29TH ROSE || Hernandez's Challenge to Baek

Start from the beginning
                                    

"Sure, take care," ngumiti ulit ako sa kanya at kumaway. Elle ang tawag n'ya sa akin kasi pangit daw pakinggan kung P'Mich ang sasabihin n'ya. Ang choosy lang 'di ba pero sosyal rin naman pakinggan ang Elle. Hahaha.


Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Sana ay dumiretso naman ako sa locker room para kunin ang notebook ko. Saktong pagkasarado ko ng locker ko ay bumungad sa akin ang isang pink na box kaya napatingin ako sa may hawak nito. Bumungad sa akin si Kai.

"Here," he said in a low-tone.

Napatingin ako sa box at sa kanya ulit. May bahid parin ng pagkairita ang nararamdaman ko dahil naalala ko ulit ang ginawa n'ya sa schoolmate namin at sa mga sinabi n'ya. "Ano 'yan?"

"It's a cupcake from France. I bought it after my business venture with my dad there."

"B-Bakit mo binibigay sa akin 'yan?" tanong ko agad sa kanya.

Bumuntong-hining s'ya. "It's an apology gift for what I did last time. I mean, for what I said last time. I know it's already below the belt so I wanna apologize. I hope you'll forgive me.

Lumamlam naman ang tingin ko sa kanya. Agad ko naman s'yang hinarap. "Hindi dapat ako ang binibigyan mo ng ganyan kasi hindi naman ako 'yung pinagsalitaan mo ng masasakit na salita at hindi naman ako 'yung hiniwalayan mo. Dapat do'n mo 'yan ibigay sa schoolmate natin na ex-girlfriend mo—ah, ex-fling pala."

"I already reserved another box for her. I'll talk to her later. But first," inaabot n'ya parin sa akin ang box. "Please accept this apology gift of mine."

Bahagya naman s'yang napairap naman s'ya sa hangin. "As if naman matitiis ko 'yang puppy eyes mo," kinuha ko naman mula sa kanya ang box. "Tatanggapin ko na. Grasya rin 'to eh."

He chuckled. "So, that means, apology accepted?"

"Mukha ka naman kasing sincere eh kaya oo. Apology accepted. Pero kapag ginawa mo na naman 'yung pananakit mo sa kapwa, hindi na talaga kita papatawarin."

Agad naman n'yang inangat ang kanyang kamay na parang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas. "I promise."

Mangiti-ngiti akong umiling habang nakatingin sa kanya. "Tara na nga. Malelate na tayo sa 3rd subject natin eh."

Ngumiti naman s'ya ng malapad sa akin. "Sure!"

Lumabas naman kaming dalawa sa locker room at naglakad pabalik sa classroom ng sabay.

"Akala ko hindi mo tatanggaping nagkamali ka do'n sa ginawa mo."

"I'm a human, class pres. I have my conscience."

"Aba? Himala? May konsensya ka pala?"

"Stop teasing me, class pres."

"Si Kaizzer nagpapaka-mature na."

"Matagal na akong mature. Alam na alam ko na nga ang mature contents sa mundo eh."

"Manyak ka talaga. Puro kamunduhan 'yang nasa isip mo."

"Masyado akong gwapo para maging manyak."

"Lakas ng ipo-ipo oh?"

"Saan?"

"Katabi ko. Signal #5."


Natapos ang klase namin sa pagbibigay ng pointers at study guide sa amin para pag-aralan sa darating na examination. Masaya rin naman ang lunch break namin dahil kasabayan kong kumain sina Quia, Chantal, Honey at Lorelie. Hindi naman namin matatawag ang isa't isa na magkaibigan pero komportable naman kaming kasama ang isa't isa.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now