Para Sayo

5.9K 94 34
                                    

Justamels! Ayan na naman siya sa pagpapacute niya, di naman cute! Char.

"Beh, please. Let's go on a date!" sabi ni Bea habang sumasayaw ng bahagya.

"Ayoko," sagot ko naman.

Bahala siya diyan.

"Whyyyyyy?" Bea pouted and whined.

Pinanlisikan ko nga ng mata! Aba! Ang lakas ng loob magtanong kung bakit lagi kong tinatanggihan ang pagyaya yaya niya ng date sakin eh kanina lang ang sweet sweet niya kay Jia at Maddie. Hampasin ko siya eh!

Pero dahil hindi pa naman ako ganoon ka-brutal ay inirapan ko na lang siya at tinalikuran.

Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa braso ko at tinitigan ko na siya ng masama.

"Jho, seriously. I'm courting you but why do you always reject my invites?"

"Courting ka diyan?! Tigilan mo nga ako, Bea! Hindi mo ako malalandi!"

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ay tuluyan ng lumabas ng gym.

Oo. Nanliligaw daw siya. Self-proclaimed, beh! Walang pakialam kung gusto ko o ayaw ko. Kainis!

Tinatanong niyo ba kung wala talaga siyang pag-asa? Wala! Pa. Ayoko sa playgirl! Gusto ko ba siya? Gusto sana kung di lang talaga siya babaera! Leche!

Bakit ako sasama sa kaniya maglunch eh diba kaninang umaga lang si Jia ang ipinagluto niya ng breakfast, ipinaghanda, at at tinulungan magligpit?

Bakit ako sasabay sa kaniya sa kotse niya eh diba kanina si Maddie ang pinagbubuksan niya ng pinto at inaalalayan na sumakay at bumaba doon?

Ewan ko sa kaniya. Wapakels ako sa mga di ako kayang serysohin. Bahala siya. Paki ko kung Bea de Leon siya at ang gandang gwapo niya? At hot? At nakakamatay tumingin? At nakakakilig? Eh nakakainis pa rin siya! Basta!

Ilang araw pa rin ako kinulit ni Bea at mind you, hindi siya madaling iwasan dahil rommates kami pero deadma talaga siya kapag kinukulit niya ako pero alam kong kakagaling lang niyang humarot sa iba.

Nagulat na lang ako isang gabi na umuwi siya na akay-akay ni Jia at mukhang lasing na lasing.

Actually, inaantay ko talaga siya kasi oo na, nag-aalala pa rin naman ako. Kaya tulog na ang iba noong dumating sila sa dorm.

Pagkakita niya sa akin ay bigla siyang nagpilit umayos ng tayo at bahagyang itinulak si Jia.

"Juju, ang kulit mo! Sabi ko naman sayo si Jho lang ang gusto ko!"

Parehas namang nanlaki ang mata namin ni Jia pero si Jia ay binatukan siya pagkatapos.

"Gaga! Sinabi ko na nga sayo na pinagseselosan lang kami ni Jho, ganiyan pa igaganti mo. Galing!"

"Jia!" bigla ko namang sigaw noong narinig ko ang sinabi niya.

"Oops. Sorry na, Jhow-jhow! Ayaw ko lang kasi laging maglasing itong isang 'to. Sige, ikaw na bahala sa kaniya!"

At tinakbuhan na nga kami ni Jia pabalik sa kwarto niya. Naihilamos ko na lang ang mga palad ko sa mukha ko.

Pagtingin ko naman kay Bea ay nakatayo lang ito na parang naghihintay masintensyahan kahit halos matumba na siya sa kalasingan.

Napabuntong-hininga na lang ako bago lumapit sa kaniya. Inakay ko siya papunta sa kwarto namin at nakita ko naman ang ngiti sa mga labi niya. Pasalamat siya mabait ako ngayon.

Ihiniga ko siya sa kama niya at kumuha muna ako ng pangpalit niya ng damit. Ang baho kaya niya. Amoy alak. Although naaamoy pa rin naman 'yung mabango niyang amoy. 'Yung amoy Bea de Leon.

Volleybelles One-shotsWhere stories live. Discover now