24TH ROSE || Paintball

22.1K 681 40
                                    

24TH ROSE || Paintball

- MICHELLE SUMASTRE -

Isang nakakabulabog na ingay mula sa kinakalampag na kaserola, kampana o kung ano pa man ang nakapagpagising sa akin. Agad naman akong naupo sa higaan habang si Quia na nasa kaliwa ko ay nag-inat habang nakahiga at si Chantal naman ay dinantayan ang hotdog pillow na akap-akap n'ya habang naka-plug ang headphones n'ya sa tenga n'ya.

"Gumising na kayo, pinapatawag na tayo."

"I'm still sleepy," reklamo ni Chantal.

"Give me 5 minutes," dagdag pa ni Quia.

Magsasalita pa sana ako pero agad ko namang narinig ang boses ni Mrs. Alfanta, adviser ng Grade 11-1 sa megaphone. "Requesting all the students to please gather yourselves at the center of this camp site right now. Any minute from now, we will start our first activity for today. Again, requesting all the students to please gather yourselves at the center of this camp site right now. Any minute from now, we will start our first activity for today. The late comers will be punished and I know that you don't want that to happen so please gather yourselves at the center of this camp site right now."

"Halina kayo, lumabas na tayo," sabi ko sa kanilang dalawa sabay tapik sa kanila. Ako kasi ang nasa gitna kaya nakakaharap ko sila ng sabay.

"Ugh, Mrs. Alfanta again. She is such a blackmailer. Dimwit," sabi ni Chantal sabay bangon at tanggal ng headphones n'ya sa kanyang tenga.

Bumangon naman si Quia at nag-inat. Nung maayos na namin ang mga sarili namin ay agad na kaming lumabas sa aming tent at pumunta sa gitnang bahagi ng campsite.

Nang makalabas na kaming lahat ay nag-agahan muna kami. As usual, nakisabay sa amin ang grupo ni Riel kasama sina Hans, Ryuuji at Tyrone. Pagkatapos naming kumain ay agad na nag-umpisa ang opening ceremony ng camp. May orientation at instruction ring sinabi ang faculty para malaman namin ang mga activities sa araw na ito. Ang first activity daw ngayon ay laro.

At ang larong 'yon?


"Attention!" agad naman kaming napaayos ng tindig at pormal na hinawakan ang mga dala naming pekeng baril. Kaharap ko ngayon ang sampung representative ng Grade 11 mula sa Class 1, 2, 3, 4, 5, 6 at 7. Kasama ko rin ang iba pang nasa Grade 12. At dahil medyo maaarte ang nasa klase namin, ang kasama kong maglaro ay sina Kai, Raven, France at Tric. Oh, 'di ba? Masaya? Sa lahat ba naman ng kasama, si Tric pa. Hindi ba pwedeng si Mark nalang?! Ang torture naman ng ganito!

"Class prez, ayos ka lang? Para kang natatae d'yan sa itsura mo eh," Kai snorted.

Inirapan ko lang s'ya. "Isa pang dada Kai, tatamaan ka talaga sa'kin."

"Ang team na may pinakamaraming matitirang miyembro, ang s'yang panalo," sabi nung nag-conduct ng laro na naka-soldier fatigue uniform. Kami rin ay ganoon ang suot. May color coded vest lang kami. Grade 12, naka-pula. Grade 11, naka-asul.

"We have two rules in this game. Rule number 1, shoot your opponent with paintballs to eliminate them and rule number 2 get the yellow flag and pass it to your squad leader. If you did it, your team will be the winner," tama. Paintball shooting daw ang laro namin. Kailangan tamaan namin ang kalaban namin bago pa nila kami mapatay. Survival game kumbaga. Parang sa sundalo lang. Pero ang twist, hindi ka tatanghaling panalo kahit naubos mo na ang kalaban mo kung hindi mo maibibigay ang yellow flag sa squad leader na sa kasamaang palad ay ako pa ang pinili nila. Pungeks naman o?

"Like this?" sabi nung taga-Grade 11 sabay paputok ng baril n'ya sa kasama namin na ngayon ay gulat na gulat nung makita n'ya ang paint sa vest n'ya. Hinipan naman nung babae ang bibig ng baril n'ya na kunwari nasa action movies habang 'yung schoolmate namin ay nanggagalait sa sobrang galit.

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon