History

4.9K 87 15
                                    

Ang bigat sa pakiramdam.

Ang lungkot.

Ang lamig.

Anim na taon.

Anim na taon na silang magkaibigan. 

Anim na taon na silang magkasama sa iisang team. Ngunit iyon ay magwawakas na bukas.

"Sigurado ka na  ba?" tanong ni Ara sa babaeng katabi nito sa kama.

Nakahiga lang sila sa kama ni Mika. Magkatabi. Kanilang mga balikat at kamay lamang nagtatama.

"Oo," sagot ni Mika. "Ayaw mo ba?"

"Alam mo naman ang sagot ko diyan, eh."

"Alam ko. Pero gusto ko pa ring marinig."

"Ayaw ko," sagot ni Ara at bumaling ng tingin kay Mika.

Ngumiti si Mika sa kaniya. "Salamat."

"Pero bakit lilipat ka pa rin sa Petron?" may hinanakit na tanong ni Ara.

"Daks, para nga sa professional growth ko as a player diba?" baling rin ni Mika kay Ara na nakakunot ang noo.

"Magaling si Coach Ramil."

"Pero kailangan kong matuto sa iba."

"Hindi na tayo magiging teammates."

"Pero nasa Petron naman si Bang. Palagi pa rin tayong magkikita."

"Iba pa rin 'yun," sabi ni Ara na napaupo na. "Hindi na tayo magkasama sa practice. Hindi na tayo ang magkapartner sa warm ups. Wala ng Best Tandem sa court."

Umupo na rin si Mika at yumakap kay Ara.

"Mamimiss din kita, Daks," bulong nito.

Yumakap din si Ara kay Mika. Mahigpit. Parang iyon na ang huling beses.

"Hindi man tayo teammates pero best friends pa rin tayo," alo ni Mika. "Sa dami nating pinagdaanan, ito pa ba ang di natin kakayanin?"

Nagbuntong-hininga na lang si Ara at isinubsob ang mukha niya kay Mika habang iniisip lahat ng pinagdaanan nila.

-

"Daks!" Excited niyang sigaw sa phone. "Kami na ni Bang! Sinagot na niya ako!"

"Wow! Congratulations, Daks! Pa-burger ka naman!" Masaya ring bati sa kaniya ni Mika sa kabilang linya.

Tumawa siya. "Sige na! Sige na! Ang takaw mo! Date mo ako bukas ng gabi, ah!"

"Yes, libre! Excited na ako! Pero magpaalam ka kay Bang, ah! Hindi ka na single," asar ni Mika sa kaniya.

"Psh. Ano ako? Under?"

"Tingnan natin," hamon pa rin ni Mika na nang-aasar.

"Ako pa?" Mayabang niyang sagot. "Pero bye na muna, Daks. Love you."

"Bye. Love you."

Ever since naman kasi sweet and clingy sila ni Mika at walang palya ang I love you's nila sa isa't isa kasi wala namang malisya. Mahal lang talaga nila ang isa't isa as best friends.

Nainterpreta lang ng ibang tao sa maling paraan kaya kinailangan nilang mas gawing pribado ang ganoon nilang mga kilos at salita.

Hindi niya inakala na maski si Bang ay maapektuhan niyon kaya isang gabi makalipas ang isang buwan mahigit ay nag-inom siya kasama si Kim.

"Ano 'to?!" bulyaw ni Mika mula sa pinto ng dorm room nila na ikinagulat nila parehas ni Kim.

Kakabalik lang ni Mika mula sa date nila ni Jessey.

Volleybelles One-shotsWhere stories live. Discover now