Chapter 70: [Glance]

Start from the beginning
                                    

My life really sucks! Ngayon maging ang buhay ng inosenteng mga kaibigan kong ito ay nadamay..

Pero... Hindi ko na kaya pang mawalan ng isa. This man should cure Alex! Dahil ayoko na... Hindi ko na kakayanin kung maging si Alex ay kuhain sakin..

Hinayaan ko lang na humagulgol sa bisig ko ang aking kaibigan at napatingin nalang kay Alex na kasalukuyan pang ginagamot. May tama ng baril si Alex at nalagyan na ito ng paunang lunas ngunit hindi ito naging sapat kaya wala parin itong malay hanggang ngayon..

Samantala ay napatingin narin ako sa lalaking gumagamot sa kaibigan ko. At hindi ko sinasadyang makita ang pangalan nito sa uniporme niya.

His name is a d*mn like him...

"So you are Private Gunther Momither huh? " Walang emosyon kong tanong dito na ikinatingin niya saakin.

Seryoso nitong ginagamot ang kaibigan ko na hindi ko naman maitatangging gusto niya ang ginagawa niya. Dahil ng makita niya si Alex ay tila ba naunawaan na nito ang kanyang dapat gawin sa lala ng natamo ng kaibigan ko.

Nevertheless, he still f*ck.

At napaguhit nalang ang isang mapait na ngiti sa labi ko ng makaisip na ako ng paraan upang maparusahan siya sa pagtanggi sa akin.

"Thank you for curing my friend Private Gunther... I'll make sure na makakarating ang lahat ng ito sa kambal ko. " Deretyo kong sabi dito na ikinangiwi niya.

"K-kambal? S-sh*t sinasabi ko na nga ba. " Napapailing nitong bulong sa kanyang sarili na nadidinig ko pa.

* * * * *

Nang magamot na ang binatang si Alexander ni Private Gunther ay isinama na ito sa helicopter na maglululan ng mga malulubhang estudyante na dadalhin nila sa pinakamalapit na ospital. Naiwan narin si Myrttle sa lugar at minabuti naring samahan ni Shenny ang binata dahil alam niyang mas safe ang makalabas na sa impyernong lugar na iyon.

Samantala ay nagsimula namang ulit si Myrttle hanapin ang kambal niya ng makarinig siya ng isang pamilyar na boses sa kanyang paligid.

"Hindi na namin alam kung saan siya nagpunta. Kumaripas na siya ng takbo ng makita kayong paparating at ngayon ay hinahanap ko parin siya. " Wika ng binatang si Blaise sa kausap niya at si Myrttle ay napaluha nalang nang mapagtanto nito kung sino ang kausap ng binatang si Blaise.

"Ugh! Bakit kasi hindi mo sinundan! I told you before I left na alagaan mo ang kambal ko! Pero ngayon nasaan siya?! Pinabayaan mo siya!! " Punong puno ng prustasyong sabunot ni Myrko sa buhok niya habang sinasabi ito kay Blaise ngunit napalingon ang lahat ng biglang tawagin ni Ethan si Myrttle galing sa isang dereksyon.

"Ate Myrttle! " Hiyaw ni Ethan kaya mapalingon ang lahat sa dereksyong iyon.

Hindi na nagawa ng dalaga ang mga luhang kanyang pinipigilan kanina pa. Mga luha ng paghihinagpis, pangungulila at pagdurusa.

Patakbong tinungo ng dalaga ang kanyang kambal at halos mapatumba silang dalawa dahil sa higpit at nanginginig na yakap ni Myrttle dito..

Para namang nabasag ang puso ng lahat sa senaryong kanilang nakikita dahil sa kauna unahang pagkakataon ay nakita nilang ganito ang kanilang kaibigan.

Ni hindi nila matignan si Myrttle, bakas man sa kanila ang pagiisip na may magagawa sana ang dalaga upang mapigilan ang aksidente kanina ay natauhan na ang mga ito kung gaano kasakit sa kanilang kaibigan ang nangyari.

"M-myrko ayoko na dito, gusto ko ng umuwi. Ayoko na. " Paulit ulit na hagulgol ng nagtilang musmos na dalaga. Halos sumikip naman ang dibdib ni Myrko sa inaasta ng kapatid.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now