Chapter 69: [Me]

Magsimula sa umpisa
                                    

Ano ba kasi to Hunt! Kung nagbibiro ka kasi huwag ganito.

Kasi ang sakit... Hindi ba't, hindi ikaw ang nakasakay doon? Hindi diba? ! Sabihin mo!!!

Pero isang sigaw ang mas ikinayanig pa ng aking mundo.

"Myrttle! " Tawag ng lahat sa babaeng pinakamamahal ko na ikinakaba ko ng husto. Agad na hinanap ng mata ko si Myrttle at halos tumigil ang aking hininga ng makita ko itong papabalik na sa Clock tower.

Ano nanaman bang ginagawa mo babae?!!

"MYRTTLE!!! " Mapaos paos kong tawag dito ngunit hindi ito lumilingon.

Agad ko akong tumakbo at pilit na hindi ininda ang pagdurugo ng sugat ko na kakapagaling lang ni Paris.

Sumunod din ang lahat ng Rulers sa Loob ng Clock tower ngunit nang nakapasok kami sa loob ay walang bakas ni Myrttle kaming nakita. At mas lalo konitong ikinakaba.

Ano ba naman Myrttle, huwag namang pati ikaw. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag pati ikaw mawala pa...

Hindi ko kakayanin babae.. Hinding hindi....

"Maghiwa-hiwalay tayo! Landon, Ethan, Linzy, at Agata dyaan kayo maghanap sa Left wing ng clock tower. At ang natitira ay sa Right wing! Magsimula kayo sa baba pataas. At ako ay dederetyo na sa Tuktok ng clock tower." Hingal na hingal kong bilin sa kanila. Walang nagsasalita sa kanilang lahat at tanging mga tango lang ng mga ito ang natanggap ko. Kitang kita ko ang pagaalala sa kanilang mga mata at ramdam ko iyon dahil hindi ko na hahayaan pang may mawala sa grupo namin!

Nagsimula nang magsialisan ang bawat pangkat at magsisimula na sana akong umakyat pigilan ako ng isang kamay.

"B-Blaise..." Garalgal at malalim na boses at nanggaling ito kay..... Paris?

Seryoso ito ngunit may mga butil ng luha sa mga mata nitoy nagbabadyang kumawala.

"I-ikaw nalang ang makakapigil sa kanya ngayon. Please, stop her. Nakikiusap ako. " at tuluyan nang tumulo ang mga butil ng luha sa pisngi nito.

At wala nalang akong nagawa kung hindi ang bigyan ito ng mumunting ngiti upang siyay mapanatag.

"I will Sakura. At kahit hindi mo pa sabihin ay hindi ko hahayaang may mangyaring masama saking reyna. Don't you remember? She's my Queen." Saad ko dito at patakbo nang umakyat sa hagdan. Sinundan narin ni Paris ang boyfriend niyang si Ash at si Kiera.

Hingal na hingal na akong umaakyat sa Tower nang makarinig ako ng malalakas na putok ng mga baril.

S-Sh*t...

Myrttle!

At kahit pagod na pagod na ang aking mga binti sa pagakyat, ay halos gapangin ko na ang pagakyat pa rito dahil sa tuktok ng Clock tower nanggagaling ang putok ng baril.

"Myrttle! Nasaan ka na Myrttle! "

Sigaw ko nang ilang hakbang nalang ang natitira bago ko ito tuluyang naakyat ngunit tila ba namanhid ang buo kong katawan nang makarinig ako ng sigaw..

"Nasaan na kayo?! Lumabas na kayo! Ako naman ang habol niyo hindi ba?! Bakit hindi nalang ako!! Bakit si Hunt at Dayle pa!! Bakit?!! "

Ang pagmamadali kong umakyat ay tila ba naging mabagal dahil nanghina ako sa sakit at poot na meron ang boses na iyon ni Myrttle..

Oo, si Myrttle...

Ramdam ko ang mga yabag ng paa sa gilid ko at nakumpirma kong sila Landon ito at ang grupo nila Paris ngunit nang sabay sabay naming makita ang pinakatuktok ng Tower at tila ba nanlambot kaming lahat...basag na salamin, tama ng mga bala sa pader. Basag na mga base, dugong nakakalat sa sahig kisame at pader. At mga patalim na nakakalat.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon