Day 336

15.6K 449 37
                                    

6:59 AM

Russel: Good morning hon. Tatawagan kita mamayang tanghali ah. Baka magpasundo ako sayo sa palengke. I love you mwuaaaaaahps!!

9:04 AM

Claudine: Okay :D

Claudine: I love you top.

Claudine: *too

5:33 PM

Russel: Nakauwi na ako. Namiss agad kita. Umuwi ka agad ah. Chat tayo mamayang 8. I love you asawa ko

8:03 PM

Claudine: Hi wifey. Kanina pa ako nakauwi.

Russel: Buti nagchat ka na. Hanggang 9 lang ako. Mag uusap kami ni mama

Claudine: Namiss mo ba agad siya? Hayaan mo, isipin mo nalang na para sa inyo din kaya wala siya sa tabi niyo.

Russel: Ewan, feeling ko artista si mama na hindi ko makita sa personal though nakakausap ko naman

Claudine: Feeling ko din yun sayo hahaha minsan iniisip ko before we'll see each other, "Ano kaya ang itsura mo?" Even your face was already drew on my mind.

Russel: Haha! Kilig much. Relate ka ba? *yakap* I love you

Claudine: I love you too. Alam mo ba na bumabata ako pag kasama kita?

Russel: Bakit? Kasi isip bata ako hmp! Kaya parang isip bata ka din o parang may alagang maliit

Claudine: Hindi ah. Feeling ko, kahit wala akong naging girlfriend nung highschool, naranasan ko na dahil sayo kaya kung sakali pala na nagkagirlfiend ako noon tapos isip bata ako, maybe madaling malalaman ng magulang ng girlfriend ko na may boyfriend siya.

Russel: Ganun? So, you were saying na parang nasa highschool ka na may pag iisip na 22?

Claudine: Maybe haha! Kasi diba, may mga experience tayo na nagkakamali tayo dahil isip bata pa. And then, sasabihin natin "Kung ganito na ang isip ko noon, blah blah blah."

Russel: Ay parang yung classmate ko nung 2nd year. Classmate ko parin siya ngayon. Kasi nagpareformat siya ng phone. Siningil siya ng 100 pesos sa saglit na saglit na segundo lang ata. Sabi niya. "Kung ganito na ang isip ko, mangangatwiran talaga ako eh. Kayang kaya ko naman pala na gawin yun kasi. Bakit pinareformat ko pa?!" Inis na inis siya

Claudine: Hindi naman kasi yung effort ang binayaran niya nun eh. Eto *Turo sintido* yung kaalaman. Kung marunong siya e di sana siya nalang nagbura.

Russel: Kahit na. Tinaga siya nung lalaki. Kung ako nga yun eh. Baka libre nalang

Claudine: Alam mo ba na yung isang uncle ko, mekaniko sa ibang bansa. Mahusay siya. Sa ibang bansa kasi, walang mekaniko dahil ang alam lang nila ay bumili ng sasakyan but marami parin naman ang nagpapaayos kaya kumukuha sila ng mga pinoy para maging mekaniko. May taong nagpagawa sa kaniya. Palibhasa, iilan lang ang mekaniko na magagaling sa bansa nila, lahat na nilapitan nung lalaki pero hindi niya mapagawa yung sasakyan niya. So, hanggang sa lumapit na siya sa uncle ko na huling mekaniko na yata na nilapitan niya. "Kaya kong ayusin yan." Sabi ng uncle ko kaya natuwa yung nagpaayos. Siningil siya ng malaki ng uncle ko. Pumayag siya para lang mapaayos yung sasakyan niya. So, okay lang dahil iniisip nung nagpaayos na mahirap ayusin yun. Ang ginawa ng uncle ko, may pinalitan lang na pyesa tapos kinalikot ng konti. Within just less than 30 minutes, naayos niya yung sasakyan kaya nagalit yung nagpagawa. Saglit lang daw pala ayusin pero bakit ang laki ng singil? Sagot ng uncle ko. "Utak ang binabayaran diyan at hindi yung trabaho."

Pasensya na sa mahabang kwento hahaha! Pero may bagay na pinag aaralan kaya hindi na kailangang mag effort dahil may alam ka. Kaya huwag niyong sisisihin yung nagtatrabaho ng walang effort o tagain kayo. Lamang ang may alam kaya kung alam niyo lang na madali lang pala ireformat yung phone, dapat kayo na ang gumawa kaso wala kayong alam that time kaya wag kayong manisi. Okay?

Russel: Kaya pala ang tagal mong magtype hmp! Siguro nga tama ka. Wala sigurong magpapagawa kung lahat ng tao may alam

Claudine: Kaya need talaga ng tao ang mag aral. At ang taong walang alam sa ibang bagay, kailangan nilang magbayad sa taong may alam.

Russel: Kaya pala nag aaral ang tao para may alam. College man o ibang gawain like mekaniko

Claudine: Oo, at lahat ay hindi madali kaya sana maappreciate mo yung ginagawa ng iba, kahit taga ayos lang yan ng tsinelas sa daan.

Russel: May update ka ba?

Claudine: Bukas na hahaha papaalala ko lang yung tungkol sa rule sa kulungan. Kaya may respeto sila sa taong nakapatay dahil karamihan sa nakapatay, may dahilan. Hindi tulad ng rape at pagnanakaw. Hindi kasi ako nakulong kaya hindi ko alam. Nagtanong lang ako sa ibang may alam, kanina lang.

Russel: Ganun ba? Alam ko din ma rule yun pero ngayon, medyo may alam na ako bukod sa sinabi ni Rosen

Claudine: Lagay mo nalang sa note doon na kailangan sa story tapos ipaliwanag mo ang totoo. Kasi para hindi ka mapuna ng ibang may alam.

Russel: Sige hon. I love you. Update ka bukas ah. Kakausapin ko si mama. Chat ako bago ako matulog. I miss your lips

Claudine: Okay wifey. I love you too. I miss your kiss. And I like the way you do it.

10:02 PM

Russel: Gudnyt hon

Claudine: Goodnight wifey!

366 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon