakasundo 'tong mga 'to lalo na si Nolan at Errol.

"Hey, class pres! You're here!" masayang bati ni Price sa akin.

"And oh! You're here too, Tric!" napalingon naman agad ako sa likod ko pagkasabi ni Tyrone no'n at naroon nga si Tric, hawak ang doorknob at kakapasok lang n'ya. As usual, may overcoat parin ang isang 'to. Seryoso, hindi ba s'ya naiinitan? Wala siya giigang?

"What brings you here, Tric and class pres?" tanong ni Tyrone.

"I just heard something that's why I came inside and good thing I saw Errol here. I just wanna talk to him too about my investment and merging my agency in his agency," sabi n'ya. Oh. Investment. Merging. Edi s'ya na bilyonaryo sa edad na 18.

"Ako naman..." actually may nakita akong nakasilip rito kaya lumapit ako tas hinila ako ni Errol papasok dito. Wala naman sana akong balak pumasok dito eh ayaw lang akong pakinggan ni Errol. "May narinig rin akong kumakanta. Akala ko audio lang. Ikaw pala."

Tyrone chuckled. "Am I that good? Yeah, right. I'm always a good singer."

"Stop being boastful, Meodoza," sabi ni Tric. "That's not the right attitude of a celebrity."

Natawa naman si Tyrone. "And stop being grumpy too, Baek."

Tinawanan naman sila nina Price, Errol at Nolan dahil nagkasagutan sila. Ang wi-weird.

"I'm not grumpy," agad namang hinarap ni Tric si Errol at may binigay s'yang folder. "That's the fifth contract that I forgot to bring last night during our business meeting. Please sign it. I'm in a hurry."

Kinuha naman ni Errol ang folder at sign pen na hawak ni Tric. "You're going back to Korea?"

"Just for tonight," sagot n'ya.

"Give it a rest, man. Maaga kang tatanda n'yan eh," sabi ni Tyrone.

Tric shrugged as an answer. Hindi ko maiwasang hindi maawa sa sitwasyon n'ya. Grabe naman ang mga magulang n'ya. Didn't they realize that he's just a freaking 18-year old Grade 12 student for Pete's sake?

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon