Chapter 3 : [Myrttle meets Blaise]

Start from the beginning
                                    

'Yong totoo? Ano bang problema niya?

"Ikaw ba si Myrttle?" paguulit nito.

Bungol ang potek.

"Hoy babae, layuan mo na ang kapatid ko! Nadadamay siya sa kalokohan mo! Ni hindi ko nga pinadadapuan sa lamok iyon. Tapos ikaw pa ang magiging dahilan kung bakit siya mabubugbog?! " He shouted.

I was overwhelmed by just said. I don't even have any Idea what he is talking about! Para itong nakalunok ng microphone na akala mo'y isang kilometro ang layo namin!

Nakakabwisit!

"Sino ka ba?! Sinong kapatid ba? At huwag kang sumigaw! Malapit lang ako!" Pagpupumiglas ko.

"Kuya!"

Ikinabigla ko ang biglaang paglapit ni Celine galing kung saan. Para talaga siyang kabute. Kung saan-saan sumusulpot.

Pero ano daw?

Kuya?

Niya?

Sila?

Eh?

Ipinabalik-balik ko ang mata ko sa lalaking ito at kay Celine.

Seriously? Kuya niya 'to? Bakit parang ang layo naman?

Great, Myrttle! Nakakaisip ka pa ng ganyang kalokohan sa ganitong sitwasyon.

"Kuya! Bakit mo sinasaktan si ate Myrttle!? Hindi naman siya ang gumawa nito sa'kin ah," naiiyak na awat ni Celine sa lalakin nito.

Teka, gumawa sa kanya ng ano?

"Anong hindi!? 'Eh, dahil sa kany—"

Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi ng lalaking ito dahil nagulat ako sa nakita ko sa braso ni Celine. May mga kalmot at pasa ito bagay na ikinakaba ko nang husto.

I used all my strength to pull my arms back. It was very painful but I manage to endure it. I quickly went to Celine. At napatakip ng dibdib nang mas makita ko ang lahat sa malapitan. She's been tripped.

S-so ako may kasalanan ni-nito?

No no no, not again.

"C-Celine napaano ka?" natataranta kong tanong dito na punong-puno ng pag-aalala.

Kinakabahan ako sa maari nitong isagot. Kinakabahan ako sa posibilidad na ako na naman ang may kasalanan kung bakit nasaktan ang inusente. My tears are choking me but I manage to control it from falling.

Ako na naman...

Pero mas lumakas pa ang kabog ng dibdib ko nang biglang napayuko si Celine. Bagay na ikinataranta ko kaya mabilis kong binitiwan ang mahigpit na pagkakahawak ko sa kanyang braso. A tears dropped into my arms, bago ko ito tuluyang matanggal.

"Ate, kasi-kasi ano po—"

At dahil sa kasagutang gusto kong malaman ay pinilit kong itinaas ang ulo nito. At tuluyan kong ikinabasag nang makita ko ang basang-basa pisngi nito.

Kitang-kita ko ang paghihirap sa kanyang mga mata. At wala na lang akong ibang magawa kung hindi yakapin siya.

Its tearing me. Nadudurog ang puso ko sa bawat hikbi ni Celine. Hindi ko alam kung ano, pero nararamdaman kong may kinalaman ako rito. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati ang batang ito ay nasaktan ng dahil sa kagagawan ko.

Natanaw kong muli ang lalaking humarang sa'kin kanina. At mas nabuo ang galit sa mukha nito matapos marinig ang lahat ng sinabi ni Celine.

"Ikaw nga kasi ang may ka—" He is about to shout but I stopped him.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Where stories live. Discover now