Chapter 70: [Glance]

Start from the beginning
                                    

Duguan si Alex at may lapat lang ng paunang lunas ang kanyang mga tama ng baril. Pero hindi ito sapat!

Agh!

"What happened?! Anong nangyari kay Alex! " Halos mapaos paos kong sigaw sa pagkataranta kay Shenny ngunit tanging hikbi lang nito ang isinagot saakin.

D*mn! H'wag namang pati si Alex.

Galit akong tumayo at inilinga ang sarili ko sa buong paligid.

Kailangan niyang magamot!

Maraming ng tao at ang lahat ng ito ay tinutulungan ang iba pang sugatan. Mabilis akong naghanap ng taong walang ginagawa ng makita ko ang dalawang taong naguusap sa hindi kalayuan. Agad akong naglakad ng mabilis, at nakumpirma kong kilala ko ang isa sa mga ito and it was Davian with a guy na nakabihis kagaya ng mga tauhan ng kambal ko.

"Don't just f*cking stand here at makipagkwentuhan lang!" Sigaw ko habang galit na papalit sa kanila. Naagaw ko naman agad ang atensyon nila kaya napatingin ang maging ang lahat saakin.

Nanlaki ang mga mata ni Davian at ang singkit na mga mata ng lalaking kasama niya

"Excuse me? " Sagot pa nito na mas ikinairita ko.

Bagay na dahilan upang makuwelyuhan ko ito. Napasinghap ito sa gulat pero hindi ko siya pinansin.

Rinig ko ang pagawat saakin ni Davian pero hindi nito ako magawang hawakan.. Ni hindi ako nito matinag o maialis ang mahigpit kong pagkakahawak sa kwelyo ng walang kwentang nilalang na ito.

"I repeat, you f*cking creature , don't just f*cking stand here kung alam mong may nangangailangan pa sa inyo! " Sigaw ko sa pagmumukha nito at kumunot lang ang kanyang noo. Pinilit nitong hawiin ang mga kamay ko ngunit hindi niya rin ito magawa.

"Psh! Im not a medics I'm...." But I cut him off.

"I don't care who you are! My friend needs to be cure right now! At hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo kapag hindi mo ginawa ang gusto ko! " Sigaw ko pa dito at hindi ko na hinayaan pa siyang makasagot. Kinaladkad ko siya sa pwesto ni Alex na wala paring malay hanggang ngayon.

And it makes my heart weaker even more.

"Sinabi na ngang hindi ako ang Medics! " Pilit pa nitong hawi sa kamay ko at nang makarating na kami sa pwesto ni Alex at Shenny at tuluyan ko na itong binitawan. Walang pasabe ko naman ding itinapat ang baril ko sa ulo niyang walang laman dahil sa inis ko.

I gave him my blank expression dahil wala na akong ganang makinig pa sa mga walang kwentang salitang lumalabas sa walang kwenta niyang bibig.

"Your life or his life?!" Seryoso kong banta dito. Napataas nalang ang kamay nito at sinimulan nang asikasuhin si Alex.

Agad na yumakap saakin si Shenny matapos nitong sagutin ang ilang katanungan ng lalaking ito. Nakatutok parin ang baril ko sa lalake at ang kabilang kamay ko ay niyakap nalang din si Shenny. My tears are starting to fall again pero pinigilan ko ito.

"Sorry Myrttle, hindi namin nagawang maging ligtas ni Xander. Im sorry, hindi ko magawang patigilan ang pag-agos ng dugo niya. Im sorry. " Paulit-ulit nitong hagulgol saakin at wala nalang akong nagawa kung hindi ang yakapin ang ulo nito at mapatingala nalang dahil sa pagpipigil kong maiyak.

Damn this tears!

"Shh, don't be sorry Shenny. It's not your fault. So please don't cry. Alex will survive. Believe me...so please be brave for Alex okay.. Please. " Utal kong pagpapagaan ng loob ni Shenny kahit na manginignginig na ang mga labi ko sa pagpipigil kong umiyak..

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now