18 ROSES: Laws of the Elite || Valentines Day Special

22.5K 724 173
                                    

18 ROSES: Laws of the Elite || Valentines Day Special

- MICHELLE SUMASTRE -

Masaya ang paligid ng buong Empire Academy sa araw na ito. Valentines Day naman kasi at maraming couples sa labas. May ibang nagpo-propose, may ibang nabibigay ng bouquet, chocolates and teddy bears sa kanilang mga nobya, may mga nanghaharana at kung anu-ano pang ginagawa ng mga may minamahal sa araw ng mga puso.

Sumilay naman ang ngiti sa aking mga labi habang nakatingin sa bintana. Minsan ko lang kasing makita ang buong Empire Academy na ganito – na masaya ang lahat.

Pero hindi ko rin maiwasang hindi malungkot...

Hay... wala pa kasi akong napapatid at nabighani sa ganda ko kaya eto ako ngayon at single parin ako. Hay... kawawang hopeless romantic.

Ay ano ka ba, Michelle! Ba't ka nagsasalita nang ganyan? Aral muna bago landi!

Umiling na lamang ako para makalimutan ko ang mga insecurities ko at nag-focus nalang ako sa pagbabasa ng nobelang Ingles na 'Twilight'. Sa pagbabasa nalang talaga ako makakaramdam ng kilig.

Naagaw naman ang atensyon ko nung may kung anong kalabog do'n sa pintuan ng classroom namin. Nakaramdam naman ako ng takot kaya agad akong napatayo at hinanda ang upuan ko. Oo ganito talaga ako matakot – itatapon ko ang mga bagay na nasa tabi ko.

"S-Sino 'yan?!" bahagya naman akong nagtaas ng boses at hindi ko pinahalatang takot ako.

Tumili ako nung lumabas ang kung ano'ng maputi sa harap ko. Halos mawalan ako ng lakas pero nakahinga naman ako nang maluwag nung makita ko 'yun.

"Ikaw na naman?" tanong ko rito.

Iginalaw lang n'ya ang kanyang mga whiskers at ang kanyang tenga at inosente pang nakatingin sa akin. Alam n'yo ba kung ano ang nakita ko?

Rabbit lang naman ni Ryuuji.

Jusmiyo marimar, ano na namang ginagawa ng kunehong ito rito? Mahilig ba talagang manggulat ang isang 'to?

"Ano'ng ginagawa mo rito? Nasaan ang amo mo?" tanong ko rito at bahagyang yumuko sa kanya. Oo, mukha na akong may tama rito dahil kinakausap ko itong kuneho. Sorry na, loner lang.

Pero dinedma lang ako nito at lumabas sa classroom namin. Bumuntong hininga na lamang ako at akmang babalik sa upuan ko ngunit napatingin ulit ako sa pintuan at naroon parin s'ya at nakaupo na tila may hinihintay. Bahagya namang kumunot ang noo ko. Ang weird lang eh dahil bukod sa parang may hinihintay s'ya, nakatingin pa s'ya sa akin! Shet bikong pilet kuyawan pud ta ani niya!

"H-Hoy... si-si Ryuuji bang hinihintay mo? Wala s'ya rito eh..." agad naman akong lumapit sa kanya pero bigla s'yang tumakbo sa kung saan. At mas na-wirduhan pa ako dahil parang gusto n'yang sundan ko s'ya. Huminga na lamang ako nang malalim at sinundan na lamang s'ya.

Para pa akong baliw na nakasunod sa kunehong 'yon. Mula sa paglabas n'ya sa classroom hanggang sa pag-akyat n'ya sa hagdanan, sinusundan ko parin s'ya.

"Sa'n ka ba pupunta, huy! As aka padulong?" hindi parin s'ya tumigil sa kakatakbo kaya sinundan ko parin s'ya.

Maya-maya pa'y bigla s'yang tumigil sa isa sa mga rooms na naroon. Mukhang sa curriculum room s'ya tumigil. Napatingin muna s'ya sa akin bago s'ya pumasok doon. Tumingala ako para i-check kung ano'ng room iyon. "M-Music room?"

Ano'ng nakain ng kunehong iyon?

Hay... Michelle, nababaliw ka na. Porket wala kang ka-date sa Valentines, susundan mo 'yung kuneho para lang may makausap ka? Nabuang na dyud ka. Pagdagkot ug katol uy!

18 ROSES: Laws of the Elite || #Wattys2017 Winner [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon