Chapter 69: [Me]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh! Huwag mong iluluwa! I don't take 'no' for an answer. " Seryoso nitong banta saakin kaya wala na akong magawa kung hindi ang tanggapin ito.

Ang totoo niyan ay gusto ko talaga ng inaalok niya. Ayoko lang sa mga ngiti niya. Tsk, we are not even close!

"S-Salamat. " Bulong ko nang makaalis na siya sa harapan ko. Asa naman siyang pasalamatan ko siya na alam kong maririnig niya.

"You're welcome Blaise! I'm Hunt Spark! And I want you to be my friend! " Sigaw nito na ikinakunot ng noo ko.

"May sapak ang isang 'yun."

Bulong kong muli ngunit napangiti nalang dahil sa paguugali niya.

Hindi naman siguro masamang kumaibigan ng isang Spark.

~*~

Mula noon ay lagi na kaming magkasama ni Hunt, dahil din kay Hunt ay nakilala ko ang tatlo pang itlog maging si Kiera. Ngunit panandalian lang ang ngiting nakita ko sa kauna-unahang taong nagbigay saakin ng pagasang magkakakaibigan pa ako. Dahil nagbago ang masayahing Hunt nang mawala si Kuya Henry. Mula sa masayahin, palatawa at punong puno ng siglang Hunt Spark, ay naging cold, walang pakialam at tahimik ito. We don't know what exactly happened to him pero kung ano man iyon ay hindi ako umalis sa tabi niya.

Masakit na pagtaguan ka ng sekreto ng iyong matalik na kaibigan pero hindi sagot ang paglayo dito para marealise niya kung ano ka sa buhay niya. Dahil naniniwala akong sapat na ang pagnatili ko sa tabi niya mula nang mawala si Kuya Henry.

Hindi man niya ako mapagkatiwalaan sa bagay na iyon, ay pinagkatiwalaan ko rin siyang may malalim siyang dahilan para itago dahilan ng kanyang pagbabago..

Nasaktan ako, nasaktan ako nang malaman kong all this time ay tinatago lang pala sakin ng kaibigan ko ang taong matagal ko nang hinahanap. Nasaktan akong sa kabila ng bawat pagtangis ko sa tabi niya dahil sa pagkawala ni Mommy ay alam pala nito kung nasaan ang aking ina. Hindi ko maiwasang magalit, hindi ko maiwasang mainis. At hindi ko rin maiiwasang magkaroon ng lamat ang tiwala ko sa kanya bilang matalik kong kaibigan...

Pero, nang makita ko ang maayus na kalagayan ni Mommy? Nang makita ko ang mga mata niya nang halos ipagtabuyan niya kami sa mansyon na iyon. At nang makita mismo ng mga mata ko ang paglalakad niya papalayo saamin.

Hindi ko rin magawang masaktan.. Masaktan hindi dahil sa ginawa niyang paglilihim saamin kung hindi ang masaktan dahil ang matalik kong kaibigan ay tinalikuran na ako... Kami para sa mga taong ang tanging alam ay manakit....

At ngayon, tuluyan ko na pala siyang hindi makikita.... Hindi ako handa na ang paglayo niyang iyon ay panghabang buhay na pala....

Kung alam ko lang na hindi ka na babalik.... Kung alam ko lang Hunt!

Nilumpo nalang sana kita! Binugbog nalang sana kita ng di ka pa nakatayo pa!

Pero bakit naman kasi ganito... Ang unfair mo naman pre eh.... Bakit ang unfair mo.

Paghihinagpis ko at natauhan nalang nang isang mainit na luha ang pumatak sa pisngi ko at napahawak nalang ako sa buhok ko at napayuko...

"Hunt.. " Bulong ko at tila ba pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko ng unti unting bumaon sa dibdib ko ang mga nangyayari...

"ARGH !!! HUNT!!! " Inis kong sigaw at hindi na inintindi ang mga makakarinig saakin.

Hindi kasi pwede eh, hindi niya ako pwedeng iwan ng ganito..

Kami.... hindi niya kami pwedeng iwan ng ganito..

Pabalik balik ako nang lakad sa pwesto ko at paulit ulit kong hinahawakan ang batok ko.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon