Walang iba, kung hindi ang isda sa lungsod. Si Blaise Harrison Blaire. Na soon to be Blaise Harrison Rodriguez na.

"Sino bang may sabi sayong sunduin ako dito?! Alis!" sigaw ko dito kasabay nang pagtulak ko sa dibdib niya.

Nakakairita na rin ang lalaking ito kung minsan. Madalas siyang magsabi ng kung ano-ano kada kasama niya ako. And I won't let that happen in here. Not here, lalo na't nandito si Tita Miesha at Mom.

"Daddy oh!" sumbong nito at nagulat ako nang bigla ngang pumasok si Dad sa pinto.

'Nak ng! 'Yung back-up niya,  nandito!

"Anak, sinusundo ka lang naman ni Blaise, hayaan mo na," mahinahon nitong sang-ayon sa mokong na 'to.
Ugh! Okay fine.

"'Eh- I mean, mauna ka na doon sa venue kasama si Dad. Sipain kita 'eh, iniwan mo nanaman si Tito Gill!" Akma ko ditong suntok pero nginusuan lang ako nito. Bagay na hindi ko matiis dahil sa hindi maipaliwanag na saya ko kada makikita ko ang gestures niyang iyon.
Ugh. Stop it Myrttle.

"'Eh, nagpaalam naman ako. Tyaka isasama ko rin kasi si Mom at Celine," angal nito na inirapan ko lang ulit.

Maayos na rin ang pamilya ni Blaise ngayon. At isa rin iyon sa ikinapapasalamat ko. Mahirap ang naging sitwasyon ng isdang ito sa mga kanaraan na mga taon. Kung ako walang nakagihasnang magulang ay nasaktan sa pagkakaalam na iniwan kami ng aming ina. Mas hamak na masakit naman ang mabuhay sa kasinungalingan, gaya nga nang bukang bibig nito dati.

But being in love by this creature makes me suffer most for seeing him in pain. So I do my best to make him understand things. And it tooks him tree damn years to understand the situation.

Pero masaya ako, dahil sa wakas ay buo na ang ngiti ng taong mahal ko.

"Speaking of Celine! Sa amin siya ngayon ah!" bulyaw ko dito na kinakunutan niya lang ng noo.

"Hoy! Sa akin si Celine ngayon! Remember, may tig-tatlong araw tayo kay Celine!? Kapatid ko din siya! " Angal nito na ikinausok lang ng ilong ko.

"Mas kapatid ko siya! Ang panget mo kasi!" ganti ko dito.

Rinig ko ang tawanan nila Dad at Tita pero nanatili akong nakipagtalo sa swapang na ito.

At oo, kapatid ko si Celine Harrison Blaire. It's so good to have a sister like her. But unlike Blaise. Mas matagal matanggap ni Celine ang lahat. Masyadong nasaktan si Celine kaya naman ang masayahing Celine na kilala ko ay naglaho na. But we are trying our best to bring back her smile again.

"Anong panget? Mas-" tumigil ito at ngumiti. Kaya naman kumuha agad ako ng palihim ng prutas sa likuran kong may lamesa.

"Mas maganda k-"

Boom! Binato ko ang mansanas sa kanyang bibig na sumakto naman sa bibig nito.

Mabilis naman nitong naalis ang mansanas na ikinaluha pa ng mata niya. "Badtrip naman Tel-tel eh." angal nito na ikinatawa ko lang ng tahimik.

Sayang mukha pa naman siyang litsong isda.

"Pero totoo ba? May boyfriend na si Celine? Again?" Intriga kong tanong sa lalaking ito at nagulat ako nang sumeryoso ang mukha nitong napakagwapo. Ewan ko ba, may kalakihan na ang katawan ngayon ni Blaise. Mag stress exercise siya. Kung ang babae, kumakain kapag stress. Si Blaise namamalagi sa Gym kada totopakin siya.

"Oo Myrttle. Parker ang pangalan. Nagpunta ang nilalang na iyon sa bahay  nung isang araw. Ugh! Nakakairita ang ngiti niya," angal nito na nginitian ko lang.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now