Day 342

19.9K 408 24
                                    

7:01 AM

Russel: Pasok na ako hon. Namiss din agad kita hihi sana maglinggo na. I love you

11:03 AM

Claudine: Isipin mo lang na mahaba pa ang oras para medyo hindi ka mainip. I love you too wifey. Bakit ba hindi nakakasawang sabihan ka ng I love you?

1:33 PM

Claudine: Kasama ko ngayon si Waine. Dahil maaga pa naman ay, nag-inom kami sa kanila. Hindi madali ang sinabi ni Ate Paulina sa'kin. Inaamin kong gusto kong magbago para maging maayos ang buhay ko pero sa nangyari sa'min ni Ken ay lalo akong naging mas inspired magbago. Pero dahil mas mataas 'yun ay mas masakit ang bagsak. Madali lang sabihin na ipagpatuloy ang laban sa buhay pero hanggang kailan ko dadamdamin 'to? Hindi pa yata nasasawi si Ate Pau kaya niya nasasabi sa'kin 'yun. Konti lang naman at alam kong hindi magtatagal, magiging maayos na din ako kaya hayaan ko muna ang sarili kong ganito. Pangako ko, itutuloy ko ang plano. "Alam mo Ar. Kuntento na ako sa negosyo ko. Hindi ko ugaling magpayaman. Pero kung gugustuhin ko, kaya kong magparami ng pera." Lasing na si Waine. Hindi talaga siya ganiyan ka seryoso pag matino siya.

"Hindi ko gustong magpayaman. Ang akin lang, syempre kasama sa pagbabago ko 'yun. Kailangan kong matuto. Sa sariling sikap ko. 'Yung hahangaan naman ako ni Daddy." Tumingin ako sa kaniya ng seryoso.

"Hindi sa ganun. Sinasabi ko lang na kaya kitang tulungan sa negosyo. Pero hindi ko sinasabing makikialam ako sa'yo."

"Sige, ano ba ang alam mo?"

"Payo sa'kin ng Uncle ko, huwag masyadong gahaman sa tubo. Kailangan ay pang-masa. Pero minsan ang mga tao ay hindi bumabase sa quality o sa lasa. Dahil ang gusto nila ay makatipid. So, ang ibig kong sabihin, balance lang."

"Ang hirap mong intindihin. Baka pag sinabi ko sa'yo 'yung advice ni Daddy, bigla kang mawindang diyan." Uminom ako sa bote at tumawa. Naalala ko 'yung negosyo na ikaw mismo ang lalaban sa sarili mo para hindi na makasingit pa ang tunay na kalaban.

"Ganito 'yan Ar." Nilapit pa niya ang mukha niya sa'kin. "Simulan natin sa maliit. Isang galon na juice. Gusto mong tumubo ng malaki kaya binase mo lang ang lasa sa limang piso. Ngayon, tumubo ka ng isang daan kada isang galon. May lumaban sa'yo. Dahil nakikita niya ang kahinaan mo, gumawa siya ng mas masarap na juice. Singkwenta pesos lang ang tubo niya. Ang kaibahan niyo lang, nakakabenta siya ng sampung galon sa loob ng isang araw pero ikaw, hindi na maubos pa ang iyo. Mas malaki ang tubo mo pero mas mabenta siya. 500 pesos ang tubo niya dahil gusto ng tao sa kaniya. Ikaw? Dahil gahaman ka, gusto mo ng malaking tubo, mas lalo kang nalugi. Gets mo na?"

Napapikit ako. 'Yan ang basic ng negosyo. 'Yung nagpapasarapan. Pero may sense naman 'yung sinabi niya. 'Di bali nang maliit ang tubo, kaysa masira lang dahil walang bibili. "Okay, gets ko na. Pero sabi mo, ayaw nila ng mataas ang kalidad o masarap dahil siguro, mahal."

"Marami kasing uri niyan. Ito ay naexperience ko lang. Kaya success ang bar ko dahil mura ang pulutan o ang mga pagkain. Pero ngayong medyo kilala na ang bar ko, saka ako naglagay ng mga bagong menu. Doon ako bumawi. Akala ngayon ng mga bagong costumers, bigtime bar na ito. Ang hindi nila alam, sa cheap lang ito nagmula. Masarap kasi at dekalidad ang pagkain. May taong gusto ang mamahalin dahil mas may class. Sakop ko na ang lahat ng uri ng tao."

"Alam ko 'yan. Pero hindi ko magets ang isa pa. Sasarapan ko ba ang luto o tataasan ang kalidad, tapos mura ko lang ibebenta? Ganun ba?"

"Hindi. Sa tinapay, hindi na issue sa ibang tao ang sarap nito. Gusto lang nila ay mabubusog sila. Kaya ayaw nila ng maliliit na tinapay. Masarap nga, bitin naman. Doon na papasok ang pakisamahan mo ang mga tao. Maliit man o malaki ang negosyo. Ang isipin mo ay 'yung makatipid sila. Lakihan mo ang luto at sarapan mo. Kahit mas malaki ang tubo ng kalaban mo, kung mas mabili sa'yo, mas kikita ka. Pag nakilala ka na, saka mo lalagyan ng mga mamahalin na tinapay para 'yung mga gusto ng class na pagkain ay sa'yo na bibili."

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon