Chapter 4 : [Myrttle and Blaise first clash]

232K 7.1K 592
                                    

Myrttle's Point of View

Napaka-kapal ng mukha ng lalaking hindi ko naman kilala pero makahila sa'kin wagas! Hindi ko alam kung nasaan ang hiya ng hinayupak na ito. Wala man lang pakundangan kung nakakasakit na ba o ano.

Badtrip!

"Ano ba! Kanina ka pa, ah! Masakit na!" pag-angal kong muli.

Nabibwisit na talaga ako. Nakakayamot na, kulang na lang ay baliin ang braso ko. Magkaibang-magkaiba talaga sila ng ugali ng kapatid niyang si Celine. Pero imbes na pakinggan ako ay hinigit lang niya ako nang hinigit.

I can't even move my arms. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin. My arms are turning red but he doesn't show any care. The hell? Babae kaya ang hila niya!

I tried to pull my arms back but the pain is getting severe. Tagaktak na ang pawis ko sa sakit. Pero wala lang siyang pakielam, gaya ng pagkawalang pakielam niya sa tumutulong dugo sa noo niya.

Abnormal!

Hindi nagtagal ay nagsawa na ako sa kakaangal. Hindi na lang ako nagpumiglas pa na agad rin nitong ikinabitaw sa'kin.

Seriously?!

Pathetic Jerk!

Sunod-sunod ko pa itong isinumpa sa likod ng isip ko nang halos masubsob ako nang bigla na lang siyang huminto sa kung saan. I realized that we are heading to University Clinic all this time.

HARRISON UNIVERSITY WEST CLINIC

Sa Clinic?

Bakit naman kami nandito?

"Oh, pumasok ka na dyan. Ang likot-likot mo!" Asar niyang utos sa'kin kasabay nang malakas niyang pagbitiw sa braso ko.

Dang! Isa na lang! Isa na lang talaga!

"Oh? Eh, bakit mo naman ako dinala sa Clinic?!" angal ko rin sa kanya habang hinihilot ang masakit kong braso. Bwisit!

"Malamang magpapagamot ka!" He retorted.

Ang ingay!

Ako? Magpapagamot? Para saan?

"May saltik ka ba?! Pagkatapos mo akong lagyan ng pasa sa braso, ngayon dadalhin mo ako rito?! Eh, 'di sana hindi mo na lang ako ni-torture sa paghila kung papagamot mo lang din naman!" sigaw ko rin para gantihan siya.

But he just raised his damn eyebrow. Bagay na ikinaiinit ng dugo ko. Alam niya bang ayokong ginagawa sa'kin iyon? Ahitin ko ang kilay niya, eh!

"At isa pa, hindi ko kailangang magpagamot! Ikaw ang may kailangan no'n dahil sa dugo mo sa—" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto ng Clinic.

"Sir, Ma'am, h'wag po kayong magsigawan. Hin—" napatigil ito. "Sir Blaise! Ano pong nangyari sa ulo ninyo?!" gulat na tanong nitong Nurse.

Nagtakha si Blaise sa sinabi ng nurse. Pagkukumpirma kong wala talaga siyang alam sa nangyayari. But when he finally reached his head and saw the blood in his hands, his eyes widened .

Tss. May saltik na nga, manhid pa.

The Nurse dragged him inside the Clinic. But the way that nurse touches Blaise skin? It's like its giving her a pleasure.

What the actual hell?! Manyakis si Ateng Nurse.

Alam kong hindi ito ang tamang panahon para matawa. Pero damn it! hindi ko mapigilan! His reaction was priceless!

I can't help myself but to laugh silently. Pero itinigil ko rin dahil masyado nang kadiri ang nakikita ko.

Tahimik na lamang akong tumalikod at umalis. Naasiwa na akong makita ang mukhang isdang 'to.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon